Chapter 46: Signing off

989 21 0
                                    

Jea

Ilang linggo din ang lumipas at naging masaya naman ang pagsasamahan namin ni Morris so far.

Madalas syang magselos dahil sa mga umaaligid sa akin. Sya na nga mismo ang nagsilbing body guard ko. Bakod na bakod ako.

Naalala ko pa nung may humarang sa harap ko habang umoorder ako sa caf. Isa sa mga naka-fling ko noon. Nagyayayang makipag-make out.

I was about to refuse them when Morris came infront and asked them for a fight. Naloka ako doon! Magrarambulan na sana sila sa caf nang pigilan ko sa pamamagitan ng pagtayo sa table sa caf.

I remember what I've said on that day.

"Stop this commotion!" I yelled while standing in the table. Everyone stared at me, surprised. While the other, took out their cellphones and started video-ing me.

"I said enough!" Sigaw kong muli sa tatlong lalaking nagkakainitan. Si Morris at yung dalawang nagyayaya sa akin.

Lumingon sila sa'kin.

"Listen everyone. From now on, I am no longer a Casanova. And that guy..." Sabay turo ko kay Morris.

"Is my boyfriend. Jaden Morris Lee is mine. What's mine is mine. And I am his, alone. So boys, if you have nothing important to say, then stay away from me. Ayokong magselos ang boyfriend ko. Don't every try to break us, or else you'll see the real me. Again, ladies and gentleman... I am officially announcing that I am taken by Jaden Morris Lee and nothing can stop me from falling for him. Casanova Queen is signing off. Thank you," I explained then bow.

May iilan na pumalakpak pero karamihan ay nagulat. Ang mga kalalakihan naman ay nalungkot dahil sa narinig. I am happy for my decision.

Kaya ngayon ay trending pa rin sa school ang tungkol sa amin. Kalat na kalat sa NEU news and website ang video nang araw na yun. Marami na ring lalake ang tumigil sa kakaaligid sa akin pero may iilan pa ring lumalapit.

Ang mga babae naman ay hindi ako matingnan dahil sa sama ng tingin ko sa kanila habang tinititigan ang boyfriend ko. Tanggalan ko sila ng eyeballs eh!

Kasalukuyan kaming nanonood ni Morris ng sunset dito sa park na paborito ko.

Matagal-tagal na rin nung huling punta ko rito. At ngayon, si Morris naman ang kasama ko. Nasa likod ko sya at nakayakap sa bewang ko. Nakapatong ang kanyang baba sa balikat ko.

Ang sarap naman nito sa pakiramdam. Masarap nga talagang ma-inlove.

"Do you have any wish in your life?" I asked out of the blue.

I felt him shook his head, "Wala na. Nandito ka na eh."

Napangiti ako sa sagot nya. Ako rin naman, gusto ko lang ikaw na hanggang dulo.

"How about you?"

"I just want us to last forever." Sagot ko.

"We will, love. Don't worry."

"I have a question." Bigla kong naaalala yung matagal nang bumabagabag sa isip ko.

"Hm?"

"Who's Yuri? Can you tell something about her?" Nilingon ko sya. Sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa.

Jea: The Casanova Queen (Completed)Where stories live. Discover now