Chapter o1 : 4th Dimension

1.4K 68 8
                                    

Sana magustuhan niyu ito !!
______

Sa taong hindi pa sikat ang larong World of Legends !!

3rd person Pov :

Taong 2033 , ibang iba na ang makikita mo sa mundo malayo sa kinagisnan nito halos nagsikalat dito ang mga ibat ibang klase ng mga machine na sikat na sikat ngayung panahon katulad nalang ng mga floating Vehicle o ang A-X Aurora isa itong sasakyan na ginagamitan ng makabagong teknolohiya para makalutang sa ere , no need na ang gulong sa sasakyan na ito dahil once na pina andar mo na ang makina ng Aurora ay automatic itong lulutang.

Mas Umasinso na talaga ang teknolohiya sa mundo.  Kahit nga ang pag teteleport ng iyong sariling katawan papunta sa ibang lugar ay naging posible na din , ang tawag dito ay ang Mutual Teleportation ,pupunta ka lang sa mga designated Teleportation Area para doon ka pwede makatransport ng iyong sarili sa gusto mong lugar para lang itong sa isang Movie na ang bida ay may kakayahang magteleport kahit saan basta namemorya o nakita niya ang isang lugar , pero iba itong mutual teleportation dahil kailangan mo pang pupunta sa mga designated teleportation area para maka pili ng iyong lugar na balak teteleportan !

At dahil sa mga makabagong teknolohiya ay mas naging madali ang pamumuhay ng mga tao sa mundo, parang sisiw na sisiw lang para sa kanila ang pang araw araw na pamumuhay.

  Hanggang makalipas ang ilang buwan ay may naidagdag na naman na bagong tuklas ang mga beteranong mga researchers at Scientist , at ito ay ang Another Dimension,

Naimbento ng mga Scientist at ng mga kilalang researcher ang isang Gadget n kayang makapag bukas ng ibang dimension at ito ay ang 4th Dimension Xp , gamit nito ay pede kang makapag bukas na another dimension , pero wala pa silang balak na pasukin ang kakaibang dimension dahil hindi pa nila ito nasuri kung ligtas ba o delikado ang kanilang mahaharap kapag pumasok sila , kaya hindi muna nila ito pina alam sa karamihan

Kaya nagplano muna sila kung ano ang dapat nilang gagawin at matapos nga ng ilang weeks na pagpaplano ay napagpasyahan na din nila suungin ang malawak na dimension gamit ang ibat ibang klaseng mga teknolohiya na kanilang naimbento .

March 03, 2033 11:00 am

yan ang oras kung kailan sila papasok , bali limang taong binarayan ng isang kilalang kompanya para susubok sa 4th dimension na kanilang natuklasan ,  matapos nilang makapaghanda at kompletong naisuot ang kani kanilang mga Air Suit at Gear ay sinensyasan na sila ng mga researchers na pumasok na !!

Kaya pumasok na ang limang katao dala dala ang mga lazer weapon nila , baka kung sakaling may peligro na kanilang mahaharap , habang ang mga Researchers ay naka monitor sa kanila gamit ang mga Hidden Cameras nila na kanilang inimplant sa katawan ng lima .

Puro kadiliman ang makikita sa Screen na nakakonekta sa katawan ng lima na ngayun ay nakapasok na sa 4th dimension , kaya kinontak nila ito baka may nangyaring masama , pero wala pa ring sumagot kaya nangamba na ang mga Researchers na baka Mission Failed na pero makalipas ng ilang minuto ay agad nagbeep ang isa nilang monitoring screen na nangangahulugang may mensahe ,

Kaya nagmadaling pinuntahan ng head ng researcher team ang monitor para tignan ito.  At pagtingin niya isa itong Voice Message galing sa lima kaya mabilisan niya itong ini open para madinig kung ano man ang nilalaman nito !

"Sorry sir , sa matagal na  pagreply sa primary Call mo but we are so totally fine ... for now "

boses ng lalaki , isa ito sa lima na ipinadala para maexplore sa 4th dimension

Agad napadukduk nalang sa mesa ang head ng researchers hindi dahil sa galit siya kundi dahil sa tuwa , kaya agad niyang tinurn on ang Monitor kanina na kanina nina lang ay pinatay niya

Nang ma On na ang monitor kung saan nakakonekta sa mga hidden Cameras ng lima. 
Nakakamangha talaga ang makikita mo sa monitor mukhang ito talaga ang actual na view sa 4th Dimension ,

Nagagandahang bulaklak na akala mo ay di na eexist, nagtataasang Puno na halos napapalibotan ng napakagandang liwanag  , isang word lang ang masasabi mo sa nakita nila sa paligid "Paraiso"

Talaga namang parang paraiso ang mga tanawin na kanilang tinatahak , makikita sa lima na maligaya sila dahil nakompleto na ang kanilang misyon na puntahan ang 4th dimension , hindi nila nga alam kung ano ang dahilan ng companya na bumayad sa kanila para papasukin sila sa lugar na hindi nila alam kung delikado ba o hindi basta ang tanging alam lang nila na pag natapos na nila ang kanilng pangunahing misyon ay pwede na silang maka uwi ,

"So sir tapos na po ang aming misyon pede na po kaming umuwi "

mensahe ng lalaki mukhan ito ang nagvoice message kanina para ipaalam na ok lang sila pero hindi umimik ang Head ng Researcher Team

Gusto man ng head ng Researcher Team na palabasin na ang lima para makapiling na ang kanilang tig iisang pamilya pero hindi niya ito magawa dahil parang puppet din sila ng nag mamay ari ng Companya na kanilang tinatrabahuan kaya wala silang nagawa kundi iturn off na ang monitor at hayaan nalang ang lima na makulong sa 4th dimension , tanging hangad lang ng may ari ng kompanya na ok ba na puntahan ang dimension , yun lang at wala nang iba ..

"No .. I c-cant ! S-sorry !"

sabi ng Head at pinatay na ang mga makina ng nagpapa andar upang mapanatiling open ang dimension

"Wait sir , let us out of here sir "

" you can leave us here sir "

Pagmamakaawa ng lalaki na palabasin na sila

"Please we have our own family"

Huling sabi ng lalaki bago namatay ang lahat ng devices para maka communicate sila sa isat isa !

"Operation Explore has been Successful "

Boses ng babae sa kabilang side ng laboratory ..

_____

Ok ba mga tsong??

Hehe

Votes 🌟and Comments 👄are soo much appreciated ✔

" Use your smile to deflect the attack "

- troyjohn21

[Hehehe]

World Of LegendsWhere stories live. Discover now