Chapter 1: Pinag iwanang luhaan, sugatan at nag hihinagpis.

5 0 0
                                    

Halos isang taon na rin ang lumipas matapos ang pag iwan ng boyfriend ni mimi sa kanya...halos hindi makahinga kada gigising sa umaga o iiyak kung susubo lang ng pag kain ang baliw na baliw sa ex nyang si mimi...kung minsan pa'y kinakausap ang sarili na tila ba hibang na hibang at awang-awa sa kanyang sarili. May mga pag kakataong nag papabango din sya at sinusuot ang tshirt ng ex tsaka haharap sa salamin, yayakapin ang sarili at bubulong ng "i love you" sa sariling balat. Kahit na ang lahat ng kaibigan at magulang ay minsa'y napapatitig nalang at napapaisip kung ano bang mayroon si kenneth para maging ganito sya ka-mahal ni mimi, na kahit si mimi ay hindi rin maintidihan kung ano pa ba ang pinatutunayan nya sa sarili.Kung ang salitang "Hindi kita iiwan kahit na ano pang sakit ang idulot mo sa akin" o "Ang tayo na habang buhay" at ang "Kung hindi ka para sa akin ay pilitin mo! ayoko sa iba."Maraming buwan muna ang lumipas bago mabawasan ang parating pag hikbi ng dalaga.maraming lingo bago nya napakalma ng maayos ang puso kung sya'y gigising, maraming pag kakataong na rin nyang iniwasang kausapin si kenneth kahit na kating-kati syang kausapin ito o sumbatan ng mga binuo nilang pangako sa isa't-isa.Ngunit kahit na nagawa na nyang hindi masyadong alalahanin ang dating boyfriend, ay paminsan-minsan habang naliligo ay mauupo sa sahig, muling yayakap sa sarili at mag tatanong kung saan kaya napunta ang love ng ex nya para sa kanya.Na kung naging dahilan lang ba nito ang pag tatrabaho sa ibang bansa para iwan sya.Pag katapos ay iiyak, kahit na wala nang luha sabay sasabihin sa sarili "Makulit ka daw kasi..."" Eh anong gagawin ko? sobrang namimiss ko na talaga sya?" Alam ni mimi na hindi kakayanin ni kenneth ang long distance relationship...Kaya bago pa man talaga umalis si kenneth ay sumagi na sa kanilang usapan ang tanong na "makakalimutan mo ba ako?"Pero ang parehas nilang sinagot ay "Hindi" at parati daw silang mag tatawagan kahit na anong oras at kahit na sobrang busy ng bawat isa sa kanila ay parehas silang sumumpa na nahanap na nila ang taong makakatuluyan nila, at silang dalawa yon. Ang isa't-isa.Kung minsan ay may mag tatanong kay mimi kung kamusta na ang relasyon nila ni kenneth ay ngingiti nalang sabay sasabihin "wala na daw kami sabi nya" tsaka muling malulungkot ang mata na tila ba tumatawag ng kakampi.Pakiramdam nya wala syang kwentang girlfriend. Pero matapos ang ilang segundo ng kalungkutan sa mata ay babalik na muli sa reyalidad.Nakatanaw lang sa bintana ang dalaga, na nag iilusyon kung pag balik kaya ni kenneth, ay may dala itong sing-sing sabay sasabihing; "Patawarin mo ako mimi, pero natatakot lang kasi akong umasa ka sa akin... wala kasi akong magawa mula sa malayo... natatakot akong baka maging pabigat ako sayo habang nasa malayong lugar ako, kaya pinakawalan kita... pero ngayong kaya ko na... Will you marry me?" Tapos mangingiti sya at kikiligin pero muling sasampal sa sarili at sasabihing "Gumising ka gaga, nag iilusyon ka nanaman, wala na sya at hindi na muling mag papakita sayo." Tapos tatanaw ulit at mag iisip ng ibang bagay at pilit na tinutulak ang pag mamahal kay kenneth.Isang beses ay may nag add sa kanya sa isang social media account. Isang babaeng mukang parating kausap ni kenneth (kung matapos ba nilang mag hiwalay o kung nung silang dalawa pa nung pumasok sa buhay ni kenneth yung bruha ay wala na syang paki-elam, basta sya nasasaktan.)Hindi naman kagandahan o hindi talaga maganda kumpara sa kanya, at tila drawing na ang muka dahil sa dinami-dami ng filters ay naka-make up pa ito ng hindi proportional sa ratio ng shape ng kaniyang hindi mawaring itchura. Ang mga post at mga pose na picture at status ay tila ba isang grade six student na naligaw sa malawak na mundo ng internet.Na para ba na syang mismong nag po-post ay hindi maintidihan kung sikat ba sya o hindi. Kung minsan ay may mga salita ding mali-mali ang spelling o kung ang beach sa kanya ay complement imbes na lugar at ang terminong bitch naman ay mukang bagay sa pag katao nya. Matapos makita ang larawan ni kenneth sa profile ng bruhilda ay agad na nasira ang araw ni mimi, nag open ng inbox tsaka nag message sa nakatatandang kapatid ni kenneth. Laman ng mensahe ang lahat ng nararamdaman ng dalaga, at sinabi nyang may nag add sa kanyang mukang kasalukuyang nobya ng ex nya... Lahat ng nararamdamang sakit ay tila hininga sa kapatid ni kenneth, at ang tanging sagot nito ay hindi sila maaring basta makielam sa desisyon ng kapatid, bagamat nasasaktan din sila sa nangyari sa relasyon ng dalawa ay wala na rin silang magawa. Pinayuhan na lamang nito si mimi na mag move on at tangapin ang lahat.Parang binuhusan ng malamig na tubig si mimi, nag iisip kung bakit nya nasabi ang lahat sa kapatid ng ex, gayong alam naman nyang hindi talaga ito makakapalag sa desiyon ng bunsong kapatid. Kumalmang sumagot na lamang ang tila nagising na dalaga ng "Pasensya na, nadala lang ako ng emotion ko..."Tsaka muling tumahimik sa sulok ng kanyang silid... Na-iiritang gustong ibalik ang nakaraan para hindi na lang nya nasabi iyon dahil alam nyang nakakahiya bilang isang ex girlfriend sa pamilya ng mismong exboyfriend nya.Kaya nag paka-matigas nalang sya sabay sinabing "Hayaan ko na, baka lumipas rin iyon..."Ngunit matindi ang nararamdaman nya at dinampot ng pahablot ang cellphone nya para itanong mismo kay kenneth kung sino yong bruhang yon. Hindi nya mapigilan ang emosyon kahit na alam nyang babalewalain lang naman sya nito.Mabilis na nag ta-type ang mga daliri nya na para bang kinukumpas ang lahat ng salitang gusto nyang isigaw.Pag katapos ay binasa nya ng paulit-ulit ang mga sinulat na salita, kinakabahang tila nanginginig ang bawat patak luha. Pag katapos ay buong lakas loob na pinondot ang salitang Enter.Nakahinga sya ng maluwang, pero may masakit pa rin sa dibdib nya.Tumayo sa kinauupuan at naligo, binaling ang isip sa tunog ng tubig sa sahig, sa bawat buhos ng tubig at sa pag kuskos ng mahabang kuko sa kanyang anit.Lumabas siya mula sa bathroom at tumitig sa salamin, ngumiti-ngiti na para bang gandang-ganda sa makinis na balat sa muka at sa ngiping hindi naman kaputian at hindi maayos ang pag kakahelera pero maganda pa rin namang tignan, bumuntong hininga at dinampot ng dahan-dahan ang cellphone, bumungad ang salita "LOL" sa kaniyang screen mula sa reply ng matigas na ex na si kenneth. Muling nasaktan ang dibdib na mas mahapdi sa pag kakataong iyon, buong tapang syang nag swipe to the left para buksan ang mensahe."Lol""Hindi ko sya girlfriend.""Nag upload lang yan ng picture ko, baka siguro napopogian sakin lol""Unang-una wala sya sa bansa kung na saan ako.""Hindi kami lovers."Kumalmang huminto ang luha ng dalaga at saka sumagot ng "Bakit mo pa sinasabi sa akin yan? di ba wala na tayo?"agad na sumagot si kenneth na halos ilang segundo lang pagitan "Pero ano bang dapat kong isagot? hindi ba't nauna kang mag sent ng message?" Natuliro si mimi at muli nanamang nahibang. Sumagot sya ng isang tanong din na mahigit isang daan beses nya nang itinanong;"Mahal mo parin ba ako? kasi mahal pa naman kita...""Pwede pa naman tayong maging okay kung aaminin mong mahal mo pa rin ako..."Lumamig ang paligid sa pag hihintay nya ng halos isang minutong sagot kay kenneth pero ang tanging binalik sa kanya nito ay "Hindi na. Wala na talaga akong maramdaman..."Hindi na sumagot si mimi, dumapang lambot na lambot sa kanyang kama at sinigaw ang sakit sa kutson ng kama nya, parang isang baboy na kinakatay ang tunog ng sigaw nya. Alam nyang ginagago nanaman nya ang sarili nya...Nakatulog na lamang sya sa basa nyang buhok, sa basang mata at sa tuwalyang binabalutan ang nanlalamig nyang hubad na katawan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 12, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang mahiwagang pag mo-move on ko.Where stories live. Discover now