003

129 6 0
                                    

Rachelle

kasalukuyan kaming kumakaing tatlo nina jescel at roxanne ng yemacake na bigay ng katabing condo namin.

"oy mga bes 2 or 3 weeks akong hindi makakasabay sainyo ah?" biglang sabi ni rox.
"bakit?" ani jescel.
"oo nga angtagal namn nun gawin mo na kayang isang buwan" biro ko.

" everyday kasi kmi mag papractice para sa speech choir natin." sabi nya. ang tinutujoy nya ay yung project namin sa english na ginawang contest ni maam saamin.

"lah? kami nga tuwing sabado at linggo lang ang practice eh diba chelly?" sabi ni jescel. oo nga grabe naman sila. araw-araw talaga?

"tsk. buti nga kayong tatlo ni bianca magkakasama eh -.- tas ako lang nahiwalay hindi ko pa kaclose mga groupmates ko.tsaka! okay lang kayo mag practice ng sabado at linggo kasi matitino mga ka group nyo tsaka may choreographer kayo" sabi nya. baka nga matitino mga ka group namin.

"anong matitino lagi ngang tawanan pag nag papractice kami eh" ani jescel.

"kami rin nman eh kaya lang pag sinasaway ayaw nang tumigil mga pisti sila" nag mamaktol nyang sabi.

"ay samin tawanan pero pag sinaway mag aayos na sila." sabi ko naman. pano sila hindi mag aayos eh nakatingin yung lola at mga kapatid ng kaklase namin😂

"see the difference? hmp. dapat sainyo nalang ko eh :3"

"hahaha pano yan starting monday hindi kana sasabay samin? anong pras ka aalis?" tanong ko. pupusta ako lagi na kamjng malelate dahil hindi kasabay si rox na laging gukugising samin ng maaga😂

"yep. 8 in the morning ako aalis. doon narin kami makikiain hahaha" ay grabe sila.

"hahaha mauubos pagkain nila sainyo😂 pusta bente bente lagi na kami malelate hahaa" sabi naman ni jescel.

"Oo nga eh. Natuwa pa kayo -.-" sabi ni roxxanne. Babaeng to talaga eh akala mo si mama kung manermon. :3

"Tse. Tara sa SM gala tayo." Yaya ko sa kanila.

"Wala akong pera kayo nalang." Sabi ni rox.
"May sinabi ba akong mamimili tayo? Sabi ko gagala lang tayo no need to bring money na!" Pilit ko sa kanya.

"Ano kaa chelly! Anong no need to bring money eh ang layo ng SM dito, ano mag lalakad tayo?" Sabi naman ni jescel.

"Oo nga. Tsaka ikaw pa, pag gumala andaming binibiling abubot. -.-" ani roxanne.

"Pashneya kayo ang mais nyo naman! SIGE NA KASI! LIBRE KO KAYO." Pag kasabi ko ng magic word biglang nag ningning ang mata nila. Tsk. Basta talaga libre eh no?

"SURE KA?~" mag kasabay pa nilang sabi.

"Bakit ayaw nyo?" Ako.

"May sinabi ba kami? Tara bihis na tayo!" Sabi ni jescel at nauna nang umakyat para mag bihis. Wow, nice one guys.-.-

♠♠

@SM

Jescel

Kanina pa kami paikot-ikot dito sa 2nd floor SM habang kumakain ng ice cream. Ang borriingg!

"Ang boring namam! WOF tayo!" Aya ko sa kanilang dalawa.

"Sige sige tara!" Pag sang-ayon ni roxanne.

"Sige. Oy kayo na bumili ng tokens nyo ah! Wala na akong pera!" Reklamo ni chelly. Kanina pa kasi sya bili ng bili eh diba sabi nya ililibre nya kami kaya ang dami rin naming pinamili haha!

"Eh? Pautang muna sa bahay ko na babayaran sabi mo kasi libre mo kami eh" ani roxanne.

"Oo nga!" Sabi ko.

Sumimangot sya." Utang tapos wala nang bayaran? Galing nyo talaga. Psh." Sabi niya.

"Babayaran kita pramis mamatay man sila!" Sabi ni rox. Sabay turo dun sa mag shotang magkaholding hands. Sa tingin ko kasing edad lang din namin sila at infairness! Mahitsura si kuya ! 😍

"Hahahaha gague ka rox. Sige ililibre ko kayosa isang kondisyon," sabi ni chelly tas pinalapit kami sa kanya at binulong ang Kondisyon niya raw.

Nanlaki ang mata ko at natawa sa sinabi ni chelly. Langya. Hahahaa.

"Sure sure! Hahaha ang jes? Game?" Tanong saakin ni roxanne.

"Sige ba! Ano? Ikaw muna. Tatawagan ko yung cellphone mo para marinig namin yung sasabihin mo." Sabi ko. Tumango siya at kinuha ang cellphome niya sa bulsa mg pants nya. Idinial ko na ang number nya tas tinawagan ko na sinagot naman niya agad.

"Game na!" Chelly.

"Let the trippings begin!" Ako.

Naglakad na si rox sa pwesto nina kuyang hindi namin kilala at sa gf niyang namimili ng damit. Nang makalapit ay agad na sinampal ni rox si kuya. Halos maubusan kami ng hininga ni chelly katatawa sa reaksyon ni gurl tas ni kuya😂

"What the hell?" -kuyang pogi.

"Sino sya?! Bakit mo sya kasama? Akala ko ba ako lang mahal mo?! Pangit bako? Kapalit-palit ba ako?"  Roxanne. At umalis na doon.

Nangunot ang noo ni kuya at si ate gurl naman eh ay umuusok na ang ilong sa galit! Wahahaha! Pag kaalis ni roxanne ay nag away na ang dalawa! Wahahaha!

" nice one! Wahahaha! Ang lakas ng sampal mo ah!" Natatawang sabi ni chelly. Its my turn!

Nag lakad ako papunta sa pwesto nila kuyang pogi na nag aaway pa. Paglapit ko ay agad kong kumapit sa braso ni kuya. Mukang nagulat siya at ang gf nya😂

" hi baby! Andito ka lang pala kanina pa kita hinahanap! Nagustuhan mo ba yung surprise ko kagabi? Sana naman! Gotta go bye! Muah!" Sabi ko at umalis na doon. Pag balik ko sa pwesto namin nina chelly ay humagalpak ako sa tawa.

Wahahaha kasi naman laughtrip ying muka ni ate at kuya! Si ate sobrang umuusok na yung ilong pati tenga tas si kuya naman hindi mo malaman ang ekspresyon ng muka eh! 😂😂

---
A/N:
Sabaw~~😘

⚠3RD LOVE WARNING⚠Where stories live. Discover now