..Panimula..

4 0 0
                                    

-My first Encounter-
"LAINE"

Ako si john,isang simpleng lalake. Lumaki sa di maranyang buhay ngunit nag kaisip sa mabuting paraan kasama ang pamilya.

Ilang buwan na lang ay magtatapos na kami bilang mga 4th yr. Students sa isang paaralan sa aming lugar. Dito ko nakilala ang babaeng masasabi ko na astigin,sya si laine isang cute size na mahilig sa pormahang my pagkalalake na sa tuwing papasok ay nakasandals ang suot at nakakacup minsan. Isa sya sa kilalang estudyante sa campus at dahil dito di nakapagtataka kung bakit maraming pumopurma. Sa tuwing magkakasalubong kami palitan lang nang ngiti ang makikita pero kung ako ang tatanungin masaya na ako dahil isa ako sa mga lalake na humahanga nang palihim sa kanya. Araw araw ganon ang eksena sa campus hanggang dumating ang araw nang paghahanda namin para sa Christmas party, isa ako sa naglipat nang mga bangko sa isang silid .nang nagkataon nasa harap na kami nang kanilang silid, hinarang nya kami at biglang nagtungo sa harap ko.. nagtaka ang lahat lalo na nung kinuha nya sa kanyang bulsa ang isang panyo at ipinunas sa pawis na nasa aking mukha at sa mga Sandaling yon ibat ibang reaksyon ang narinig ko. May nagsigawan na may halong kilig, mga nag react nang patukso at pang asar subalit nawalan na ako nang paki sa mga naririnig ko dahil nakatulala na lang ako sa kanya na di alam ang reaksyon natauhan na lang ako nang bigla siyang magsalita nang "ayan wala na ang pawis mo sa mukha, wag magpakapagud ito ang panyo sayo muna i
balik mo na lng pagnatapos kayo."Sabay bitaw nang magandang ngiti at nagpatuloy na kami sa pagbubuhat ngunit di ko maitago yung saya sa aking sarili. Nung natapos na kami agad kong sinauli ang panyo sa kanya na may kalakip na isang maliit na piraso nang papel na may nakasulat na 'salamat rito'.

Kinabukasan pagpasok ko ay ramdam ko pa rin ung saya sa aking sarili at ang nag aantay na pang aasar sakin nang mga barkada ko.. Oras na upang lumipat sa susunod na subject nang may inabot sa akin na isang maliit na papel ang classmate kung si Mel. "Tol ipinabibigay ni laine sayo'. Habang nag aantay nang guro binasa ko muna ang nakasulat sa papel gamit ang mga mata ko. Tumatak sa paningin ko ang mga katagang 'usap naman tayo kahit minsan' nagkausap nga kami nung wala nang masyadong ginagawa sa school at naulit pa un nang ilang beses. Sa mga pag uusap na un marami ang natuklasan namin sa isat isa. 1st yr. pa lang daw ay kilala na nya ako subalit sa pagiging mahiyain namin parehong walang naglalakas nang loob na lumapit sa isat isa at nalaman namin na pareho naming crush ang isat isa nuon pa.. Isang gabi nakatanggap aq nang isang text msg mula sa kanya "tumawag ka ngayon at may sasabihin ako sayo". Mabuti na lang at kasama ko yung tropa ko na classmate nya na si Joe. Nagkausap kaming dalawa sa cp ni Joe at don ko narinig ang salitang "tayo na" ou sinasagot na kita..,halos di ako nakatulog nung gabing iyon sa subrang saya.

Kinabukasan ay nagkakahiyaan pa kami na nagkita, bigla kong binitawan ang tanong na totoo ba yong sinabi mo kagabi, at ilang segundo siyang natahimik at kumibo nang..ah yun ba ou naman tayo na. Hinawakan niya ang kamay ko habang kami ay naglalakad at ang sarap sa pakiramdam. Sa paglipas nang mga araw di ko napapansin na nagtatampo na pala ang mga malalapit kong kaibigan sakin subalit ipinag walang bahala ko dahil sa kanya. Ilang linggo pa ang lumipas naging madalang na ang aming pagkikita bihira ko na rin syang makita sa campus kapag uwian na upang ihatid siya tulad nang ginagawa ko. Nasundan pa nang pag iwas iwas nya kung magkakasalubong kami sa campus, di na rin nya magawa ang harapin ako at kausapin ..blangko ang isip ko,di ko makita ang dahilan. Hanggang kinausap ako nang kanyang best friend si Lyka malungkot syang nagkwento sakin. "John ako na ang magsasabi at humihingi nang paumanhin sayo sa ginawa ni laine. Di ko na kaya na itago sayo yung dahilan..."'May iba na sya kahit nung masaya pa kayo sinasaktan ka na nang di mo alam"'..!! Pinakiusapan nya ako na wag nang ipaalam sa kanya. Pumayag na lang ako kahit gusto kong isumbat lahat sa kanya. Pinilit ko na lang araw araw na kalimutan ang mga nangyari hanggang dumating ang araw nang pagtatapos namin sa high school kasabay ang pagtapos ko sa sakit na naranasan ko.

- - - - - -

"Alalahanin mo kahit na yung Simula at Gitna na lang.. kung san ka naging masaya kahit wag na yung Dulo kung san ka nasaktan nang husto",..

To be continue..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 18, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

True Love MemoriesWhere stories live. Discover now