Chapter 3 Haunted

48.7K 1.4K 386
                                    

"I control my emotions pretty well, but when you come around they're all over the place."


Laurent POV


Hindi ako makatulog. Kanina pa ako balisa. Para bang sa tuwing pipikit ako yung imaheng iyon ang lumilitaw sa isip ko. Nabubwisit na bumaba ako ng kama. Pinulot ko yung silk robe na nasa sahig at nagpunta sa may balcony. Dinampot ko din yung kaha ng sigarilyo sa may lamesita kasama na yung lighter.

I don't want to show any emotions, especially to a complete stranger. First, she bumped me. Then her father gave her away like freebies. 

Nagsindi ako ng sigarilyo at nanginginig yung kamay ko habang pilit kong kinakalma yung damdamin ko.

"Laurent?" Napatingin ako sa nakabukas na pinto at tumambad sa akin si Blaire na may kipkip na kumot sa dibdib para takpan ang hubad na katawan.

Nagbuga ako ng usok habang nakasandal sa railing ng balcony ng kuwarto ni Blaire dito sa kanyang condo.

"Did I wake you up?" I asked.

"Not really." Saka lumapit sa akin at naupo sa may upuan na gawa sa bakal. "What's bothering you?"

I sighed. Muli akong humithit sa hawak kong sigarilyo at nagbuga ng usok. I nervously repeated that action. Mukhang napansin iyon ni Blaire at nilapitan ako.

"Stop it." Saka inagaw sa kamay ko yung sigarilyo at pinatay iyon sa may ashtray.

I raked my hands through my straight long hair and closed my eyes hard.

"Is it about this girl named Isabella?" She asked and I immediately averted my eyes.

Naikwento ko sa kanya yung nangyare sa kanya at yung naging reaksyon ko ng makita ko siya.

"Gusto ko siyang makita." Napatingin ako sa kanya. "Don't give me that look. I want to see her with my own eyes."

"Blaire..." I've never been this hopeless.

"Stop." May pigil na tawang sambit niya.

I glared at her. "Walang nakakatawa dun, Blaire Arevalo." Inis na sabi ko.

"Ngayon lang kasi kita nakitang ganyan ka-hopeless." Tukso niya sa akin at bigay diin pa. "And to think na, sa isang babae. A complete stranger to be exact."

"Will you just go back to bed?" Taboy ko sa kanya.

"Saan mo pinatulog?" Pangungulit niya.

Maang na napatingin ako sa kanya. "Sa guest room!" Nauubusan ng pasensyang sambit ko. "Saan ba papunta 'tong tanong mo?"

Tuluyan na niyang pinakawalan yung tawa niya. "For the first time, nara-rattle ang isang Laurent Montefalco."

"This isn't funny, Blaire!" Tuluyan ng kumawala yung inis ko.

Natatawang iiling-iling si Blaire. "Fine. I'm going back to bed." Saka tumalikod na siya. Ngunit bago siya tuluyang pumasok ay nanukso pa. "Mukhang mawawalan na ako ng bedmate." Saka nakangiting pumasok na nga sa loob ng kuwarto niya.

Naiinis na napailing ako saka kumuha ng bagong sigarilyo at nagsindi.

Kinabukasan nga, sumama sa akin si Blaire sa pag-uwi ko sa bahay.

"Where is she?" Sabay hila ng damit kong sambit ni Blaire sa akin. Halata sa mukha niya ang excitement na makilala si Isabella.

I rolled my eyes. Tinawag ko yung isang katulong at tinanong kung nasan si Isabella. Napakunot noo ako ng sinabing nasa kusina daw at tumutulong sa pagluluto.

Royal Blood Series - HeartlessWhere stories live. Discover now