CB'One

11 0 2
                                    

ALONDRA KEI ESHAN POV

Kasalukuyan akong nag aayos ng gamit na gagamitin ko para sa unang araw ng klase ng maramdaman kong may mga matang malalim na nakatingin sa bawat galaw ko kaya agad akong nag angat nang tingin bumungad saakin si ann na nakahanda na sa pagpasok at ako nalang ang inaantay katabi niya si mama na sinusuring mabuti ang bawat kilos ko.

"Anak sigurado kabang kaya mo ng bumalik sa eskwela?" nag aalinlangang tanong ni mama sa akin.

"Oo naman ma, sayang naman po kasi e dalawang taon nalang tapos na ako sa college" tama na yung isa't kalahating taon akong huminto sa pag aaral dahil sa nangyari nayun. Kailangan kong lakasan ang loob ko. Gusto kong maging matatag para kay mama.

"Oo nga bhesie! Fight lang ng fight hehe!" biglang sabat ni ann at pagkatapos ay tumingin sa kanyang cellphone.

"oopps! 7:25 na bhesie babyahe pa tayo. Let's go na!" pag yaya nito sa akin kaya nang masiguro kong kumpleto na ang dala ko lumabas na kami ng kwarto habang si mama ay nakasunod sa amin na walang tigil ang pagpapaalala sa akin at kay ann.

"May ann, wag mong iiwan mag isa itong si Alondra doon ha? Pagka tapos ng klase niyo umuwi na kaagad kayo. Wag kayong magpagabi delikado". mahabang paalala niya kay ann

"Opo nay" maikling tugon ni ann.

"Anak sigurado kaba talagang kaya mo na?" nag aalala pa din niyang tanong sa akin.

"Ma, kaya ko po. Ayoko na pong magkulong dito sa bahay. Ayoko na din pong makulong sa nakaraan. Gusto ko na pong makalimot baka ito napo yung tamang panahon". Pangungumbinsi ko. Ayokong nag aalala ng ganto si mama. Kakayanin ko lahat para sakanya.

"O siya sige. Basta mag iingat ka anak. Mahal na mahal kita" sabi nito at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap.

"mahal din po kita, Ma". Paglabas namin ng bahay saktong may dumaang tricycle kaya hindi na kami nahirapan pang maglakad papuntang kanto.

***

Pag dating namin sa eskwelahan biglang bumalik sa isip ko yung mga alaala ko noong nag aaral pa ako. Binasa ko ang malaking kulay gintong pangalan ng university na papasukan ko at napasukan ko na dati.

YEST DUXIFFER UNIVERSITY

Unibersidad na madami akong ala-ala. Saya, lungkot, at pati narin ang poot ng nakaraan. Pero handa na muli akong harapin ito. Kailangan kong maging matatag.

Well, Alondra kei Eshan. Welcome back. sabi ko sa sarili at bumuntong hininga.

"Ang lalim non ah? Iniisip mo nanaman ba siya?" Baling sa akin ni ann at pagkatapos muli niyang tinuon ang atensyon niya sa hawak niyang puting papel. Schedule siguro namin.

"Hindi ko naman maiiwasan na isipin siya. Lalo na't bumalik na ako dito. Alam naman nating dito siya nag aaral". Mahinang tugon ko sakanya.

"Sabagay. Pero beshie paano kung magkita uli kayo? Kakayanin moba?" Tanong niya na nag aalala at nakaramdam din ako nang pangamba.

"H-hindi ko alam, Ann. Tinatanong ko din yan sa sarili ko. Kasi imposibleng hindi kami magkita".

Alam ko sa sarili ko na hindi ko kakayanin. Bukod sa iniwan ko siyang mag isa natatakot din akong bumalik nanaman yung sakit at poot ng nakaraan.

"Alam ko kakayanin mo Londs, yung nangyari nga sayo kinaya mo diba? Eto pa kaya na baka magkita kayo" nakangting sabi niya at ramdam kong pinapagaan niya lang ang pakiramdam ko. Ang swerte ko talaga sa best friend ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 22, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Cryptic BeautyWhere stories live. Discover now