Kapitulo Desisais

861 30 2
                                    

"hindi ka papasok?" ang tanong sa akin ni kaye ng nakita nya akong nakahiga sa bed at nagla-laptop.

"nope... Why?" ang sagot ko,

Pumasok kasi sya sa room ko, at hindi ko alam kung bakit sya pumasok dito. umalis na ang lahat ng housemate namin at kaming dalawa na lang ang natira. hindi ko nga akalain na andito pa sya.

actually, ayoko lang pumasok,.. tinatamad ako.. parang wala sa mood ang utak at katawan ko na pagurin sa mga servers na need namin ayusin, gusto ko lang magbabad sa kama ko at magmarathon ng movie maghapon.

"hmm.. off ko ngayon.. saka pupunta dito mga iba kong kagroup sa GK, papasyal lang." ang sabi ni karen at umupo ito sa bandang dulong bahagi ng aking kama.

"ah okay" ang sabi ko lang at patuloy lang ako sa pagbra-browse sa aking laptop.

"samahan mo ko mamalengke mamaya?" ang aya sa akin ni kaye.

"hmm.. Sige bili din ako ng makakain ko" ang sagot ko naman at ngumiti ako sa kanya.

Tumango lang sya at nagpaalam na, mag-aayos muna daw sya sa baba at tatawagin na lang nya ako kapag mamamalengke na kami.

I watched some of my downloaded movie.. Mahilig ako sa mga sci-fi and adventure movies kaya naenjoy ko ang movieng pinapanood ko at hindi ko namalayan ang oras.

"are you ready?" ang tanong ni kaye ng pagbungad nito sa pinto ng aming kwarto.

wala na akong nagawa kundi tumayo sa aking pwesto. inilapag ko ang aking laptop na nasa hita ko at naglakad patungo sa pinto. kinapa ko muna ang aking bulsa, alam ko kasi may pera pa ako sa aking short kaya hindi ko na kukunin ang wallet ko.

"let's go!" ang sabi ko dito at lumapit na'ko sa kanya upang lumabas ng kwarto.

"should we bring trolly para sa mga bibilhin natin?" ang tanong ni kaye habang papalabas kami ng main door.

"hmm for me, konti lang naman bibilhin ko, ikaw. marami ka yata bibilhin?" ang tanong ko dito

"kaya naman na ng kamay ko yun" ang natatawang sabi ni kaye.

"bahala ka" ang sabi ko at ngumiti ako dito

"so talagang tinamad ka lang kaya hindi ka pumasok?" ang tanong ni kaye, naglalakad na kami papunta sa supermarket na malapit sa amin.

"yeah, parang gusto ng katawan kong mahiga muna maghapon" ang sagot ko

"oh.. yun naman pala, bakit ka sumama sa aking mamalengke?" ang tanong ni kaye.

"syempre nagpapasama ka eh, saka may bibilhin din ako" ang sagot ko. 

"sus, ayaw mo lang mahiwalay sa akin" ang nang-aasar na sabi ni kaye.

"ang kapal mo rin noh.. sige balik na'ko sa bahay" ang sabi ko at aakmang tatalikod na sana ako ng hawakan nya ang aking kamay.

"no.. i'm just joking,.." ang nakangiting sabi ni kaye, 

tumingin ako sa kanya at ngumiti rin. bumalik ako sa sabi nya pero hindi pa rin nya binibitawan ang kamay ko. hindi ko ito pinansin bagkus ay humawak na rin ako sa kanyang kamay.

and it feels good. ngayon lang ulit ako nakahawak ng kamay ng babae since na maghiwalay kami ni creasy,. at sa pagkakadaupang palad namin para bang bumilis ang tibok ng puso ko. hindi ko mawarian ang aking nararamdam pero masaya ako.. masaya ako na hawak ko ang kamay ni kaye.

tumingin ako sa kanya, deretso lang ang mga mata nito sa aming nilalakaran,.. nakangiti.

"so kaye, ano meron at may bisita ka?" ang tanong ko.. 

Pansamantala (girlxgirl)Where stories live. Discover now