Maskara

199 4 0
                                    

Sinulat ko ‘to dahil… hmm, ano nga ba? Wala lang.

Di ko na rin kasi maintindihan self ko. Yun bang pinipilit kong sumaya, pinipilit kong alisin sa isipan ko lahat ng masasamang nangyari sa buhay ko. And yes, I was able to smile, to laugh. Pero lahat ng yun, PILIT lang. Hindi totoo. Hanggang ngayon nakatago pa rin ako sa isang maskara. Isang maskarang kahit na anong gawin ko, hinding hindi na mawawala sa’kin. Ang maskarang naging takbuhan ko, naging kakampi ko sa loob ng mahabang panahon.

Kahit naman pinipilit kong iwanan na ng tuluyan ang maskarang iyon, dumadating pa rin sa puntong kinakailangan ko pa rin siya.

Sa loob ng mahabang panahon, hindi ko alam kung papaano naitago ang totoong nangyari sa buhay ko, at ang totoong AKO. Marahil, iyon ay dahil sa takot. Matagal na akong duwag. Duwag akong harapin ang katotohanan. Pero dahil sa maskarang iyon, nagagawa kong ipakita sa lahat na okay ako, na matapang ako, na kaya ko lahat. Ang hindi nila alam, napakahina kong tao.

Minsan, naiisip kong pwede ko na ring ihalintulad ang sarili ko sa isang taong sinungaling. Dahil sa pagpapanggap at pagtatago ko sa katotohanan, iniisip ko na ring isa akong sinungaling na tao. Hanggang ngayon tinatanong ko pa rin ang sarili ko kung bakit pinili kong huwag magsalita. Kung bakit pinili kong itago ang katotohanan.

May mga pagkakataon at sitwasyon talaga na nangyayari na mas makakabuti sa lahat kung tumahimik na lang. Ayoko masira ang isang bagay na pinoprotektahan ko. Ayoko masaktan ang mga taong mahal ko. Kaya siguro nakaya kong tiisin at tumahimik na lang.

Akala ko noon, darating din ang araw na mawawala din sa isip ko ang nangyari. Akala ko noon magiging isang panaginip na lang iyon at hinding hindi ko na maaalala.

Ngunit nagkamali ako.

Kahit anong gawin ko, kahit saan ako magpunta, hindi mawawala iyong alaalang iyon sa’king isipan. No matter how I tried to forgive, the scar still remains. The scar still reminds me of that dark past. Isang nakaraang hinding hindi ko matatakasan.

Until now I still don’t know how to heal myself. I still don’t know how to be truly happy.

I am only a victim. . . Victim of Lie… Victim of Pretense. . .

The mask will be forever in me.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 03, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MaskaraWhere stories live. Discover now