Two • Childhood Friend.

2.6K 54 4
                                    

Sunday ngayon at maaga akong gumising para mag-jogging. Syempre kasama si Ate Irene.

"Ate! Ano ba, ang tagal mo naman! Mamaya mainit na!" Sigaw ko kay Ate Irene.
Kanina pa kasi ako ready, ang tagal niyang bumaba 😑

"Eto na! Excited? Palibhasa ang taba mo!" Biro ni Ate.

"Kapal ng mukha! Sexy kaya ako Ate! Ikaw tong mataba eh. Hahaha."
Oo, mataba talaga si Ate kumpara sakin. Di naman ganun kataba, sakto lang. :)

Pagkababa ni Ate, agad na kaming nagsimula sa pagjogging.
Wala masyadong tao sa park, ayos!

Dalawang oras na kaming nagjojogging ni Ate ng makaramdam na kami ng pagod.
Umupo muna kami sa isang bench dun para magpahinga at mag water break.
Limang minuto lang, bumalik na kami sa pagjojogging.

"Tara na Ate. Last 30minutes of jogging then uwi na tayo."

"Ayoko na Anna! Sakit na ng paa ko. 😩"

Ayun nga, nagpahinga lang si Ate dun habang nagjojogging ako.

Habang nagjojogging ako, may nakabungguan ako.

"Ouch. Ano ba! Di kasi tumitingin sa dinadaanan!" Sigaw ko sa nakabunggo sakin.

"As if naman na nakatingin ka. Kasi if oo, dapat umiwas ka!" Pasigaw na sagot sakinnng lalake.

Aba, sumagot pa ang loko!
Tinignan ko nga ng masama. 😕

Kaso imbis na matakot, natawa siya.

"Anong tinatawa mo diyan?"

"You really don't know me, Anna?"

"Sino ka ba?"

"Tignan mo akong mabuti." Sabi niya na may pagtaas-taas pa ng kilay.

Tinitigan ko siyang mabuti. Mula ulo hanggang paa.

Hm. Parang pamilyar. 😕

"Ano ka ba naman Anna! Di mo talaga ako natatandaan? Alex, Alex Sy. Kababata mo ako!"

Alex Sy? Yung kapitbahay namin dati sa Taguig?

"Alex Sy? Ikaw ba talaga yan? Hala, nagpa-belo ka?"

"Grabe ka naman sakin Anna! Pogi ko na ba?"

"Yuck! Wag ka ngang feelingero!"

Naputol ang asaran namin ni Alex nang biglang sumulpot si Ate Irene.

"Oh, sino yang kausap mo Anna?"

"Si Alex po Ate. Yung kapitbahay natin sa taguig."

"Ay oo, natatandaan na kita. Ikaw yung laging kalaro nitong kapatid ko. Ikaw pa nga yung nagsabing paglaki mo, papakasalan mo tong kapatid ko."

"Ate!! Bata pa kami nun! Nakakahiya kay Alex oh."

Tumawa lang ng tumawa si Ate, pati tong si Alex, nakikitawa rin. 😑

"Oo nga naman po Ate Irene, bata pa po kami ni Anna nun."

"Malay mo naman diba? Matuloy. Biro lang sis."

*kringggg*

May tumawag kay Alex so sinagot muna niya. After a few minutes.

"Sorry Anna, Ate Irene, I have to go. Hinahanap na ako nila Mama eh. Mauna na po ako."

Nagmamadaling umuwi si Alex.
Nagpahinga muna ako saglit bago kami umuwi ni Ate.

KAPITBAHAY (Short Story)Where stories live. Discover now