Chapter 1

19.3K 512 40
                                    

Aljana's POV

"Jana asikasuhin mo ang bagong dating" sabi sa akin ni Aling Lita, ang may ari ng karinderyang pinagt-trabuhan ko.

Kinuha ko ang menu at pumunta sa lamesa ng pumasok na customer.

"Magandang umaga, Sir. Ano po kukunin niyo?" nakangiting tanong ko sa customer pagkatapos kong ibigay ang menu sa kanya.

Habang nakatingin siya sa menu ay nilibot ko ang tingin ko sa loob ng karinderya. Kumpara dati ay mas marami ng kumakain ngayon sa karinderya. Masaya akong gumana ang mga tips na binigay ko kina Aleng Lita at sa asawa niyang si Mang Deles para dumami ang kumakain dito.

Medyo may kalakihan ang karinderya nila pero kunti lang ang kumakain sa kanila dati dahil marami silang kakulangan kaya nung nagsimula akong magtrabaho dito ay tinulungan ko silang mapaganda ang karinderya. Sa simula ay hindi nila ako pinaniwalaan dahil sa bata pa daw ako at wala pa akong kaalaman tungkol sa paghandle ng business, baka ay mas lalo pang kumunti ang customer nila kaya hindi nila ako sinunod. Pero makalipas ang isang buwan ay sinunod na din nila ang gusto kong mangyari, kaya ito. Marami ng kumakain dito at sikat na din ang karindeya nila dito sa lungsod.

Tatlong buwan na akong nagt-trabaho dito at tatlong buwan na din akong nandito sa dimension na 'to. Hindi ko alam kung saan nakatago ang puting mahika ko. Walang akong ideya kung saan ko ito hahanapin. Kaya dito ako nagsimula sa lungsod ng Yenna at kumuha ng trabaho dito dahil wala akong gagamitin na pera para sa pangangailangan ko. Magkaiba ang perang ginagamit namin sa panahong ito.

Tulad ng sabi ni White ay malaki ang pagkakaiba ng kasalukuyan kong buhay sa ikalawang buhay ko. Sa laki ng pagkakaiba nito ay hindi ko kayang isa-isahin.

"Mamaya na."

Napatingin ako kay Kuya na mukhang tapos ng tumingin sa mga pagkain na nasa menu.

"Po?"

Hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya dahil sa hina ng boses niya. Lumapit ako sa kanya para masiguro na maririnig ko na siya.

"Mamaya na ako pipili ng pagkain, pagdating ng mga kasama ko." sabi niya at medyo nabigla pa ako dahil sa lakas ng boses niya.

"Ah..sige. Tawagin niyo lang ako."

Umalis na ako sa harapan niya at bumalik sa pwesto ko. Ako ang naka assign sa counter pero tumutulong din ako sa pagkuha ng order ng mga customers lalo na kapag sobrang dami na ng mga customers. Bukod kina Aling Lita at Mang Deles ay may kasama pa kaming tatlo dito na katulad kong nagt-trabaho din dito.

"Jana, ako na bahala dito. Magpahinga ka na." sabi sa akin ni Tia, ang pumapalit sa pwesto ko tuwing break ko.

Ngumiti ako sa kanya at tumango.

Pumunta ako sa kwartong pinahiram saakin nina Aling Lita at Mang Deles. Bukod sa dito ako nagt-trabaho ay dito din ako nags-stay. Simula nung tinulungan ko silang pagandahin ang karindeya nila ay tumigil na ako sa pag upa ng bahay. Inalok nila akong tumira sa kanila para bawas gastos na din. Kaya malaki ang utang na loob ko sa kanila. Napakabait nilang dalawa.

Pagkapasok ko sa kwarto ay nagpalit ako ng damit. Habang umiikot ako sa kwarto ay napadaan ako sa salamin na nandito sa loob.

Hanggang ngayon ay hindi parin ako sanay sa hitsura ko. Bumata ako ng dalawang taon. Sinabi sa akin ni Black ang tungkol dito na maaaring magbago ang edad ko kapag dumating ako dito at nangyari nga ito.

