ISLY 2: 'FLORIDA'

390 12 2
                                    

Dedicated to @alis_angeli... Hey dear♥ thanks sa time last chat natin ah... Nice meeting you pala *

Depher's POV

Kaya kayang maghintay ni Ate Shiena kay Kuya? Kaya niya kaya? ARGH!! SANA!!

"Deph" napatingin ako kay kuya. Naawa na ako sa kanya, ang hina-hina na kasi niya

"Ano yun kuya?" tanong ko at lumapit sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin kaya ngumiti din ako sa kanya

"Pwede mo ba tong ipadala kay Shiena sa Manila? Please" paki-usap niya sa akin. Tumango lang ako at kinuha yung envelope na sigurado akong sulat iyon para kay ate Shiena.

"Sige Kuya, pagaling ka ah?" sabi ko sa kanya at lumabas na muna para ipadala to kay ate Shiena.

mamayang gabi na ang operation ni Kuya kaya kailangan kong magmadali baka ano pang mangyari kay Kuya.

"Ma, aalis lang po muna ako, babalik din ako mamaya" sabi ko kay mama at umalis na kasama ko ang pinsan ko na taga dito.

Mrs. Gonzales's POV

"Ma, aalis lang po muna ako, babalik din ako mamaya" sabi ni Depher kaya naman tumango nalang ako sa kanya. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa anak ko. Sana lang... Sana gumaling na siya upang maibalik ko ang nagawa ko noon sa kanya.

sa kanila...

"Hon" tinignan ko ang asawa ko at ngumiti sa kanya.

"Pasok na tayo" sabi ko at naglakad na papasok sa kwarto ni Sylvester.

"Anak, kailangan mong tatagan ah" sabi ko sa kanya at hinalikan siya sa noo. Ilang oras nalang at kailangan na nilang maghanda sa pwedeng mangyari sa anak nila.

"Ma...sa..sana ku..kung a..anong mangya..ri sa a..kin sabi...hin niyo kay.... Shiena" naiiyak na ako sa anak ko ngayon, sa totoo lang kasi, hinang-hina na siya, hindi ko kayang nakikita siya ng ganito.

"Oo naman anak, pero mas gusto ko kung ikaw ang magsabi sa kanya, kaya magpagaling ka ah, para sa amin.. Para sa kanya" naiiyak kong sabi, ngumiti lang siya sa akin. Sana naman kung anong mangyari kakayanin ko. At sana kung malaman man niya ito... sana mapatawad niya ako...

Ako kasi ang nagpumilit kay Sylvester na wag iyon sabihin kay Shiena baka kasi iiwan niya ang anak ko. Ayaw ko nun, mas dobleng sakit ang mararanasan ng anak ko.

Depher's POV

"Anak nahihilo ako sa ginagawa mo" sabi sa akin ni papa.

Andito na kami ngayon sa harap ng operating room. Naghihintay sa pwedeng mangyari kay Kuya.

"Anak umupo ka nga" sabi ni mama kaya naman napilitan akong umupo.

"Ma, sana maging maayos si Kuya" sabi ko kay mama, hinawakan ni mama ang kamay ko.

"Anak magiging maayos ang kuya mo, tiwala lang" sabi niya. Umalis na muna ako doon at pumunta sa chapel dito sa hospital.

"Lord, sana po... sana po gumaling si Kuya, sana po... maging maayos na si Kuya.. sana lang po talaga" dasal ko.

"Wag niyo po siyang pabayaan .." sabi ko pa. Naka-upo lang ako doon habang naghihintay sa resulta ng biglang nagkagulo ang mga Nurse...

"Nurse dalian niyo..."

"Sa operating room"

nalilito na ako pero dali-dali akong pumunta sa opearting room at nakita ko si Papa na akay-akay si mama na umiiyak

"Ma anong nangyari dito...!!" napalingon sila sa akin.

"Anak--"

"Kuya!!" sigaw ko at nagpupumilit na pumasok sa loob. Nalilito na ako sa nangyayari...

Umiiyak lang si mama habang nakatingin sa pintuan ng kwartong iyon...

"Sorry" sabi ng Doctor na kakalabas lamang... Napahagulhol si mama at ako naman pinuntahan si Kuya sa loob.

"Kuya...!! kuya gumising ka naman oh!! Please" yakap-yakap ko si Kuya habang umiiyak.. Hindi siya pwedeng mawala.. Hindi pwede...

Shiena's POV

Shiena Kris Tamayo

nalilitong kinuha ko ang sulat sa gate namin. Ano na naman to?

Nanginginig na kinuha ko yung laman ng envelope at napaluha nalang ako sa nabasa ko..

"Syl...."

**

"Mahal kita Shiena.. Tandaan mo yan..." -Sylvester

ISLY 2: 'I DO'Where stories live. Discover now