~×♡×~ 16 ~×♡×~

4.5K 191 31
                                    

Zyana Bliss

Nakabusangot akong pumasok sa klase ko at hinihintay na pumasok si Vlue. Simula kasi ng nagwalk out siya ay hindi niya ako inuwi ng bahay. Si Tane pa tuloy naghatid sakin pauwi. At sobrang tahimik niya buong byahe. Nagsalita lang sya nung naggoodnight ako. Ang sabi niya lang ay 'Hm'. -_- Which I hate.

" Yana! " narinig ko ang boses ni Kingsley kaya naman napalingon ako.

Naglalakad siya ng nakangiti papunta sakin. Tinignan ko ang likod niya pero wala parin ang mga Montellano. Tanging siya lang.

" Uhh hello King. " sabay ngiti ko pabalik

" Wala ang mga kapatid ko. Ang alam ko ay pumunta sila ng kastilyo ng reyna. Huehue. " sabi ni King

Without telling me? Really? Vlue?

" Ha? Pero bakit naiwan ka? " tanong ko

" That's a good question there Zyana. Vlue wants me to look after you " nakangiting sabi ni King kaya nagulat ako " Andd~ I'll make sure that this day will end with a smile on your face. I'll assure you that. " sabay tawa niya

Ha? Uuwi akong nakangiti? What do you mean?

" Aasahan ko yan " sabi ko atsaka ngumiti

" Okay. Level one. Let's call this, corny jokes. " sabi ni King atsaka lumumbaba at nagtaas baba ng kilay sa akin

" Eh? " sambit ko

" Oh come on. Nevermind the title. " sabi ni King kaya nagkibit balikat nalang ako

" Knock knock. " sabi ni King

" Who's there? " sagot ko

Anong korni na joke kaya ang sasabihin ni King?

" Russian patay. " sabi ni King

" Russian patay who? " sagot ko

" Wise men say only fools Russian, patay can't help falling in love with you~ " kanta ni King

Imbis na matawa ako ay namula ako dahil biglang nagpop in ang mukha ni Vlue na kumakanta sa utak ko nung nasa kotse niya kami. Pati ang boses niya ay naririnig ko sa utak ko. Tanda ko pa ang lalim ng boses niya nung kinanta niya yun.

'This is bad.'

" Oh diba? Corny? Kasi di ka tatawa. " sabi ni King at dun ako tumawa

" Kaya nga corny diba? " sabi ko

" Eto pa eto pa. Ano pa ang ibanh tawag sa duwende? " sabi ni King

" Ha? Nuno? " sabi ko

" Tsk tsk. Hindi! " sabi ni King

" Oh ano? " sabi ko

" Edi. Licoln Dane Montellano. " sabi ni King

Natawa ako sa sinabi ni King at nahampas ko siya ng isang beses. Baka biglang nabilaukan si Dane dahil sa sinabi ni King. Pft--! Bad Kingsley!

The Seven Vampires and Me ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon