Chapter III

20 3 0
                                    

[ Scylla's POV ]

" Pero Princess, hindi pa po ito ang araw ng iyong pag-alis patungo sa mundo ng mga tao. "

" Bring me to the portal now, Juno ! Don't try to off my patience ! "

Tumango na lamang siya bilang pagsang-ayon sa gusto ko. Kahit labag ito sa kalooban niya, wala rin naman siyang magagawa because I'm her master.

Hindi na siya nagdalawang isip na hawakan ako para dalhin ako sa unang gate bago namin marating ang lagusan patungo sa kabilang mundo. Gamit ang kaniyang teleportation.

And in one snap, nandito na kami sa harapan ng dal'wang naglalakihang puting punongkahoy.

Napataas naman 'yung kilay ko. Siguro nahalata niya kaya bago pa ako makapagsalita, inunahan na niya ako.

" Narinig mo naman siguro ang tungkol sa Sacred Tree diba mahal na prinsesa ? "

Oo, nga pala. Kailangan pa palang dumaan dito para makahingi ng basbas o proteksyon.

Ayon sa nalaman ko, ang punong ito ay nagbibigay ng proteksyon sa bawat bampirang pinapayagan ng mga Elders na tumawid sa mundo ng mga tao. Para hindi masunog sa sinag ng araw at higit sa lahat maitatago nito ang totoo mong anyo. Ang malamig na balat ay mapapalitan ng normal, katulad ng tao. Sa paningin nila ay buhay na buhay ka. Hindi nila mahahalata na iba ka pala. Basta suot mo palagi ang kwentas o bracelet na ibinigay ng sacred tree sa'yo. Ngunit kailangan paring mag-ingat dahil ang iyong kakayahan ay mananatili parin iyon sa'yo. Pwede kang makapahamak ng tao dahil diyan. Tulad narin ang pagcra-crave ng dugo sa isang tao. Hindi naman talaga naiiwasan ang bagay na 'yan.

Maya maya'y bigla nalang itong umilaw kasabay nito ang paglabas ng isang kumikinang na napakagandang babae mula sa Sacred tree. Yumuko ito sa akin bilang tanda ng kaniyang paggalang.

" Ikaw pala mahal na prinsesa. Ako nga pala si Sacrena, ang guardian ng Sacred Tree. Ang akala ko'y sa makalawa pa ang inyong alis. "

Hindi na ako nag-abala pang sagutin siya. Si Juno na ang pinasagot ko.

" Ipinagmamadali po ang pagpapaalis ng mahal na Hari sa kaniya. "

The Demonic VampireWhere stories live. Discover now