Chapter 17

1.5K 29 1
                                    

From: Kai
Good morning girlfriend! I love you. See you later. x

Pinalitan ko na naman ang pangalan ni Silver sa contacts ko. Kai doesn't fit anymore.

To: Boyfriend
Good morning, too, boyfriend. Lunch tayo mamaya?

From: Boyfriend
Oo baby. Sa unit mo na lang. I'll cook if you want.

To: Boyfriend
Okay.

From: Boyfriend
I love you baby. Sige na, my co-teacher is looking at me weirdly.

To: Boyfriend
Nag-second bell na po kasi Sir. Go to your class already.

From: Boyfriend
Yes Ma'am. Kailangan ko pa lang magtrabahong mabuti para sa pamilya natin ;)

To: Boyfriend
Whatever. Start your work already.

From: Boyfriend
Okay wifey.

Napangiti ako sa text niya. Why are you so sweet Silver? I am loving you more and more.

"Rena tama na ang landian niyo ng boyfriend mo, nasa harap na si Sir," pabirong sabi ni Hannah.

"Opo Miss Role Model."

Mahinang pinalo ako sa braso ni Hannah at pinanlakihan ng mata bago siya natawa. Tama na daw kasi ang landian eh siya nga yung mula pagdating sa room ay may kausap na sa phone.

Nakinig na lang ako sa discussion ni Sir dahil gusto kong mag-aral ng mabuti para naman hindi ako gaanong pabigat kapag magpapabuhay na ako kay Silver.

Mabilis ang naging takbo ng morning class ko, discussion at lab activity lang naman kasi. Pagsapit ng lunch time ay excited akong umuwi sa unit ko. Pagkarating ko ay saktong nagtext si Silver na on the way na daw siya. Dahil hindi ko naman alam ang planong lulutuin ni Silver ay hindi ko na pinakialam ang laman ng ref.

Ang lunch time namin ay napuno ng landian, harutan, at kulitan. Si Silver naman kasi pinipilit ako na subuan siya. Akala nagbibiro lang siya kaya sinabihan ko na hindi na siya bata para sa gan'un. Hindi siya tumigil hanggang sa napapayag niya ako. Nakakatawa yung expression niya nang bigla kong sinubo sa bunganga niya yung isang hiwa ng broccoli, parang nagliwanag yung mukha niya.

Bago ako pumasok sa school nang hindi siya kasabay ay hinalikan niya muna ako. Smack sa lips, kaya pakiramdam ko may lakas na ako sa buong maghapon. De joke lang, namula muna ako dahil sa kilig kaya ayun tinawanan niya ako at niyakap ng mahigpit.

"I love you baby."

"I love you Silver." Sininghot ko muna si Silver bago ako humiwalay sa pagkakayap sa kaniya.

"Pasok ka na sa trabaho Sir, baka ma-late ka pa sa klase namin."

"Pasok ka na din baby, baka magalit ang prof mo." He smiled then winked at me. Magagalit nga ba si Silver kung male-late ako sa klase niya, eh kasalanan niya naman dahil ayaw niya pang maunang umalis.

"Sige, mauuna na akong umalis. Sumunod ka kaagad ha?"

"Yes Sir." Hinalikan muna ako ulit ni Silver bago siya lumabas sa unit ko. Napangiti na lang ako n'ung nakaalis na siya, first day namin ngayon as an official couple. Wala ng blurred lines in between. Couples na talaga kami 'no?

Makalipas ang ilang minuto ay umalis na din ako at nagsimulang maglakad papuntang school.

Pagdating ko sa hallway ay nagkagulatan kami ni Silver nang nagkasalubong kami, nag-ngitian kami bago ko siya binati.

Forbidden EscapadeWhere stories live. Discover now