Chapter Two

2 0 0
                                    

[February 14, 8:30]

We're currently on our way to the campus. Our campus, named Hellium Academy, is one of the biggest and known academy in the country of Daltenomium.

Anyway highway, after 15 minutes of driving, este si Baby Z pala yung nag-drive, we reached Hellium Academy. Siyempre pumasok kami ng gate, bago nag park. Pagka-park, bumaba agad si Baby Z tsaka ako pinagbuksan ng pinto. Siyempre tinginan naman ang mga tsismosa. 

Bumaba na ako, ehem, with matching alalay pa ni Baby Z yan. Pagkababa ko, pumulupot agad ang kamay ng malanding unggoy na kasama ko sa aking bewang. "Possessive." Bulong ko. Napa-"Tss." na lang siya sa sinabi ko.

Siyempre, dahil wala pang klase, diretso kaming tambayan, ang garden. May secret room kasi 'dun na tanging kami lang ang nakakaalam.

Mamaya pa namang 9:30 ang praktis at 11:30 ang start ng klase kaya marami pa akong oras para mangalap ng impormasyon. Duh! Oplan: Sirain ang Plano ni Babe is still on.

So ayun na nga, sino ba kasi ang nasabing mahinhin ako? Lol, hanggang mukha lang ako. Tanong niyo pa sa tropa ko, ako pinakaelyen sa amin. Haha.

"Nakangiti ka?" Nakasimangot na tanong ni Z. "Wala." Ngumisi ulit ako kaya mas sumimangot siya. Ganiyan lang yan kasi naisahan ko kanina. Kinikilig na naman kasi ang unggoy at ayaw niyang siya yung unang kinikilig sa umaga. Ang baliw din niyan eh, kaya nga daw bagay kami.

"Andun na ba sila Henry, babe?" Tanong ko at tumingin sa kaniya na diretso ang tingin. "Yup, also Kyle's girlfriend." Napangiti na lang ako at muling tumingin sa harap. Sabi na eh, may mangyayari talaga.

"Oh? Andun si Serena? Yay!" Actually, Serena became my bestest of friend in just a span of time. Nagselos nga si Kylie noon tsaka si Diana. Eventually, they love me so much that they forgave me.

"Oo. Kaya nga halika na." Hihilahin na sana ako ni James kaso hindi ako nagpahila. "Wait, Babe, easy lang. May praktis pa ako ng volleyball." Nakanguso kong sabi sa kaniya. Napanguso din siya at napatingala na parang nag-iisip. I think it was about the surprise.

"Okay, fine. Hatid na kita." Sabi niya matapos huminga ng malalim. Napangiti naman ako. Delayed ang plano niya, hahaha, oh yes!

Pagdating namin sa gym, nakaset up na lahat. Pumalakpak naman ako at lahat ng nakakalat kong mga ka teammates nagsilapitan. "Okay guys, magbibihis lang muna ako. Pero habang ginagawa ko yung, mag warm up na kayo. Okay?" Tanong ko sa kanila habang nag-aayos ng gamit na kinuha ko kay Dark. "Yes, Captain!" Napailing na lang ako. Pang anim na beses na itong absent ni Diana, technically, ako na ang new captain. Bwisit na pustahan. 

Lumapit muna ako kay Baby Z bago nagbihis. Bitbit ko din ang pamalit kong jersey. "Babe, alis ka na. Bawal manuod." Natatawang sambit ko sa kaniya habang naglalakad. Huminga naman siyang malalim. "Andaya." Pabulong niyang sabi habang nakanguso. Natawa naman ako at ngumiti. Kinurot ko ang dalawa niyang pisngi. "Okay lang yan, babe. Mapapanood mo naman akong maglaro eh." Nakangiti kong sambit sa kaniya.

He sighed in defeat. "Okay, fine." I smiled, but my smiled dropped when smirked. Nagulat ako ng bigla niya akong hinalikan sa lips tsaka kumaripas ng takbo. "Bye, babe! I love you." Ang lalaking yun! Ang kulet talaga. Pasalamat siya mahal ko siya naku.

Namula naman ako at napanguso ng marinig ko ang kantiyawan ng mga kateammates ko sa likod ko. Haist! Mga baliw!

Pumunta muna akong locker room para doon na magpalit. Wala na naman kasing tao. After ko magpalit, inilagay ko sa locker room ko ang damit ko. Sinuot ko na din ang sapatos ko na nasa locker ko bago lumabas.

Pagkalabas ko, tumatakbo na yung mga teammates ko paikot ng court. Nagwarm up muna ako saglit bago sumabay sa kanila.

"Okay, guys, palo muna tayo!" Pumila kami. Dalawang linya. May tatlong libero sa kabilang side ng net at may tig-isang setter sa bawat linya.

"Game!" Kaniya-kaniyang bato kami sa setter kapag turn na namin. Sa pagpalo naman namin, kailangang masalo ng mga libero ang bola. "Quick!" Sigaw ko ng ako na ang papalo. Binigay naman sa akin ni Melissa ang hinihinga kong set. As expected sa pinakamagaling naming receiver, nasalo niya ang bola kahit malakas at on the line ang atake ko. "Good job, Kaila!" I smiled at her at tumayo na lang sa gilid para panoorin ang mga kasama ko.

"Nice, team, serves naman!" Nakapila na kaming lahat kasama na ang setters at isa-isa kaming nag-serve. Nang ako na ang sasalang, binigyan ko ng floating service si Kaila. She got it but it didn't flew towards the setter usual place. Muntik pa itong mag-over sa net. Pancake kasi ang ginawa niyang pagsalo. 

"Nice, Kaila. A bit more practice." At kumindat ako sa kaniya.

Naglaro pa kami bago kami natapos. Then I remembered about my plan. Oo nga pala. Time to get moving again. WAHAHAHA

आप प्रकाशित भागों के अंत तक पहुँच चुके हैं।

⏰ पिछला अद्यतन: Jul 27, 2017 ⏰

नए भागों की सूचना पाने के लिए इस कहानी को अपनी लाइब्रेरी में जोड़ें!

Love At Its Fallजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें