NARRATION

91 2 0
                                    


Pagod na pagod na ako. Kakatapos lang ng Vocal training ko tapos nautusan pa akong magdala ng tubig sa practice room ng NCT. Jusko naman.

Di lang pala ako trainee eh. Assistant na rin.

"Oy Kari. Ibigay mo kay Taeyong Oppa yung gatorade ha? Thank you!" Sabi ni Yeri. Aba tong batang to! Nag-debut lang nawala na yung galang sakin. Di man lang ako tinawag na unnie. Bastos.

"Kari dapat before 7pm andun ka na ah. Panigurado pagod na yung mga yon." Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon.

Dumaan ako ng canteen para bumili ng mga tubig at yung gatorade ni Taeyong. Rk kasi yon, gatorade lang yata ang iniinom. Binigay ko yung 500 ko dahil wala na talaga akong pera tapps ako pa gumastos para sa tubig ng mga yon.

"Miss, Wala ba kayong smaller bill? Wala kasi akong barya."

Tinitigan ko si Ateng tindera.

Wala na nga akong pera anong ibibigay ko? Paano kung di pa ako suklian? Pabalikin pa ako bukas tapos kakalimutan nyang may sukli ako? Edi mas lalo akong nawalan ng pera.

Kinuha ko sakanya yung 500 pagkatapos ay tiniklop ko sa apat yung pera.

"Oh Ate, smaller bill!" abot ko sakanya may malapad na ngiti pa.

"Ikaw talagang bata ka" Sabi ni Ate pero hindi nakatingin sakin. "Sige na, libre na lang yan."

Nagpasalamat ako ng marami. Aba 250 din yon no.

Halos malapit na ako sa Practice room ng NCT ng masalubong ko si Jeno na kalalabas lang mula sa Practice room.

Di man lang ako binati. Bakit wala ng galang mga bata ngayon? Nakakabwisit ah.

Patay ang mga ilaw at tanging tunog lang ng aircon ang aking naririnig sa loob ng practice room nila.

Walang tao?

"Tangina naman."

Napamura ako ng ma-realize kong wala ngang tao. Kasi kalalabas lang ni Jeno eh.

"Tangina ang bigat ng dala ko tapos wala na palang tao dito?! Tangina talaga nila. Ang gago ko naman at pumunta pa rin kahit 7:30 na. Antanga mo talaga Kari. " Mahina kong sabi na para bang may kausap talaga ako

Bumukas ang ilaw at pumasok si Jeno. "Wag kang magmura noona, Ayaw non ng nagmumura" tinuro nya gamit ang nguso niya yung mga taong nasa likod ko.

"Shit."

Si Yuta na pinipigilan ang tawa.

Si Chenle at Renjun na hindi naiintindohan ang sinabi ko.

Si Jisung na parang natrauma sa mga narinig.

Si Haechan at Mark na timatawa ng walang boses.

Si Taeil, Doyoung Na tinatakpan ang tenga ni Winwin.

Si Hansol na umiiling.

Si Taeyong na tintignan si Jaehyun.

At Si Jaehyun na diretsong nakatingin sakin.

Nagtitigan lang kami. Problema nito? Masama bang magmura?

"Bakit naman kasi kailangan nyo pang patayin yung ilaw diba? Balak nyo kong takutin no?" 

Walang sumasagot sakin. Aba.

Para silang nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita.

"Oh eto na tubig at gatorade nyo mga señorito." inilapag ko sa sahig yung dala ko at tumalikod.

Nagkagulo sila bigla tapos tumugtog ang paborito kong kanta.

Love letter by Seventeen.

Hindi yon boses ni Seokmin. Di ko rin marinig ang part ni Joshua.

Si Jaehyun na nakatingin pa rin ng diretso sa aking mata at sobrang lapit sakin ang nakita ko pagkaharap ko.

Siya ang kumakanta ng Love letter.

Ang NCT ay sumasayaw ng parang mga monggi na unggoy sa likod.

"Say Yes na Kari."

"Wag ng pabebe."

"Gago. Wag mong itulad sayo si Kari."

"Lab na lab ka nyan noona!"

Tapos na syang kumanta at para na kamatis ang buo nyang mukha.

"Ang bakla mo Jae!"

"Ayan na ang chance mo kasper!"

"Wag ng magpatumpik tumpik pa boom karaka raka!"

"Oy yung isang linggo nating pinagpraktisan!"

"Pag di mo sinabi ako magsasabi kay Kari!"

"Let's start again." Sambit niya pagkatapos marinig ang sinabi ni Ten.

Bakit andito si Ten? Andun lang siya sa likod ng NCT, nakahilig sa salamin ang nakahalukipkip ang dalawang kamay.

"Ha?"

"Ang bingi naman ni Kari. Alam mo ba kung gaano niya katagal inipon yung lakas ng loob para sab--"

"I want us to start again. Be my... Girlfriend. Again."

Tanong ba yon?

"Oy Kari, Sagutin mo na!"

"Anong isasagot ko di naman sya nagtatanong?" Sagot ko kay Hansol. G na G kasi, wala kasi si johnny bravo eh.

Nakita kong napakagat ng labi si Jaehyun. Aba kinikilig pa ang gago.

"Oh anong nginingiti ngiti mo dyan?"

"Can you be my girlfriend again, please?" Pulang pula na pati ang tenga niya.

"Iyown naman po pala si Kuya Jaehyun."

Tinignan ko si Ten. Nginitian lang ako ng gago at tinanguan.

"Okay."

Yung malapad na ngiti ni Jaehyun ay naglaho ng marinig yung sinabi ni Haechan.

"Yun na yon? Okay? Yun na yon noona? Grabe ka. Wala man lang "Yes Jaehyun. Yes I want to be your girlfriend again." tapos wala man ni isang luhang pumatak? Yun na yon? Di man lang mala-fairytale eh"

"Tara dun tayo sa labas. Andaming monggi dito sa loob eh." Hinatak niya ko palabas ng practice room nila at dinala sa canteen.

"Kumain ka ng marami. Halata namang di ka kumain."

Yan ganyan dapat ang boyfriend. Spoil your girl, not with material things but spoil her with FOODS!

inoubliable | jung  jaehyunWhere stories live. Discover now