Kabanata 05

823 31 4
                                    

Kabanata 05
“Nay,”
Halata ang gulat sa mata nang nanay ni Holly. Nabitiwan nito ang hawak na walis tambo at saka mabilis na tumakbo palapit sa kanya. Agad siyang niyakap nito.
“Ano ka ba namang bata ka, uuwi ka pala bakit hindi ka man lang nagpasabi?”
“Sorry ‘Nay,” naiiyak na sambit niya.
Tiningnan niya si Dustin na nbakatayo sa labas ng gate nila habang hawak ang kanyang bag. Nang maghiwalay sila sa yakapan nilang mag-ina ay bumaling ito sa kanyang kasama.
“Sinong kasama mo?” usisa ng ina.
“Si Dustin po, ‘Nay kaibigan ko,” tinawag niya ang binata.
Lumapit naman ito at saka nagmano sa kanyang ina. “Magandang Umaga po,” magalang na wika ni Dustin.
“Pasok tayo sa loob, tamang-tama magluluto ako ngayon ng paborito mong pritong hipon at ampalaya.” Masiglang wika ng ina habang papasok sa kanilamng bahay.
Nagkatinginan sila ni Dustin. Kahit sa binata ay hindi pa niya nasasabi ang sitwasyon niya. Nang makapasok sa loob ng bahay ay sumalubong sa kanya ang pamilyar na paligid. Kahit maliit ang bahay nila ay punong-puno naman ng pagmamahal ang loob noon. Hindi man katulad ng bahay nina Damon ang mayroon sila ay alam naman niyang hindi matutumbasan noon ang sayang nararamdaman niya kapag nandito siya. Umupo sila ni Dustin sa upuan nilang yari sa kawayan.
“Pasensya ka na, Dust, ha?”
Nginitian naman siya nito at saka ginulo ang buhok.
“Wala ‘yon. Isa pa, masaya akong nakarating ako sa inyo,”
Ngumiti siya sa binata at saka muling tumayo. “Tingnan ko lang si Nanay, ha?”
Tumango naman ang binata. “Maglilibot lang rin ako sa labas,”
Pagluwa’y tumayo na ito at lumulan palabas. Siya naman ay nagtungo sa kusina. Nakita niyang abala ang kanyang ina sa paghihiwa ng ampalaya. Nilapitan niya ito at saka niyakap sa likod. Napatigil naman ang huli sa ginagawa.
“O, nasa’n na ang kaibigan mo? Bakit mo iniwan?”
“Na-miss kita, ‘Nay,” bulong niya rito.
“Asus ang batang ire naman naglalambing, e,” tumigil ito sa pagagayat at hinarap siya.
“Kamusta naman ang pag-a-aral mo sa Maynila?” nakangiting tanong ng ina.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi at nanubig ang kanyang mga mata. Nangunot naman ang noo ng kanyang ina at halatang naguguluhan sa naging reaksyon niya.
“’Nay. . . b-bu-buntis po ako,” mahinang pag-amin niya.
“Pumasok ka na Natigilan ang kanyang ina at mataman siyang tiningnan. Nakita na lamang niya ang pagtulo ng luha nito.
“’Nay. .  sorry po. . . sorry po,” hinawakan niya ang kamay nito bago lumuhod. ‘Sorry po, ‘Nay. Patawarin n’yo po ako, hindi ko natupad ang pangarap natin,” iyak siya ng iyak na para bang bata.
Yumuko ang kanyang ina at pumantay sa kanya saka hinaplos ang buhok niya.
“Gusto kong magalit, Holly. Gusto kitang sigawan... gusto kong itanong kung nagkulang ba ako sa ‘yo, Anak. Pero wala naman na akong magagawa nand’yan na ‘yan,” itinayo siya ng ina at saka hinaplos ang pisngi. “Ang itatanong ko na lang sa ‘yo ngayon ay sino ang ama ng batang dinadala mo?”
Natigilan siya at mas lalong naiyak. Sasabihin ba niya? Lumunok siya at huminga nang malalim.
“Si---“
“Ako po,”
Sabay silang lumingon sa nagsalita. Nagulat siya nang makita si Damon. Suot pa rin nito ang damit kagabi. Lumabas rin sa likod nito si Dustin na halatang nagulat nang makita si Damon.
“Anong ginagawa mo rito?” gulat na wika niya.
Lumapit sa kanya si Damon at saka hinapit ang baywang niya. “Ako po ang tatay ng bata,”
“Damon, ano bang—“
“Shut up,” mahinang anas ni Damon.
