FALSE ALARM (Part 1 of ONE-SHOT version)

297K 2.8K 604
                                    

PART 1 OF ONE-SHOT VERSION.
Dedicated to @alyloony! ♥

--

"False Alarm"

Ikaw, kilalang playboy at heartthrob sa buong campus. Ako, isang isolated so-called geek slash nerd. Magkaibang magkaiba ang mundo ko sa mundo mo.

Your world - fame, girls and all the good stuff. My world - books, books and more books.

Lahat ng tao hinahangaan ka at gusto kang maging kaibigan. Samantalang ako, laging binubully at iniiwasan ng mga tao.

Kapag nandyan ka na, lahat ng atensyon nakukuha mo. Ako, nagiging center of attention lang sa mga contests na sinasalihan at napapanalunan ko.

Ang hirap pala kapag ang crush mo, crush rin ng halos kalahati ng girls population sa school mo. Ang dami mong kaagaw, well in my case hindi ako nakikiagaw dahil sa umpisa palang alam kong wala na akong panabla.

Karamihan sa kanila, magaganda at kilala rin sa campus. Yung iba malalakas ang loob ipagsigawan na gusto ka nila para mapansin mo. Ako? Okay na yung ako lang ang may alam na crush kita.

Isang hapon, sa loob ng library habang nagbabasa ako ng libro nakita kita na papasok sa pinto at nakatingin sa direksyon ko. Nagpanggap ako na hindi kita napansin. Nagpanggap ako na hindi kita nakitang papalapit. Pinilit kong mag-relax pero sa loob ko, kinakabahan at kinikilig na ako.

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa at binalewala ang nararamdaman ko. Sa pag-aakala kong nakalagpas ka na sa table kung nasaan ako, ibinaba ko na ang librong binabasa ko.

Nagulat ako. Parang tumigil ang oras at ang paggalaw ng mga tao sa paligid ko. Pagtingala ko, mukha mo ang agad na nakita ko. Sinubukan kong kumurap dahil baka nananaginip lang ako ng gising. Pero hindi, ikaw mismo ang kaharap ko. Ang gwapo mong mukha, ang chinito mong mga mata, ang matangos mong ilong at ang mapupula mong labi.

"May dumi ba sa mukha ko?" Kinausap mo ako? Totoo ba ito?

"W-wala naman Chase. Bakit ka nga pala nandito?"

Kinakabahan ako. Sa tagal kong nasa campus na 'to, ngayon ko lang nakausap at nakaharap ng ganito kalapit ang taong nakakuha ng puso ng halos lahat ng babae rito, kasama na ako.

"Kilala mo ako?" Duh. Anong klaseng tanong kaya yon.

"Oo, sino naman kaya ang hindi makakakilala sa isang Chase Sevilla, captain ng basketball team at heartthrob ng campus?"

"Woah! Too much detail, Ms. Sophia Gonzales."

Alam mo ang pangalan ko? Kilala mo ako? Ang saya ko! Hay. Ngumiti ka? Nginitian mo ako? Ang sikip ng dibdib ko, hindi na ako makahinga dahil sa sobrang kilig na nararamdaman ko.

"Bakit ka nga pala ulit nandito?"

"Diba President ka ng English Club? Naghahanap kasi ako ng pwedeng mag-tutor sa akin, okay lang ba kung ikaw?

Ako? Gusto mong mag-tutor sa'yo? Hay, hihimatayin na yata ako. Tama na, 'wag ka nang ngumiti sa akin at baka sumabog na ang puso ko.

Isang linggo na ang lumipas nang itanong mo sa akin kung pwede kitang i-tutor sa English, isang linggo na rin akong kabado. Isang linggo na rin akong naghahanda sa araw na 'to.

Unang araw ng tutoring day natin, usapan natin ten o'clock. Maaga ako ng 10 minutes kasi excited na akong makita ka pero nang dumating ako, nasa meeting place ka na. Ang saya ko, parang nabuo na agad ang araw ko.

Hindi ka naman mahirap turuan dahil nakikinig ka naman, yun nga lang hindi ako makapag-concentrate minsan kasi nakatitig ka. Hindi ko maiwasan ang kiligin.

FALSE ALARM (Short story)Where stories live. Discover now