Kinurot ko ang magkabilang pisngi ko. Mas lalo lang itong tumataba kahit na nagd-diet na ako. Mukha talaga akong bata kaya hindi ako pinaniwalaan noon nina Aling Lita at Mang Deles sa mga tips ko, e.

Bukod sa bumata ako dito ay nawala din ang mga itim na marka sa katawan ko. Nasabi din saakin ni White ang bagay na 'to. Kapag dumating na ako sa panahong ito ay hindi magigising ang itim na mahika sa akin dahil nandito ang puting mahika namin.

"Ako na dyan, Tia. Malapit na break mo." sabi ko kay Tia pagkabalik ko.

"May limang minuto ka pa, Jana. Magpahinga ka muna."

"Uupo lang din naman ako dyan kaya ako na." pamimilit ko at napangiti ako nang mapapayag ko siya.

Umupo ako sa silya at pinanood ang mga tao. Malapit ng mapuno ang mga lamesa dahil sa dami ng kumakain dito. Buti nalang ay hindi nagtatagal ang ilan sa kanila dahil karamihan sa kanila ay may mga trabaho.

Balak na dagdagan ni Mang Deles ang karinderya dahil malaki na din ang kita nila. Hindi ko alam kung pumayag ba si Aling Lita pero mukhang pumayag siya sa plano ni Mang Deles dahil malaki na ang naipon nila at wala naman silang ibang pinaggagastusan. Maliban sa mga sweldo naming mga trabahador nila at sa pang-araw-araw na gastusin nila ay wala na silang pinaggagamitan ng pera nila. Wala silang anak at ang kapital nila ay nakahiwalay.

"Magkano lahat ang sa amin? Table 8."

Tiningnan ko sa listahan ang table nila.

"Dalawang daan."

Kinuha ko ang inabot niya sa akin na pera.

"Salamat."

Ngumiti ako sa kanya.

Unti-unti ng nagsilabasan ang mga tao dahil malapit ng mag alas dos. Limang lamesa nalang ang may tao. Pinagmasdan ko ang mga kumakain at natuon ang tingin ko sa dulong lamesa.

Pamilyar sa akin ang isa sa kanila dahil siya kanina ang pinuntahan ko. May kasama na siyang dalawa na mukhang sila ang hinihintay niya. May suot silang hood kaya hindi ko makita ang mukha nila. Ramdam kong hindi sila ordinaryo dahil sa ayos nila at alam kong ramdam nilang nakatingin ako sa kanila dahil palihim akong sinisilip ng isa sa kanila.

Umiwas na ako ng tingin at pinaglaruan nalang ang maliit na chain na naka sabit sa lapis.

Gusto ko ng bumalik pero hindi pa pwede. Wala pa akong nakukuhang impormasyon tungkol sa puting mahika dahil hindi basta bastang nagbibigay ng impormasyon ang mga tao dito. Kailangan nila ng identity ng tao bago sila mag open. Dahil sa hindi ako galing dito ay wala akong identidad dito higit don ay masyado bata ang hitsura ko para pagkatiwalaan nila ako. Ganon pa man ay hindi parin ako tumigil sa paghahanap ng impormasyon.

Pinatong ko ang ulo ko sa kamay ko at pinaglaruan ang lapis.

"Table 10."

Dinig kong sabi ng customer. Tiningnan ko ang papel at sinabi sa kanya ang babayaran niya.

Inabot naman niya sa akin ang bayad. Kinuha ko ito at binaling ang tingin sa kanya.

"Thank-"

Napatayo ako nang makita ang ilang bahagi ng mukha niya.

"Wait Sir.." hindi niya ako narinig at tuloy-tuloy siya sa paghakbang hanggang sa nakalabas siya kasabay ang dalawa niyang kasama. Sila kanina ang pinapanood ko.

Sinundan ko sila pero pagkalabas ko ay wala na sila.

Kahit ilang bahagi lang ng mukha niya ang nakita ko ay pamilyar siya sa akin.

---
Note: Sorry sa mga typos at grammatical errors. Hindi ko maipapangako na sunod-sunod ang update dito tulad sa book 1 dahil malapit na ang pasukan namin. Magr-review din ako next week kaya bihira na ako mag update T^T maintindihan niyo sana ako. Salamat ♡

The White Magic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon