Prologo

425 26 17
                                    

'I'm Sorry" Hindi ko alam pero parang gustong madurog ng puso ko sa sinabi sakin ni Vince. Alam kong merong hindi magandang mangyayari sa araw na ito. Alam ko na sa ganitong punto, merong mangyayaring hindi tama. Yumuko siya sa harap ko at agad na napaiyak. Narinig ko ang mga hikbi niya. Yung hikbi na parang iba. Sa dinami-dami ko ng beses narinig na umiyak si Vince, yung ngayon parang may iba eh. Hindi ko namalayan na tumutulo na din pala ang mga luha ko.

"Huh? Bakit? Bakit ka nagsosorry?" Pagpapanggap ko na tila yata kunwari hindi ko ramdam kung ano ang nangyayari saming dalawa.

"Cath, I'm sorry." Tumingin siya sakin sa mata. Dun ko nakita kung pano katindi umiyak ang isang Vince. "Cath, I think we need to end this." Napahinto ako sandali. Eto na nga, eto na nga yung kanina ko pang iniiwasan na sabihin niya sa harapan ko. Tila yatang tumigil ang mundo ko sa sinabi  niya. Tila yata gusto kong matunaw sa harapan niya ngayon kasi wala man lang ang ginagawang iba para ipaglaban ang relasyon naming dalawa. Gusto kong magsalita pero hindi ko magawa. Napayuko nalang ako bigla at nagsimulang umiyak.

"Cath, I'm really sorry. Hindi ko sinasadyang iwanan ka. Pangako kung okay na ang lahat, babalikan kita. Ibabalik natin lahat. Lahat ng mga masasayang araw sa relasyon nating dalawa..."  Habang hinahawakan niya ang dalawa kong kamay at umiiyak. Humarap at tumingin ako sakanya. Wala akong ginawang iba kundi ngumiti lang sakanya habang umiiyak. Bigla niyang binitawan ang hawak niya sa kamay ko at nagsimulang tumakbo. Mas lalo pa kong umiyak nang makita ko siyang tumakbo, yung takbo na para bang lumilingon pa siya sa bawat hakbang ng kanyang mga paa. Dun ko naramdam na kung gaano niya kagustong bumalik sakin pero parang may pumipigil sakanya.

Tinatanong ko ang sarili ko kung bakit? Parang kahapon ang saya-saya lang namin. Tila yata wala lang kaming pinagdadaanan tapos ngayon, ganito agad? Gusto kong malaman bakit sa isang iglap gusto niyang tapusin ang relasyon naming dalawa. Gusto kong itanong sakanya lahat. Gusto kong magmakaawa sa harap niya kanina na kung pwede, sana huwag niya 'kong iwan. Na kung may problema siya, kaya ko siyang tulungan. Na kung may sumasagabal sa isipan at puso niya, kaya ko siyang bigyan ng payo. Pero hindi ko magawang sabihin sakanya kanina yun. Parang bang may pumipigil saking labi kanina. Parang may nagsasabi sakin na kahit ano pang sabihin mo sakanya, wala ka nang magagawa.

Lumipas ang mga araw, tinatanong ko pa din ang sarili ko kung bakit gustong makipaghiwalay sakin ni Vince. Meron ba 'kong nagawang masama? Meron ba 'kong ginawa na labag sa kalooban niya? Minsan hindi talaga mawala sa isipan ko na sisihin ang sarili ko sa ginawa ni Vince sakin. Araw-araw kong tinanong ang sarili ko kung ano ang dahilan at araw-araw din akong umaasa sa pangako ni Vince na babalik siya. Siguro nga panahon lang ang lumilipas, ang pagmamahal ko lang sakanya ang hindi.

Lumipas ang napakadaming taon at wala pa din akong natatangap na balitan galing sakanya. Ni-isang paramdam wala akong narinig sakanya. Maraming nagsasabi na kalimutan ko na siya pero hindi ko magawa. Umaasa pa rin ako na balang araw babalik siya, may tiwala ako sa huling sinabi niya sakin eh. Kahit na ang dami-dami nang umaaligid na lalaki sa buhay ko, ni-isa wala akong inentertain sakanila kasi alam kong merong isang lalaki naghihintay sakin. Grabe limang taon, limang taon na. Kung iisipin natin, napakatagal na nga. Pero hanggang ngayon umaasa pa rin akong babalik siya... umaasa pa rin akong maibabalik namin ang masasayang araw sa relasyon naming dalawa...

Still Waiting [On-Hold]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora