Chapter 5

2.2K 47 10
                                    

If it scares you, then it might be a good thing to try.
- Adapted

Chapter 5 - His Real Side
 
  
Kabado ako habang nakaupo sa bench sa seaside bay. Pinagmamasdan ko ang screen ng cellphone ko para makita kung nagreply na ba si Travis.

Isang linggo na ang nakalipas mula ng umuwi kami galing sa CPE namin. We kept in touch. Nagkakausap kami araw-araw. We talk about non-sense things which seemed to make sense when it's him I talk to.

Then napagdesisyunan nga nyang makipagkita na ulit ngayong araw to claim the prize of him defending me. Ang kaso, mahigit tatlumpung minuto na akong late sa usapan naming oras.

Nagpalinga linga ako only to see couples happily gazing upon the bold waves of the bay in front. Kahit maaga at sikat ang araw ay malamig ang hampas ng hangin.

May kung ano sa akin ang nalungkot ng hindi ko nakita ang mukha nya. Siguro, umuwi na sya. I mean, why would he wait for me?
 
 
Tumayo na ako at nagsimulang maglakad paalis. Ilang hakbang pa lamang ay nag-ring ang telepono kong hawak.

PMA Travis.

Ini-swipe ko ang answer at agad iyong itinapat sa tenga ko.

"H-hello?" Sagot ko sa tawag nya.

Narinig ko ang buntong hininga sa kabilang linya.

"You're going?" Tanong nya.

"H-ha?"

Hindi ko naintindihan ang sinabi nya.

"Ang sabi ko, uuwi ka na ba?" Paglilinaw nya.

Napakunot ang noo ko.

"Paano mo-"

Nagpalinga linga ako.

After a few head turns ay nakita ko sya. He stood in front of me, about a few steps away.

Nakangisi sya sa akin habang ang isang kamay ay nakapamulsa sa fitted jeans nya. Simpleng body hugging, gray na v-neck shirt ang suot nya katerno noon.

Sa sobrang lakas ng dating nya, halos lahat ay napapalingon sa kanya.

"You're drooling over me," natatawa nyang saad sa kabilang linya.

Kahit malapit lang ang distansya namin ay hindi namin nagawang ibaba ang pag-uusap. Habang umiihip ang hangin ay lumalakad sya papalapit sa akin. Pakiramdam ko ay napako ako sa kinatatayuan ko.

Ni hindi ko nagawang sumagot at gumalaw.

Narealize ko nalang na nasa harapan ko na sya. Natatawa sya habang binaba ang cellphone at pinatay iyon.

Dahan dahan ko ding ibinaba ang akin.

"Akala ko, wala ka na." Sabi ko.

He chuckled. "One thing Adie. Hindi ako magsasawang mag-hintay."

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Pakiramdam ko kasi ay bibigay ang tuhod ko kapag kaharap sya.

"Sorry late ako," sabi ko.

"It's alright," he shrugged. "So tara?"

Nilahad nya ang palad nya sa akin. Nagulat ako kaya tinignan ko lamang iyon. Hindi ko din kasi alam kung ano ang gagawin ko doon.

Natawa naman si Travis sa inasal ko.

"It's okay," sabi nya sabay baba ng kamay nya. Ngumiti sya sa akin. "I guess I have to do something else."

Behind Uniforms (Valor Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon