It Started With A Punch

85 0 0
                                    

Title: It Started With A Punch

Genre: Crackfic, One-Shot

Rating: PG-13

Warning: Word vomit, Cussing (a lot)

Summary: Landian. Yun na yun.

A/N: Hii, ako ule HAHAHA. Valentine's special po desu. Huehuehue, enjoooy~

=====================================================

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

"PUTANG INA."  Nabali ko yung lapis ko. Sino ba kasing hindi maiinis sa punyaterang lalakeng nandito sa room? "Hoy, honeybunch sugarpie my loves~ Galit ka na?" Anak ng putragis, nakakainis. "Dun ka mag-landi, punyeta. Kitang may ginagawa." Mataas at madiin kong sambit sa hayup na 'to. "Hay nako Ms. President, masyado kang stressed." Nilapag ko yung putol na lapis at nag-face palm.

PUNYETA. "PAULA, PALABASIN MO NGA TONG SAGABAL NA TO." Nag-cling at nag-puppy eyes ang lalakeng to saken. "Baaabee--" "HINDI MO KO SYOTA, ANAK NG. MALANDI KA, LUMAYO KA SAKEN." Naiinis ko sabe habang sinasampal siya ng binder ko para bitawan niya ako. Lord, paki kuha na siya ngayon. "ARGH!" Bigla nalang siyang bumitaw at humawak ng mahigpit sa dibdib niya. Lord, wag niyo naman siya kunin gamit ng mga kamay ko. Ayokong makulong. "HOY! TUMAYO KA DYAN!" Lumuhod ako at chineck ang kundisyon niya, hindi pa ako ready na makulong.

Smack.

"I got you." Naka-smirk siya habang nakatitig sa muka kong feel ko namumula. "Nahalikan ko rin yang cheeks mo sa wakas." Tinuloy niya pa ang pang-aasar. "You're so cute when you blush." Lord, I take it back. Okay na ako kung ako ang gagawin mong instrumento ng pagkuha sa hayop na to.

"F-Francine?" Boses ni Paula, halatang gulat. Tumingala ako and well, halos isang batalyon ng mga members ng Student Council ang nandon.

Embarassment Level: MAXIMUM

3...

2...

1...

"TANG INA MOOOOO!!!!!!!!"

-------------------------------------------------------

"P-Pres, okay ka lang ba...?" Nahihiyang tanong ni Paula, namumula siya. Ang cute cute niya <3 *^* Nginitian ko siya at nag-release ng girly na giggle. "Okay lang ako, dapat si Ren ang tanungin mo nyan." Ngumisi ako at tumawa ng mababa yung tono. "Ahe, oo nga. Pero, ang ibig kong sabihin... umm, kasi sinapak mo siya diba?" Ngumiti ako lalo at ipinaramdam ko ang feeling of triumph sa kanya.  "...Pano na? I mean sa mga teachers..." Nasapak ko na siya. Yes. Nagdudugo siya, nagdudugo siya sa loob ng clinic. Napaputok ko labi niya, nagdudugo ilong niya-----

Wait.

Ano.

Ano daw.

Teachers?

...

Ay PUTA.

Nagkunot ako ng noo. Puta, bat pinaalala pa nitong bruha na to. Ayos na ako eh, ayun na eh. "Hay... ako na bahala." "Pres, wag ka magsinungaling..." Napaka-pure nitong babaeng to, kailangan ko pang gabayan at turuan. "Pau, minsan kailangan rin magsinungaling ng isang tao para sa ikabubuti ng lahat. Oo kasalanan ang magsinungaling pero kasalanan rin naman siguro ang gumawa ng gulo at manira ng buhay ng iba diba? Medyo malayo yung sinasabi ko sa nangyari pero true to life naman." Ngumiti ako at pinat ang ulo ng liit na to, nginitian nya rin ako.

It Started With A PunchWhere stories live. Discover now