Kabanata I

48 1 3
                                    


Kabanata I

   Black



"Oy Astel, kunot na naman noo mo.Kaya ka mukhang matanda eh.Lahat na lang ng problema dala-dala mo, tsk." Bungad sakin ni Eunice. Kasama nito ang nakaakbay sa balikat niya na si Rosse. Manliligaw daw niya.


"Diba trainee yan ng CAT yung itim na shinota mo?Bibigyan ko ng maraming sanction at idi-dismiss ko pagkatapos sa Form namin sa huwebes na yan, wag kang magalala Astel. Akong bahala." Sabat ng feeling close na si Rosse. Palibhasa gustong magpabango sa mga malalapit sa manliligaw niya kaya ganyan,tss.


Agad naman siyang binatukan ni Nice," Gago ka ba?Masyado ka namang unfair pag ganun.Baka sabihing ang bitter bitter masyado ni Astel.Utak naman tol oh." Ngumuso naman ang katabi niya.


Corps Commander kasi tong manliligaw daw na si Rosse. Pinakamataas, kaya ang lakas ng loob. Heh


"Eh bakit ba kasi buntot ng buntot yung itim mong ex-shota?Tsk, kala ko ba break na, ala na. Bakit andyan pa din?Gulo niya ha."Sabi ni reyna ampalaya na si Tine, nang bumalik siya sa table namin. Dala ang tray ng pagkain niya.Umupo sya sa harap ko.


Tahimik ko lang na kinain yung baon kong mapula-pulang mansanas. Walang balak sagutin ang mga kasama ko. Sanay naman silang tahimik ako.


Pero agad ding naputol ang katahimikan samin ng dumating ang isa kong kaibigan.


"Oy wag nga kayong ganyan sa lalaking yon. May pangalan siya, Black Pantone Zeaxanthin. Pangalan pa lang alam mo ng gwapo ang itsura, kaya wag na wag nyong bababuyin ang pangalan niya. Mga charot kayo ano? Alam ko namang noon nagagwapuhan at todo ang pagfangirl effect nyo dun tapos ngayong nagbreak sila ni Astel, halos ilibing nyo na sa kabaong yung tao. Nako naman!" Sabi ni Sam na kakarating lang. Ni hindi ko nga alam kung paano siya nakisabay sa usapan samantalang andun sya sa pila kanina.


"Eh bakit ba?!"

"Shitbull siya!"

Sabay na sabi nina Nice at Tine.Hayy


Parehas kaming napailing ni Rosse. Fck life


--

Pagkauwi ko ay agad kong nadatnan ang stepbrother kong nakaharap sa computer ko.Akin yung computer at nasa loob siya ng kwarto ko.Sure ako, hindi na naman yan pumasok ngayon.Naglaro buong araw ng pinakamamahal niyang Dota at LOL .Lagi namang nasa kwarto ko yan. Kaya sanay na din ako kahit papaano.


"Hi step bro." Binagsak ko yung bag ko sa sahig at lumagapak sa kama kong itim.Ipinikit ko yung mata ko at hindi na hinintay yung sagot ng kapatid ko.


Ilang minuto ang lumipas at narinig ko mula sa computer yung victory. At naramdaman kong gumalaw ang corner ng kama kaya naman napadilat ako.



"Hi darling." Agad na naningkit ang mata ko ng mapansin ang nakapaskil sa mukha niya ang pangaasar. Tinulak ko siya bigla, lapit lapit nito sa mukha ko. Halos maghalikan na kami eh. Like ew.

Fxxk It (에라 모르겠다) {Nyongdal / Daragon FF}Where stories live. Discover now