Chapter Thirty : Need to do

179 11 0
                                    


"Ready kana ba, Jewel?" Tanong saakin ni Miss Yenna. Nandito kami sa backstage. Kung saan maya maya ay lalabas na kami sa sinasabing press conference.

Takte kinakabahan ako!


"Oo naman Yenna." Saad ko.


Ngumiti siya. "I'm happy for you." Usal niya sabay niyakap ako.


"Okay ladies and gentlemen!" Rinig kong sigaw ni Manager Lay. Nasa stage na sila. kasama sila Desiree, dominic, at Shawn. Mukhang tatawagin na ako.



Napabuntong hininga ako.



This is it Shane. This is it!



"I'd like to introduce to you, the new leading lady of Shawn Marco! Let's all welcome!! Shane Salazar!! "



Nagpalakpakan ang mga press. Kaya lumabas na ako. Nagulat ako ng maraming nakatutok saaking camera! Mga micriphone at mga cellphone nilang naka record ata!



May mga bouncer naman sa gilid ko na hinarangan sila!



"Ms. Shane, anong masasabi mo?"



"Ms. Shane, anong pakiramdam na sikat kana?"



"kasama kaba sa gaganap sa teleserye nila?"



"Anong mga magiging project mo?"




"Diba ikaw yung nasa bandang Rocketeers?"



"Oo nga. Ikaw ang vocalist nila."




"Ms. Shane Salazar, ano ang relasyon niyo ni Mr. Shawn Marco?"



Nanlaki ang mata ko sa mga tanong nila! Shutang ina! Nakakahilo!



Pilit silang tinulak ng mga malalaking bouncer sa gilid ko. Nagulat ako ng may humawak sa kamay ko. Pagtingin ko, si Shawn. Hinila niya ako ng mahina para makaalis sa crowd. Ngayon ay nasa stage na talaga ako. Nasa baba na rin lahat ang mga press na kanina ay dumudumog saakin!



"Sit down sit down." Usal ni Manager. Kaya umupo na ako. Katabi ko Shawn. Nasa gilid ko naman ay si Desiree at Nic. Katabi naman ni Nic si Miss Yenna.


"I Announce you, that Shane Salazar is the new leading lady of Shawn Marco!" Sigaw nanaman ni Manager. Ngumiti naman ako. Poise. Tama. Poise.


"Are you okay?" Tanong ni Shawn. Hindi ko naman masyadong narinig dahil sa ingay ng mga press.



"Ano?!" Sigaw ko rin.



Mas lumapit siya saakin at inalapat ang bibig niya sa tenga 'ko. "I'm asking if your okay?"



Ngayon naman ay ako na ang bumulong sa kanya. "Oo."sagot ko sabay ngiti.




Nagulat ako ng dumaan si Nic sa harap 'ko. Seryoso lang ang kanyang mukha. Dire diretso lang siyang bumaba. Mukhang pupunta sa Rest room.



"Tss." Rinig kong singhal ni Desiree.



"And now, are you excited to ask Shane? Anything?" Tanong ni manager sa mga press.



"Yes!" Sigaw naman nila.



Natawa si manager. "Okay let's start! May I call Shane Salazar?" Tanong ni Manager hudyat para lumapit ako sa kanya sa harap. Sa may harap ng maraming mic.



"Go for it darling." Bulong saakin ni Manager at naupo na siya. Ako nalang tuloy ang nakatayo. Napalunok ako.




"H-Hi." saad ko. "Goodevening everyone." Sabay ngiti 'ko.


The Way I Loved HimWhere stories live. Discover now