ASJD: Chapter 10 (Lihim ni Jeff)

318 14 1
                                    

Lihim ni Jeff

"Oh. Bakit nakakunot yang noo mo? May problema ba sa trabaho, Mahal?"

"Wala 'to. Simpleng problema lang" sagot niya sa asawa.

"E bakit parang iba ang nababasa ko diyan sa mukha mo?" lapit niya kay Riley "Sabihin mo nga, Nathan. Ano ba ang problema mo? Baka makatulong ako sa'yo"

Bumuntong-hininga muna si Riley bago niya ikuwento sa kanyang asawa ang nangyari kanina sa restaurant "Meron lang akong kaaway sa trabaho"

"...ano?! Kaaway agad?? Nathan naman. Kabago-bago mo lang diyan, may kaaway ka na agad? Paano na 'to? Saan ka na naman maghahanap ng trabaho??"

"Teka naman, Cindy. Huwag ka ngang O.A. .Hindi pa ako tapos eh. Pwede ba? Patapusin mo muna ako??" biglang tumahimik ang kanyang asawa at nagsimula nang muli makinig ito sa kanya "Meron lang naiinggit sa akin. Kasi sinabi ko sa kanya na close kami ng may-ari. At yun... galit siya sa akin dahil mayabang daw ako pero janitor lang daw ang trabaho ko."

"E hindi ko naman siya masisisi eh" sagot ni Cindy na parang mainit na ang ulo.

"Bakit naman?"

"E kasi sinabi mo nga sa kanya na kilala mo ang may-ari. Natural. Maiinggit yon. Baka iniisip niya na assuming ka o talagang sipsip ka" paliwanag niya kay Riley "Sa totoo lang? Ganyan din ang magiging reaksyon ko. Ang yabang mo eh"

"Teka... kinakampihan mo ba siya?"

"Hindi naman. Naiinis lang din ako"

"Saan ka naman naiinis? Sa akin?" panghuhula ni Riley "Ang akala ko, maiintindiham mo ako dahil asawa kita, pero nagkamali pala ako"

"Hindi ako galit sa'yo. Nathan"

"E saan?"

"Kay Jeff na yan!" sigaw niya sa asawa

Nanlaki naman ang mata niya dahil parang sinisisi niya si Jeff kung bakit siya may kaaway.

"Bakit siya?? Anong kasalanan niya sa away namin ng waiter na yon?"

"Meron. Meron siyang kasalanan. Nang dahil sa kanya, umalis ka sa dati mong trabaho at nag-apply sa kumpanya niya" sambit ni Cindy "Nang dahil sa kanya, naging mababa na ang pwesto mo at may kaaway ka na. Hindi mo ba nahahalata yan, Nathan? He's using you. Nilalaro ka lang niya sa palad niya. Binibilog ka lang niya"

"Hindi totoo yan, Cindy. Mali ang iniisip mo" tanggol niya kay Jeff "Sarili kong desisyon na umalis sa dati kong trabaho para makita ko siya. Hindi kasalanan ni Jeff yon. Kundi akin."

"Yun nga eh. Nabubulag ka sa pagmamahal mo sa kanya pero siya, hindi ka na niya mahal. Ginagamit ka lang niya para maghiganti sa ginawa mo sa kanya noon" pagdidiin pa niya lalo kay Jeff "Diba?? Sa'yo na mismo nanggaling na hindi ka pa rin niya napapatawad??"

Biglang uminit ang ulo ni Riley sa mga pinagsasabi ng kanyang asawa tungkol kay Jeff "Tumahimik ka na kung ayaw mong masaktan, Cindy" panduduro niya "Hindi ganyan si Jeff. Kilala ko siya"

Hindi niya nakayanan ang kanyang galit at dumerecho na lang sa kwarto at nagbihis doon. Samantala naman si Cindy ay nakatayo pa din at parang may iniisip.

***

Kinabukasan. Nakaupo si Jeff sa kanyang opisina. Tulala at iniisip niya ang sinabi ng kanyang kaibigan si Jacqui kahapon. 'What if hindi niya sinasadya yon? What if kung napilitan lang siya?'

Ako si Jeffrey Dy  (A CHINITO Book II)Where stories live. Discover now