Harana

35 1 0
                                    

Hello guys! Repost lang 😂

*********


Uso pa ba, ang harana?

 Marahil ako ay nagtataka...

Sino ba 'tong, mukhang gwapo?

Nagkandarapa sa pagkanta at nagsisintunado sa kaba...

Puno ang langit ng bituin

 At kay lamig pa ng hangin

Sayong tingin ako'y nababaliw, giliw

At sa awitin mong iyan, ay talagang naibigan ko.

Ibubuhos mo ang buong puso mo, sa isang munting harana... 

.

.

.

.

.

PARA SA KANYA

Oo..

Para nga sa kanya

At hindi para sa akin

At uulitin ko...

Hindi para sa akin kundi para sa kanya. Sa napakagandang binibining kapitbahay namin na si Clarissa

Awts.

Di ba ang sakit lang?

*sigh*

Sana ay para sa akin na lang.

Halos araw-araw at gabi-gabi, palaging ganito ang naririnig ko. Isang napakagandang indayog ng musika ng gitara na sinasabayan ng sintunadong boses >.<

E bakit ba, gwapo din ang nagmamay-ari. Dagdag points na yun para sa akin.

=_=

As if, ako ang hinaharana

Eh kasi ang sarap naman talagang pakinggan lalo na pag ang taong gusto mo ang kumakanta. Kahit na sintunado, napapangiti pa rin ako. Iniisip ko kasing ako ang kanyang inaawitan, di ba feelers lang?? Haha.

Hmmf... Alam ko namang imposible e. At imposible din na maging magkaibigan kami dahil mortal kaming magkaaway pero dead na dead naman ako sa kanya.

Weird noh,

Elementary pa lang kami ay ayaw na namin sa isa't isa. Nagsimula yon nang mapahiya siya non sa harap ng crush niya nang dahil sa akin. Sinadya ko rin namang ipahiya sya non dahil ayaw ko rin sa kanya

Hindi ko alam kung paano nagsimula, basta naramdaman ko na lang na may gusto na ako sa kanya nung maghigh school na kami.

The more you hate, the more you love nga ba?

Minsan nga, ipinapahiya pa niya ako pag napapadaan ako sa tambayan nila sa school campus lalo pagkasama nya ang kanyang mga tropa. Sige lang, sanay naman ako.

E kasi nga, MAGKAAWAY KAMI!

Hmp! Pasalamat sya at lab lab ko na sya

Pero alam niyo ba na gustung- gusto ko nang makipagkaibigan sa kanya? Pero nawawalan ako ng lakas ng loob. Sa tuwing magkakasalubong kasi kami ay sisimangot na sya kaya kunwari, ayaw na ayaw ko din sa kanya

Hay... ewan, siguro ay forever na kaming ganito

O, di ba may forever talaga??

*sigh*

Bumangon na lang ako mula sa pagkakahiga at tinungo ang nakasaradong bintana. Binuksan ko konti at sumilip. Patuloy parin sya sa sintunado nyang harana habang ang katabi naman nyang si Clarissa ay parang nagpipigil tumawa. Kung ako yan, nahiya na ako. Pagtawanan ka ba naman ng hinaharana mo? Ang saklap mehn! Kung ako na lang ang hinarana niya ee, yan tuloy pinagtawanan. Hahah

Pero infairness, ang galing nyang mag gitara. Sa bagay, hindi na ako magtataka dahil miyembro sya ng banda sa school namin

Tapos na sya sa una nyang kanta

 Hmm.. Ano kaya ang susunod nyang kakantahin

(tunog ng gitara)

*gling gling gling*

*gling gling gling*

*gling gling gling*

*gling gling gling*

*gling gling gling*

"Bakit ba hindi pwedeng maging tayo...." hayan, nagsimula na ngang umawit si Louie my labs "Ang nais mo ay kaaway lang ako... Dinamdam ko nang lubos ang mga sinabi mo, wala na ba akong pag-asa sa puso mo..."

Hmm... Narinig ko na ang awit na yan pero parang may mali sa lyrics? 'Kaaway'? Di ba dapat, 'Kaibigan'?

"Pag nakikita ka... ako'y walang magawa.. lag"------ "GRRRR.!! ARF! ARF!!!!" ay leshe, naputol ang pagkanta nya. Mukhang naingayan ang alaga naming aso. Kung di lang yan nakakadena ay baka sinunggaban na si Louie ko

At yung crush ko naman, napatalon sa gulat haha. Oo nga pala, takot yan sa aso eh. Bakod lang kasi na hanggang baywang ang nakapagitan sa bahay namin kela Clarissa at yung inuupuan nila ay malapit lang sa kinaroroonan ni Chi, nung alaga namin

Nakita kong ibinaba nya ang kanyang gitara. May kinuha syang bagay sa bulsa

Oh no! Baka singsing at magpo-propose na sya kay Clarissa

Oa na kung oa pero waahh Louie, YU DONT DU DAT TU MI! Mga bata pa kayo at sa akin ka dapat magpropose! Gustung-gusto kong ipagsigawan pero syempre, tahimik pa rin akong nakasilip at nakamasid sa kanila habang nasasaktan. Oo, nahu- hurt ako!

At waah! Akala ko singsing ang bubunutin, buti na lang!

Cellphone lang pala ang kinuha sa bulsa..

Sino kaya yang katext nya at ang ganda ng kanyang ngiti? Nakakahawa talaga ang mga ngiti niya ^____^

Tumayo na sya at tumayo na rin si Clarissa

"Good luck! Go lang ng go Louie!!" Clarissa. Para saan naman yung good luck? May gig ba sila?

"Salamat Insan!" at ngumiti sya kay Clarissa

Insan?

As in cousin??

Magpinsan sila???

Kung ganon, sino ang hinaharana nya? Nanghaharana ba talaga sya? O baka nagkamali lang ako at namis-understood. Baka trip lang pala nyang kumanta dyan

*tititiit titiit tititiit (2x)* (special tone)

Langyang message tone ito, mabubuking tayo dito ee buti kung di nakafull volume >///< kahiya

Sino kaya ang nagtext? Kinuha ko sa katabing mesa lang yung cp ko

Unregistered number ang nakalagay ah, sino naman kaya ito? Binuksan ko at binasa ang message

Ang nakalagay:

'Sa uulitin,sana nagustuhan mo. Pasensya na, natakot kasi ako don sa aso ninyo. I hope, i hope, hindi ka magsasawang pakinggan ang harana ko... Sweet dreams, Shaine"

 Kanino kaya galing ito?

Ay muntik ko nang makalimutang magpakilala, ako nga pala si Shaine haha. Pasensya na kung ngayon ko lang naipakilala ang sarili ko.

K

Seriously, kanino ba 'to galing? Sumilip ako ulit sa bintana.

O____O Whoah!

 Halos malaglag ang puso ko. Sakto kasing tumingin sya sa direksyon ko. Ngumiti sya and OMG!!! Ang chinito niyang mata mas lalong naging singkit at parang may ibinulong na three words..

Teka, ano iyon?

Kung hindi ako nagkakamali...

Waahh.... Hindi ako makagalaw at parang hindi pa nagsi- sink in sa aking utak ko ang mga pangyayari

Pero sana yun na nga! Ramdam kong yun talaga yung ibinulong nya e...

Oo, yun na yun!

'I LOVE YOU'

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 09, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HARANAWhere stories live. Discover now