Nakita niya ang gulat sa mukha ni Dustin. Marahil ay naguguluhan ito sa nangyayari.
“Kung gano’n pala, bakit hindi ikaw ang naghatid sa anak ko at ibang lalaki ang kasama niya?”
“Nagkaro’n lang po kami nang hindi pagkakaunawaan, ‘Nay.” Paliwanag nito.
‘Basically Damon treated her like a trash, ‘Nay,” segunda naman ni Dustin.
Matalim na tingin ang ipinukol ng kanyang ina kay Damon.
“Totoo ba?” pangungumpirma nito.
“’Nay,” hinawakan niya ang braso ng kanyang ina.
“Babawi po ako sa kanya. Lahat po ng gusto niya magmula ngayon ay susundin ko. P’wede n’yo po akong parusahan hindi po ako magrereklamo.”
Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Dustin. Tinapik nito ang balikat ni Damon.
“Wow, nasa’n na ang yabang mo Del Martin?”
Marahas naman na tinanggal ni Damon ang pagkakahawak ni Dustin sa kanya at saka biglang lumuhod sa harapan nila.
“Alam kong hindi po naging maganda ang simula namin ni Holly. Hindi po ako naging mabuting lalaki para sa kanya. Pero kung bibigyan n’yo po ako ng isang pagkakataon itatama ko po ang pagkakamali ko. Kaya Holly, ‘Nay, nakikiusap po ako sa inyo tanggapin n’yo po ako rito sa bahay n’yo. Pangako hindi po ako magiging pabigat. Pagsisilbihan ko si Holly at papatunayan ko sa kanya na hindi siya nagkamali sa ‘kin,” madamdaming litanya nito.
“Umuwi ka na, Damon,” anas niya sa binata.
Hindi makapanaiwalang tiningnan siya ni Damon.
“Umalis ka na, Damon,” itinuro niya ang pintuan.
“H-Holly,”
Mahina siyang tumawa.
“Ito naman ang gusto mo ‘di ba? Ang mawala ako sa buhay mo. Ngayon na ako mismo ang umaalis sa buhay mo,  hahabulin mo ako? Bakit? Para saan?” sumbat niya rito.
Hindi nakasagot si Damon. Itinayo niya ito at saka marahas na hinila papunta sa labas.
“H’wag ka nang makabalik-balik pa rito!” sigaw ni Holly bago itinulak si Damon sa labas ng bahay nila.
Napapalakpak naman si Dustin sa ginawa niya. Sinarado pa nito ang pintuan at saka siya inakbayan.
“That’s my girl,” saka siya kinindatan.
Huminga naman ng malalim ang kanyang ina at saka umiling.
“Hindi ka dapat gano’n, Holly. Buksan mo ang pintuan.” Utos ng ina.
“’Nay naman,” angal niya.
Pinandilatan siya ng mata ng ina at saka ngumuso sa pintuan. Huminga naman siya ng malalim at napilitan na buksan iyon. Tumambad sa kanya si Damon habang nakaupo sa damuhan.Agad itong tumayo nang makita siya.
, Hijo. Magluluto lang ako para sa tanghalian natin,” pagkasabi’y tumalikod na ito at bumalik sa kusina.
Nagsukatan naman ng tingin si Damon at Dustin. Huminga siya ng malalim at saka umiling bago naglakad palayo sa dalawa. Pinili niyang magtungo sa kwarto niya. Malinis iyon at halatang alaga ng kanyang ina. Amoy bagong palit rin ang cover ng kanyang kama, humiga siya at saka tiningnan ang kanyang mga glow in the dark stars sa kisame, narinig niyang may kumatok sa pintuan niya.
“Holly, mag-usap naman tayo,” boses ni Damon iyon.
Pumikit siya at tinakpan ng unan ang kanyang tainga. Wala siyang panahon para makipagaguhan dito. Nang maramdaman siguro nito na ayaw niyang makipag-usap ay tumigil na ito.Tumayo naman siya at tiningnan ang sarili sa salamin. Ilang buwan lang ang nakalipas pero parang hindi na niya kilala ang sarili niya. Hinawakan niya ang kanyang baby bump at mahinang bumulong.
“Mahal na mahal ka ni Mama at kahit na masama ang Tatay mo dapat mahalin mo rin siya, ha, Baby?”
Huminga siya nang malalim at saka muling tumigin sa salamin. “Fighting, Holly. Fighting!”

My Sweetest DownfallWhere stories live. Discover now