Note

2 0 0
                                    

Samantha POV's

"Ingat ka pag punta sa London Sam hah?" Oo aalis ako ngayon pupunta ako sa concert ng banda ni Calum alam ko na hindi ako mahihirapan na pakiusapan sila dahil naipakilala na ako ni Calum sa lahat.

"Yes Mom, Dad....kuya ingat kayo dito hah?" Nakangiti kong sabi 2 araw na ang nakalilipas ng makalabas ako sa hospital at sigurado na maayos na ako at napag isip isip ko rin na dapat ko ng simulan ang noon pa man ay dapat ko ng ginawa.

"Ok ingat ka hah?? Tawag ka lang sa amin pag may kailangan ka." Sabi ni Dad tinanguan ko ito at narinig ko na tinawag na ang number ko sa flight.

"Good bye mom, dad, kuya see you soon. I love you." Then I hug them all mamimiss ko sila.

"Good bye take care okey..?" At kumaway ako at umalis na ng makarating ako ay agad akong sumakay sa eroplano na patungo sa kinaroroonan ni Calum. *sigh* See you later Calum, ng makasakay na lahat ng pasahero ay agad ding umandar ang eroplano.

Calum POV's

"Hello LONDON!!!!!" Sigaw ni Michael pang 3 na concert na namin ito.

"Shut up Michael!!" Sigaw ni Ashton kasabay si Venus na nakakapit sa braso ni Ashton siguro may Jet Lag pa.

"Calum kain tayo dun mamaya." Sabi ni Luke na nakaturo sa isang restaurant.

"Okey pero mamaya na may jet lag pa ako ehh." Sabi ko maaga pa naman 4:55 am pa lang tutulog muna ako.

"Okey sige tutulog muna ako." Sabi ni Luke at tinanguan ko ito ng makarating kami sa hotel na tutuluyan namin agad akong pumunta sa kwarto na naka reserve para sa akin.
Ng makarating ako agad kong inilapag yung maleta ko at kumuha ng damit maliligo muna ako para mas masarap tulog ko bukas pa ng gabi concert namin ehh. Kumuha ako ng boxer at sandong puti at dumaretso na ako sa banyo at naligo ng matapos ang maligo agad kong tinuyo ang buhok ko at nahiga sa kama ko at wala pang ilang minuto at kusa ng pumikit ang mata ko dahil narin siguro sa pagod na ngayon ko lang naramdaman.

"CALUMMMMMMMMMMMMMM!!!!!!!!!!" URGHHHHHHH kainis naman ang ingay ingay ni Luke.

"Calum hapon na kain na tayo dun." Parang bata na sabi ni Luke pero wait hapon na? Ehh kakapikit ko lang ata kanina niloloko ba ako nito?

"What?!?!?! 5:45 pm na??? Ang haba naman ng tulog ko?" Gulat kong sabi woahhh ngayon ko lang naramdaman na nagugutom na ako.

"Tara na mag bihis ka hinihintay na nila tayo sa lobby." Sabi ni Luke at itinulak tulak pa ako.

"Oo na punta kana dun susunod na lang ako." Sabi ko at itinulak si Luke palabas ng kwarto ko.

"But......." Diko na narinig ang huling sinabi ni Luke dahil sinaraduhan ko ito ng pinto agad akong nag palit ng T-Shirt na Nirvana at ripped skinny jeans na black at vans na black.

"Calum akala ko natabunan ka na ng damit ehh so lets go?" Sabi ni Luke at lumakad na sila ngayon ko lang napansin na ako lang pala ang walang partner sa aming apat dahil Kasabay ni Luke si Gemaine, si Michael at si Sandra at si Ashton at Venus weeew tama na ayaw ko maging malungkot kahit ngayon lang nag lakad kami dahil malapit lang naman yung restaurant na kakainan namin. Ng makapasok kami may mga mata na tila gulat na gulat sa pag pasok namin siguro dahil narin sa kilala kami at may concert kami rito mabuti na lang kasama ko yung Body Guard ko. May ilan na nagpapicture at fansign at kung anu ano pang in-albor sa amin. Gusto pa nga hingiin nong isang babae yung panyo ko pero hindi ko ito ibinigay dahil ito na lang yung bagay na meron kami parehas ni Sam.

"Anong order mo Calum?" Tanong ni Michael ng makaupo kami sa mahabang table.

"Pizza alam mo na yung toppings, lemon juice yun lang." Sabi ko ehhhh teka bakit nya pa itatanong dapat yung waiter mag tatanong non diba? Ang gulo nito ni Michael.

AMNESIA (" Calum Hood ")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon