Chapter 11

34 9 6
                                    

Halos mahulog na ang puso ko habang muntik niya ng mabanggit ang pangalang iyon.

Mahuhuli na ba ako?

Sana hindi pa dahil nag uumpisa palang ako.

Bumukas ang pang unang bahagi ng Elevator.

Tinignan ko ang aking suot na relo. Malapit na magsimula ang internship ko.

Labing limang minuto na lang ang natitira.

Pagkabukas na pagkabukas ng elevator. Hindi ko na inaalala si Ford dahil agad akong kumaripas ng takbo. Hindi ko kabisado ang pasikot sikot nito kaya, Nagtanong na lang ako sa security guard na nagbabantay sa floor na to. Tinuro niya ang pinakadulong bahagi ng kanto at pinuntahan ko agad ito.

"I'm here! Good Morning Ma'am and Sir" bati ko at hinawi ang namumugtong pawis na tutulo sa aking noo. Nadulot na rin siguro ng nerbyos at pagkaexcite sa magiging event ngayon.

May kumatok sa pinto at binuksan ko iyon. Bumungad nanaman sa akin si Ford,binigyan niya ako ng isang ngiti. Halos kumawala ang puso ko sa kaba ng muli siyang masilayan.

"Good Morning sir" binati ko siya, dahil sa tingin ko siya na yung hinihintay na boss dito.

Simpleng tango lang ang naging responda sa akin ni Ford.

"Oh Mr. Sebastian!, Start na ng work irevise mo yong article na to. Kailangan nanto ngayon!" Sabi sa akin ng babaeng nakasalamin, siya na yata yung assistant ni Ford.

"San ko pa to irerevise?" Tanong ko at tinuro niya ang bakanteng upuan doon at may conputer.

Pumunta agad ako doon dahil baka pumalpak agad ako. Nag uumpisa pa alang ako baka resign na agad.

Binuksan ko yung computer at nagstartnng irevise yung nais ng babae kanina, at salamat dahil magaling na ako dito sa pagrerevise.

Nang matapos ko ang pagrevise, sinuksok ko na ang usb at sinave na doon ang revise version ng article. Hindi pa pala matatapos ang mga utos sa akin, napaka hard nila talaga pag baguhan ka lang talaga sa kumpanya dahil lahat ng kanilang gawain ay iiatas sayo. Naiinis na ako pero ok lang para makapasok ako sa kompanyang to at maging regular dito, alam kong pinakamahirap ang pagmag uumpisa ka sa mababang pwesto pero kailangan mo lang igrab ang opportunities para manalo ka.

Nakaka 500 copies na ako sa pinophoto copy sa akin. At magtatanghali na rin naman kaya itinigil ko muna ang gawain ko, Nagtanghalian na rin ako at napanganga ako ng literal sa ganda ng cafeteria nila sa lower ground, ang ganda ng mga service dito, idamay mo na rin ang facilities nila fully aircon ang lugar.

Nagulantang ako sa presyo ng mga pagkain dito kaya napagdesisyunan ko na lang umorder sa karinderya sa labas, alam kong may kaya ako pero kailangan kong magtipid.

Inakbayan ako ni Ford, wow nakakagulat lang dahil naiilang ako para kay Anne, i mean para sa akin. I'm not expecting a guy like him to treat me like that. "San ka pupunta Drew, alam kong pagod ka sa una mong internship. Feel free to order what ever you want" nais ko sanang tumanggi pero kumukulo na ang sikmura. Tumingin ako sa menu at napalunok ako sa malaginto nitong presyo.

Pinili ko ang burger steak na nagkakahalaga lang ng 150 two burgers na yun. Unang kagat ko palang damang dama ko na ang juiciness nito damang dama ko ang lasa ng tunay na baka. "Kaya pala mahal!" Bulong ko sa tabi.

Tumabi sa akin ang isang magandang babae,

"Can i sit here?" Tanong niya at tumango na lang ako dahil busy pakong kumain ng makarneng burger na to.

"Bago ka dito no! You know you're cute" ngumiti siya sa akin at sinuklian ko din ng matamis kong ngiti na nagpakilig sa kanya. Sa mga linyahan ng babaeng to alam kong type niya ko pero si Chienna talaga yung matimbang sa aking puso eh. "May girlfriend ako miss" matipid kong sabi at uminom ng malamig na tubig.

Nang mailigpit ko na ang pinakainan ko, super worth it talaga ang 150 na nilibre sa akin ni Ford. Agad kong nilakad at hinintay ang pagbaba ng elevator dahil pagod nako sa paglalakad at paghahabol sa oras.

Tamang tama ang pagdating ko.

Pumasok ulit ako sa opisina at itinuloy ang pagpophotocopy. Natapos ko rin iyon ng mahigit 20 minutes. Wala ng tao sa opisina? Iniwan ko ang mga initos nila sa akin sa kani kanilang mesa.

Umuwe na rin ako dahil ayokong tumanganga sa apat na sulok ng kwartong ito.

5:00 PM

Nakarating na rin ako sa bahay at nandun din yung kambal kong haliparot.

"Bakit ka nandito?"

"Bakit masama? As you can see nanonood ako ng tv" nakataas pa yung paa niya at nakapatong yung heels niya sa sofa habang kumakain ng pancakes

"Gago ka talaga Marcian, ibaba mo nga yang paa mo madudumihan tong sofa ko" iritado kong sambit

Inisnab niya lang ako kaya hinila ko yung paa niya na nagpabagok sa kanya.

Tumagundong ang lapag. "Hala sorry" yun na lang nasabi ko dahil natatawa ako dahil sa ginawa ko. Hinablot ni Marcian ang heels niya at ibinato niya sa akin. Nakailag ako pero natamaan ni Marcian yung mamahaling vase na nabili ko sa somewhere in Europe. Imbes na magalit ako tumawa na lang ako dahil ayun na lang siguro ang naging kabayaran na ginawa ko sa kanya.

"Bat mo suot suot yung damit ko, i mean ni Anne" Nakakairita dahil sinuot niya yung damit ko at kailanman di ko na susuotin yun.

"I have something to tell you, something really important" nagpintig ang tenga ko habang nagsasalin ako ng juice sa baso. Alam talaga nito ni Marcian kung pano makukuha yung atensyon ko.

"Ano yun? Ayoko yung pinapakaba ako eh" confuse na confuse talaga ako sa kanya. Kahit bobita rin pala tong kambal ko may matutulong din palang magandang.

"Do you know Kiara?? If yes say yes if no i'll go home"

"Kiara?" Gulantang kong tanong "Oo siya diba yung ex ni Ford!" Naeexccite ako sa bawat buka ng bibig ni Marcian dahil alam kong makabuluhan ito sa aking misyon

"What if kung gamitin mo siya as a weapon para makuha mo ulit si Chienna?" Nakangiti ako habang iniisip kung pano ko siya mapapasok sa plano ko.


"May number ka ba?" Masyado ko yatang minaliit ang kakayahan ni Marcian syempre meron yan.

"Oh yas ako pa ba??" Kinuha niya ang cellphone ko na tinipa na ang numero ni Kiara

I dialed her number



...........123

"Hello?" Halatang galing sa iyak si Kiara ng dahil kay Anne


"It's Anne, i have a mission for you dear!" Sabi ko habang iniisip ko ang mga kaguluhang pwedeng maidulot ni Kiara sa buhay ni Xander at Chienna.

"Ano ako tangaa! Matapos mo akong ipajiya sa taong mahal ko, hindi ako tanga anne!!! Kala mo malinlang moko pero hindi. Hinding hindi ikaw palang ang nagpasakit sa buhay can you please stop flirting Ford huh? Please Anne!" Garalgal niyang sambit habang hinihingal siya galing sa pighati na nararamdaman niya ngayon

"Okay let's make a deal, I will stop flirting Ford in one condition"

"Ano yun ha?? Pleass sabihin mo lahat gagawin ko" malademonyo ang lawak ng aking ngiti ngayon dahil nagwowork na ang plano ko

"Guluhin mo ang buhay ng taong mahal ko!" Madiin kong sambit sa kanya pero sasabihin ko iyon pag nagkita na kami personal

"San tayo magkikita?"

"Eluxe Bar"

Simula na nga ang mga kademonyohan ng aking plano. Maghintay lang kayo sa mga regalo ko Xander at Chienna maliligo kayo sa kademonyohan ko. Mali kayo na kinalaban.





Pretend to be a GIRLWhere stories live. Discover now