Chloe's POV
Kapagod buong araw. Kahit hindi naman talaga sobra ang mga ginawa ko today. I dunno why.
"Goodnight mga babes!" masiglang sabi ko sa kanila bago mahiga sa higaan ko.
"Goodnight." parang sobrang busy naman nila, wala man lang 'sweetdreams' psh.
Bago ko ipikit ang mga maganda kong mata ay tumingin muna ako ng oras sa cellphone ko. 11pm na pala.
Nag set muna ako ng alarm bago tuluyang matulog.
*hiiirrrrkkk*
Naririnig ko ng humihilik si Sam. Hahahha. Para namang sobrang pagod itong babaeng ito. Nakabukaka pa. Mapicturan nga.
*flash*
Natawa ako ng bahagya sa ginawa ko. Napakabuti ko talagang kaibigan eh no.
Narinig siguro ito ni Jho kaya agad itong bumangon at tumingin ng masama sa akin.
"Chill! Hindi ikaw yung pinicturan ko, si Sam. Haha"
"Ayus-ayusin mo lang." pinakita pa nito ang kamao nito.
"Psh. KJ nito."
"I don't care. Matulog ka na diyan."
"Ok."
Tinitigan ko ulit ang picture ni Sam. Hahahahha! Nakanganga pa pala siya, akala ko naka bukaka lang. Grabe, baka kapag nalaman niyang may picture siya sa akin na ganito mawala na ako sa mundo ng wala sa oras.
Pinikit ko na ang mga mata ko para makatulog na agad.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog gayong pagod na pagod na katawan ko.
Pa-palit palit na ako ng pwesto pero wala pa rin. Nagtakip na ako ng unan sa mukha wala pa rin.
"Aaargghh!" napasigaw na ako habang takip ang mukha ko kaya hindi malakas.
Napakamot nalang ako sa ulo ko sa inis.
*you have a text message*
*you have a text message*
Ang ingay naman, di na nga ako makatulog eh. Gabi na, sino naman kata 'to.
Kinapa ko naman kung saan nakalagay ang phone ko. Nakareceived ako ng 2 messages.
From: 0921*******
Hindi ito naka-save sa phone ko, sino naman kaya 'to gabi na ah.
Binuksan ko ang unang message. Napangiti ako sa nabasa ko.
Good evening Chloe! Si Jade 'to. Baka nagtatanong ka kung kanino ko nakuha number mo, hiningi ko kay Jhanna ba 'yun ? Basta yung may letter J simula ng pangalan niya. Hehe. Ayun lang naman. Good night.
Natawa ako ng bahagya sa nasabi niya. Jhanna. HAHAHAHA.
Bago na pala pangalan ni Jho ah.
"Akala ko ba matutulog ka na, tawa ka pa ng tawa diyan." walang emosyong sabi sa akin ni Jho, na lalo namang nakapagpatawa sa akin.
"Baliw." dugtong pa nito na naka poker face, at bumalik na rin sa pagkakahiga.
"as usual."
*you have a text message*
Nabaling muli ang atensyon ko sa cellphone. May na-received na naman akong text message.
From: 0999*******
Wait lang...
Kaparehas nito ang number ng una kong na-received, bukod pa 'yung kay Jade.
Sheeezz. Bakit ganto.
Pinagpapawisan ako pero, bakit ?
*you have a text message*
3 unread messages...
Pinatay ko ang phone ko, pero hindi nakashutdown.
Nahiga ako ng maayos ay kinalma ang sarili.
Pinalipas ko muna ang oras bago basahin ang messages hanggang sa makatulog na nga ako.
*argh!* *argh!*
Naalimpungatan ako sa narinig at naramdaman ko. Nag vi-vibrate yung phone ko, ringtone ko yung tahol ng aso.
Kinapa ko naman kung saan nakalagay ang phone ko. Ilang sandali pa ay nakapa ko na ito. Pumikit-pikit pa muna ako bago buksan ang cellphone.
May tumatawag, hindi ko na pinansin ang hindi nito naka-save na number at agad na sinagot ito.
"Hello ?"
Medyo wala na ang antok ko kaya napansin kong tila walang balak sumagot ang nasa kabilang linya. Tumingin ako sa orasan.
3:42 am... Gantong oras may tatawag sa 'kin ?
*toooot* *toooot*
So weird.
Nang mag-home ang phone ko, napabalikwas ako ng bangon dahil sa... 85 unread messages!
Kinusot-kusot ko pa ang mata 'ko baka namamalikmata lamang ako, pero hindi. Halos matanggal na rin ang mga pilikmata ko pero nananatili pa rin sa 85!
Dahil sa sobrang curious na ako kung sino ba talaga 'to at kung ano ba ang gusto nito.
Tiningnan ko muna ang mga kaibigan kong humihilik pa at huminga muna ng malalim bago i-open ang message.
Nanginginig pa kamay ko habang iniispread ang mga messages. Lahat ay galing lang sa iisang number...
1st message - blank message
2nd message - blank message
3rd message - still blank message
Nakaka 20 messages na ako pero bakit parang halos lahat blanko ?
Natatakot na ako... nakakatakot 'to.
Sino ka ba ?
50th message, blanko pa rin!
Nabitiwan ko na ang phone ko sa kilabot.
Sino naman kaya ang may ganang biruin ako ng gantong oras ?
*argh!* *argh!*
Tumatawag na naman ...
Dahan-dahan kong kinuha ang phone ko, lumunok muna ako bago sagutin ang tawag na ito.
Dahan-dahan ko itong itinatapat sa aking tenga.
Nananatili ang katahimikan sa pagitan namin dalawa ni kung sinuman.
Wala akong balak sumagot o mag aksaya ng laway sa taong ito na hindi ko naman kilala.
Nanlamig ako sa narinig...
"good morning... Chloe"
Susunod...
STAI LEGGENDO
Stupid Thing
CasualeThe fact na tamaan ka nito, talo ka na. That thing ? That STUPID Thing they called L.O.V.E.! Hirap intindihin kung bakit ka pa nasasaktan kung ang L.O.V.E. na ito ay marapat na magpapasaya sayo. Gulo no ? kasing gulo ng buhay ni Chloe, isang simplen...
