❇ CHAPTER 1.4 ❇

18 1 0
                                    

Packing tape!!! 

Para akong pusa na naligaw sa hawla ng mga leon, belong ba ako dito sa party na toh o ball, o kung ano man ang tawag nila ditoh? Feeling ko sampid lang ako dito eh, kung di lang dahil sa damit ko siguro baka mag mukha akong pulube.

Bumaba nalang ako ng karwahe at pabebeng nag-lakad paakyat ng hagdan nila.

" Kahit hagdan, jusko po., wala na bang ikaka-perfect ang lugar na toh?"-napa-facepalm nalang ako sa tanong ko. Ano bayan. Syempre meron pa, palsyo toh eh.

Ang ewan lang ng tanong ko.

Nung nasa harap na ako ng pinto, nag-dalawang isip pa ako kung kakatok pa ba ako o hindi na. pero ang chaka naman siguro kungg..

....

A. Papasok ako ng hindi kumakatok. Kailangan kong sipain ang pinto.

"wayaahhhh! Wutuuhh! Kaaarateee! (sipa ng malakas sa pinto)". Bumukas ang pinto dahil sa lakas ng pwersa ng sipa ko, meron pang usok effects.

Nung nawala na yung usok, lahat sila sa akin nakatingin. Nagulat nalang ako ng may humawak sa mag-kabilang braso ko at tinapo ako palabas ng gate---

...

"erase eras erase erase!"-sabi ko sa sarili ko habang binubugaw yung imaginition ko kani-kanina lang.

Huminga ako ng malalim tsaka ko binuksan yung pinto. Liwanag, banayad na musika. Ang sarap sa tenga. Dinilat kong muli ang mata ko at bumungad sa akin ang maraming mag-kakamukhang bantay sa bawat sulok ng palasyo. Nag-bigay galang sila sa akin pero nilam pasan ko lang sila.

Ngayon angproblema nalang ay, saan ang daan ko papunta duon?

Nag-lakad ako ng lakad, umakyat din ako ng ilang hagdan pero puro mali yung napupunatahan ko. May mga times na sisimpleng silip sila sa akin, pero binabalewala ko nalang.

Last try ko nalang yung isang hagdan. Gi-give na ako pag-katapos ko dito. Nung makaratinga ko sa taas ay isang pinto lang yung bumungad sa akin. Meron din itong dalawang bantay.

Naka-busangot na ako habang papalapit sa pinto. Nung nakatapat na ako duon, binuksan nila yung pinto at lalong lumakas ang musika na naririnig ko kanina nung nasa may pinto palang ako ng palasyo.

I did it. Nandito na ako sa party or ball o kung ano man ang tawag nila dito. Sumilip ako sa baba syete. Ang daming tao. Ang gaganda ng suot nila.

Waaaaaaaahh!

Anong gagawin ko? Aalis na ba ako?

Pero it's too late. Nakatingin na ang lahat sa akin. Wala akong nagawa kundin ang ngumiti ng alanganin. Dahan dahan akong tumalikod pero nadatnan ko nalang na sarado na ang pinto at may dalawang harang na malaking lalaki. Tumingin ako sakanila na may 'nag-papaawa effect' na nakadisplay sa mukha ko.

Sana gumana please, kahit na mukha akong aso ngayon kakagaya ng ginagawa ng mga bata na tinatawag nilang 'puppy ayes'. Ngunit sabay lang silang umiling sa akin. Napabuntong hininga ako at nag-lakad pababa sa nakita kong hagdan na sa tingin ko ay pababa kung saan nagaganap ang party.

Nakakailang na nakakaproud. Kasi nakatingin sila sa akin, feeling ko tuloy ang ganda ko ngayon. Dahil duon sa iniisip kong iyon ay napangiti ako ng wala sa oras. Hindi ko man ang napansin ang pag-dating ng isang pogi na lalaki sa dulo ng hagdan.

Itsura palang mayaman na, ano pa kaya ako sakanila. Dapat hindi ako mag-gaga-gawa ng ikaka-lungkot ng totoong Cinderella sa future. Pero ano ba ang dapat kong gawin?

Huminto ako mga tatlong hakbang malayo sa lalaki. Itutuloy ko ba ang pag-lalakad ko? Pero ano ba sya sa storya na toh? Kalaban? Mangkukulam? Kaibigan? O ang makakatuluyan ni Cinderella. Baka isa lang din syang hayop na naging tao dahil kay fairy grandmother kuno.

My Own TaleWhere stories live. Discover now