Ang Pagbangon ( Nurse Chapter V )

5.7K 179 131
                                    

Cecile anak! Sino may gawa sayo nito, anak ko, Dyos ko...!

Malakas na sigaw ni Aling Auring kasabay nito ang kanyang pag dadalamhati para sa isang anak.Awa lamang ang namumutawi sa mga mukha ng lahat ng taong nakapaligid dito.hindi matanggap ng mag asawa ang nangyari sa inaakala nilang si Cecile.Isang Nurse ang natagpuang patay at palutang lutang ito sa bakawan.naka unipormeng katulad kay Cecile at hindi nalalayo ang kulay at pangangatawan nito kay Cecile.halos hindi na makilala ang itsura ng mukha nito dahil sa nabutod (naaagnas) na ang katawan at mukha nito dahil sa tagal na pagbabad nito sa tubig.lumaki narin ang tiyan nito.kahit masangsang na ang amoy nito ay tangan tangan parin ng mag asawa ang labi ng babae.
Hindi na ipina DNA test ang labi nito upang matukoy kung Cecile nga ito.dala na rin ng kakulangan ng kagamitan sa kanilang hospital.halos lahat ng kaibigan, pmilya at kakilala ni Cecile ay alam na siya ay patay na.

sa huling lamay ay nagtungo roon sina Donna , Noel at Mark.nanlaki ang mga mata nila na ang lahat ng nasa lamay ay nakatingin sa kanila,pakiwari nila na alam na ng mga ito na sila ang may kagagawan ng pagkamatay ni Cecile. sumaglit lamang ang tatlo at nag abot nang malaking halaga kala Aling auring.sinigurado nilang si cecile ang nasa kabaon ngunit hindi nila ito nakita dahil sarado ang kabaon,kaya inakala nila na si Cecile nga ang patay dahil ang alam nila ay sinunog ito.saglit lang naiburol ang inaakala nilang si Cecile dahil iyon ang nais ng kanyang mga magulang.makalipas ang tatlong araw ay inihatid na ito sa huling hantungan.

****

(PAGBALIK TANAW SA PAGKAHULOG NI CECILE SA BANGIN )

Alas sais na ng umaga ng tumungo si Nanay Rosa (ang Manghuhula)  sa kakahuyan upang kumuha ng halamang gamot para sa gagawin niyang langis.habang naglalakad ang matanda ay nakaramdam siya ng ibang pakiramdam.nagtungo siya sa ilog upang  hugasan ang napitas na mga dahon.habang nililinis ang mga dahon ay may naulinigan siyang tila isang garalgal na tinig ng babaeng  humihingi ng tulong.iginala ng matanda ang kanyang mga mata.nang mapansin niyang tila may kung anong nakahandusay sa gawing batuhan sa may ilog.dali dali niyang tinungo ang batuhan at doon ay nakita niya ang isang tao na di mawarian ang itsura sunog ang buong mukha at ang ibang bahagi ng katawan nito .wala na ni isang buhok ang natira dito.matindi ang pinsala ng sunog kay Cecile.agad na lumapit ang matanda at hinila sa may pangpang.Ninlingon siya nito 

Na...nay Ro..sa???

nanghihinag sambit nito sa matanda.napakunot ang matanda.gayun na lamang ang kanyang pagtataka ng maulinigan na tila kilala siya nito.kaya mas minabuti niyang tulungan ito.iniwan muna niya saglit si Cecile.upang tawagin ang apo na si Toto upang tumulong sa pagbubuhat kay Cecile.ng makabalik ay agad na inilagay nila sa isang kariton ang babae.

Inang Dalhin napo natin siya sa ospital sa bayan.

natatarantang wika ni Toto.

"Hindi dapat Apo, iba ang pakiramdam ko.tila may matinding pinag daanan ang babaeng ito.kaya mas mabuti pay dalhin natin siya doon sa kubo natin sa burol ako na bahala gumamot sa kanya.halika nat baka may maka kita pa sa atin dine!"

Nagdudumaling dinala nila si Cecile sa kubo na kanilang tinutuluyan,Doon ay ginamot ng matanda si Cecile.araw araw niyang nilalangas ng pinakuluang dahon ng bayabas ang mga sugat nito.matindi ang pinsala ng sunog sa buong katawan ng dalaga.halos hindi na sya makilala sa kanyang itsura..pagkatapos niyang langgasan si Cecile ay kinapa nito ang kanang  palad ng dalaga.Nanlaki ang kanyang mga mata,nakaramdam ng kilabot ang matanda.unti-unting dumaloy ang mga luha sa kanyang mga mata.

NURSEWhere stories live. Discover now