ILWAW 3

12K 423 1
                                    

NAKAUWI na ako at nakahiga na sa kama ko pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi maalis sa isip ko si Clover. Hindi pa rin ako makapaniwala na siya na si Clover Araullo, yung patpating classmate namin noon sa High School. Napatanong pa nga ako sa tatlo kanina kung nagparetoke ba si Clover kaya siya gumanda nang ganun pero batok lang ang isinagot sa akin nung tatlo.

Bumangon ako at naisipang maglog-in sa Facebook. Ngayon lang ako nagbukas mula nang dumating ako dito sa Pinas. I went to the search tab.

Clover Araullo

Bakit hindi ko siya masearch? Wala ba siyang facebook? Sa instagram kaya? Hindi ko pa rin makita. I want to know some info about her.

Susuko na sana ako nang bigla ko maisip na hanapin siya sa friend's list ni Adam sa Facebook.

Damn! One thousand friends? Ganito ba talaga ka-friendly itong Adam na to?

Nagpatibuwal ako sa kama ko. Nakipagtitigan sa kisame.

Ano bang nangyayari sa akin? Hindi pa ako naging ganito ka-apektado ng isang babae.

Naging interesante lang ako sa kanya kasi hindi ako makapaniwala sa itsura niya ngayon.

Pagbibigay hustisya ko pa sa sarili ko.

Bumangon uli ako at saka inabot ang phone ko. Di-nial ko ang number ni Adam. Naka-ilang ring din bago niya sinagot ang tawag ko.

["What's up? Better be sure na importante itong tawag mo para gisingin mo ko sa pagtulog ko."]

I cleared my throat.

"Tulog ka na agad?"

["Agad? Anong agad? Mag-uumaga na, tad*!"]

"Ganun ba? Sorry. It's that...kasi ano. Umm...naisipan kong mag-log in sa fb. I just want to see Clover's profile... kaya lang hindi ko ma-search eh." nag-aalangan na sabi ko kay Adam.

["Well...well...well...looks like the playboy is now in love."]

Narinig ko pa sa kabilang linya ang pagtawa nito.

"No! Me? Hindi noh! Ina-assume mo na agad na in-love ako sa babaeng yun? Interesado lang ako bakit naging ganun ang itsura niya ngayon. She's not my type either. " salag ko.

["Iyon naman pala. Since hindi mo naman pala type si Clover Denisse Araullo, eh di matulog na tayo."]

Then I heard a 'click' sound.

Binabaan ako ng tawag ng animal!

Idi-dial ko sana uli ang number ni Adam nang may bigla akong maalala.

Wait. That's it! Kaya pala di ko siya ma-search sa facebook.

Nag-log in uli ako sa facebook.

Clover Denisse Araullo

Bingo! Saw her account.

Unang-una kong tiningnan ang Relationship Status niya.

Blanko. Is she still single?

Pero hindi naman siya siguro ipapakasal sa akin ng mga magulang niya kung may boyfriend na siya.

Eh ano naman kung may boyfriend? Not my type nga di ba?

I went to the photos tab. Isa-isa kong pinagmasdan ang mga pictures niya. Maganda talaga siya. Wala naman akong makita na pictures na may kasama siyang guy. Usually family and group pics ang andun. Kung ganito na siguro ang itsura niya nung High School kami, baka naging girlfriend ko pa ito.

MADRIGAL SERIES: In Love with a Witch MS#1 Book 1 (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin