Flip 7: Happy Birthday!

6K 87 0
                                    


"Malou? Malou gising ka na ba?"


binuksan ko yung pinto...

"kanina pa ko gising, tara na?"
"nasan bag mo?"
"yun oh..."
"ang gaan naman ng gamit mo.. uy  3 araw tayo dun"
"magagawa ko eh ya lang talaga dadalhin ko"
"tara na nga"

kung tinatanong nyo kung sino yun... si Pancho yun... sinusundo ako...
napagdesisyunan na naming magtanan....

pero syempre...



JOKE YUN.



sinundo nya ko kasi may outing kami sa Batanggas...
treat ni sir, pasasalamat nya daw kasi nga inintindi namin sya nung may sakit sya...

oh diba...
ganun daw talaga... pag ang tao muntik nang mamatay bumabait....

pagdating namin sa may shop... dun daw kasi ang kita kita eh...
nandun na yung van na sasakyan namin... si sir ang magdradrive papunta tapos si Pancho pabalik...

"hanep sa get up!" sabi ni Pancho kina Tina at Joan...
si Tina nakayellow na batik na duster tapos si Joan naman nakaorange tapos nakamalaking sumbrero pa sila at tsaka sunglass kahit wala pa namang araw kasi alas 4 pa lang ng madaling araw haha...
"oy alalayan nyo yung dalawang bulag" pang aasar ni Pam, natawa naman kaming pareho ni Pancho
"uy Pam bagay sayo suot mo kulay green" sabi ni Tina
"tama... kulay ampalaya" sabi ni Joan at tsaka tumawa yung dalawa.. inirapan lang sila ni Pam...
"guys ready na ba kayo?" tanong ni sir na kabababa lang
"oo naman sir excited na kami!" sabi ni Joan
"okay game tara na" sabi ni sir

nagpuntahan na kami sa van...

nasa pinakalikod sina Tina at Joan tapos yung sumunod na row si Pam, Pancho at ako....
pasakay na ko nung....

"Malou"
"sir"
"sa una ka na maupo... baka antukin ako eh" sabi ni  isr...

sa unahan na ko, katabi ni sir...
buong byahe tulog sila... ako naman sumasabay sa mga kanta sa radio....
ang gaganda ng tugtog tuwing madaling araw... kitang kita na rin ang unti unting pagliwanag ng langit...
parang ang kalmado ng lahat....

......


"Malou gising na nandito na tayo...."
"ay sir.."

nakatulog na pala ako...

"hoy sleeping beuty baba na dyan.. kaya ka nga pinasakay sa una para di makatulog si sir tapos tinulugan mo naman" sabi ni Tina
"eto na bababa na..."
 
pagbaba ko...unang nakita ko ang ganda ng beach...
pumasok na kami sa bahay na tutuluyan namin....
3 ang kwarto.... sa isa sina Tina at Joan., kami ni pam at si sir at Pancho naman ang magkasama...
pagkaayos namin ng gamit ay dumeretcho na kami sa beach...

di naman ako agad lumusong...
pinanuod ko lang sina Tina at Joan na pinagutulungang lunurin si Pam pro magaling si Pam lumangoy kaya talo sila ni Pam haha...

"bakit di ka pa maligo?" tanong ni Pancho
"maghahanda na muna ako ng pagkain... mamaya na ko pag di na masyadong tirik yung araw.." sabi ko
"ako din... tapos aasarin ko sila pag mga sunog na sila" sabi ni Pancho habang tumatawa
"ito... ang sama talaga ng ugali mo" sabi ko
"tara tulungan na kitang mag handa ng pagkain..." sabi ni Pancho

pumasok na kami sa bahay at tsaka naghanda na nung pagkain..

"di pa kayo nagswimming?" tanong ni sir na kalalabas lang ng kwarto nya.. nakapagpalit na sya ng damit... isang white na sando at light blue na short
"mamaya na po, maghahanda muna kami ng pagkain" sabi ni Pancho
"oh sige tutulong na rin ako... Pancho tara magset up ng ihawan sa labas.. mag ihaw tayo ng tilapia" sabi ni sir
"sige po" sabi ni Pancho at tsaka sila lumabas na dalawa....

nag iba na talaga si sir...
bumait na nga sya...

teka..

ito nanaman tong kabog sa loob ko....

With BenefitsМесто, где живут истории. Откройте их для себя