Six

6 0 0
                                    

02-08-17 ,Wednesday

I hurriedly went to my Classroom.  Lagi nalang ba kong male late every Wednesday?  Saktong pagpasok ko ng room ay biglang nag bell.

Yes!  Naka abot!  Agad akong naghanap ng upuan.  Hmmn .. Spotted!
Second to the last row. Tabi ng bintana
Pagupo ko'y dumating si ma'am. 

Pinapasa lang ni ma'am yung take home activity at nag long quiz kami.  Buti at nakapag review ako. Out of 50 , 2 wrongs! Yeah boy!

Pinapasa na ni ma'am by score yung papel.  Least to greatest, daming echos eh.

"28?" Walang tumayo.

"29?" Wala pa rin.

"30?" At may tumayo na para mag pasa. 

...
...

"47?" May tumayo at nagpasa.
Almost lahat na ata tumayo?

My turn.

"48?" Dali dali akong tumayo.  Ako lang magisa?  Nahiya naman ako bigla. Irregular student kasi ako kaya di ko masyadong kilala mga Classmates ko dito.

"Nice one Miss Ireg! " may lalaking sumigaw pero di ko na nilingon.

Pag abot ko kay ma'am ay ngumiti sya sa akin.
"Very well Miss Almonte" sabi nya. Nginitian ko lang sya at naglakad na pabalik sa upuan.

Medyo mahaba yung aisle kaya mas nakakahiyang maglakad mag isa and I can feel their stares.

"49?" Malapit nako sa row ko ng makita kong makakasalubong ko yung Classmate kong Nagbigay sakin ng Copy last week.  Si Captain. Nagkatinginan kami. Naka poker face lang si kuya. 
Suplado ata? Alanganin naman akong ngumiti sa kanya at demiretso na sa upuan ko.

Wait? 49 sya? Hanep!  Varsity tapos almost perfect?  Just wow!

Pagkaupo ko sa upuan ko'y parang may something akong naupuan.
Tumayo ako at nakita kong may red box?  San galing to? Agad ko iyong kinuha at umupo na.

Sino naman bang naglagay nito dito.
Tiningnan ko ang katabi kong babae na si Aya ata ang name? Kinalabit ko sya

"Uy, kilala mo kung sinong naglagay nito dito?" I ask smiling.
Napatingin sya sa box na hawak ko. 

"Huh?  Hindi eh.  Wala namang lumapit kanina dito?" She answered.

"Ah.  Sige salamat" naka ngiti paring sabi ko.

"Secret Admirer mo" she silently said then smile.

Nang matapos ang klase ay pinalabas ko muna ang mga classmate ko at binuksan ko agad iyon.

I saw a red santan.

I read the note.

Valentina,
    Santan with six petals. I realy love seeing you pick and play with this flower everytime your in the garden.

                                  Your Valentino

Pati yon alam nya?  Stalker ba sya or just a keen observer?

Fourteenth DayWhere stories live. Discover now