MM [46] PLAN B

393 28 15
                                    

[MISHA POV]

Sumakay na ako sa balikat ni Jin saka kami umangat at hinarap sila Monique.

Yari sakin tong babae nato, papainumin ko to ng maraming tubig. Hala ansama ko talaga.

"WAIT LANG!" sigaw ng isang babae kaya lahat kami napalingon.

Nakita ko si Wendy na papunta samin, nakalimutan namin syang isama, buti nakahabol sya dito.

"Sali ako!" sabi nya saka tumalon dito sa tubig at hinila si Jimin.

"Luh? Bitawan mo ko" sabi ni Jimin sa kanya at binawi ang kamay neto.

"Isasakay mo ko o hindi? Mamili ka!" sigaw ni Wendy sakanya.

"Patay! Hahaaha, lagot ka sa Misis mo pag di ka sumunod" panunukso nila Namjoon.

Wala namang nagawa si Jimin kundi ang isakay si Wendy sa balikat nya kahit bigat na bigat na sya. Kawawang Jimin.

"Yari, di na talaga tatangkad si Jimin hyung" pang aasar pa ni Jungkook.

"Kingina mo, mamaya ka sakin" banta ni Jimin.

Tatlo na kaming naka handa dito at si Jungkook ang taga sabi ng fight.

Huh, isang tulak ko lang sa mga to, laglag na kaagad sila.

"FIGHT!"

Saka kami nagsimula, unang kong hinawakan si Monique sa magkabilang balikat saka tinulak yun kaya natumba sya sumunod naman si Wendy na nakahawak sa kamay ko pero walang talab sakin yan, habang hawak nya ang kamay ko, yinugyog ko sya hanggang sa mapabitaw sya at mahulog sa tubig.
Sabi sainyo eh, madali lang to.

"YEHEY!" sigaw namin ni Jin.

Di ko naman sinasadyang mapatingin kay Suga na nakatingin din pala sakin, pagtapos nun umirap sya at umahon na sa tubig.

Hala anong problema nun?

[SUGA POV]

Umahon na ako pagkatingin sakin ni Misha, ayoko na dun, ayokong nakikita mga kataksilan nila.

Pumunta ako sa cr para magpalit na ng damit ng saktong dumating si Jin.

"Aalis ka nalang ba at walang gagawin?" nakakagagong tanong nya habang naghuhugas ng kamay

Tumingin naman ako sa reflection nya sa salamin. "Ano bang sinasabi mo?"

Nag smirk naman sya saka sinara ang gripo at nilingon ako.

"Si Misha, magiging akin" sabi nya.

Napangisi naman ako sa kalokohang sinambit nya.

"Tulog lang ang nananaginip" sabi ko.

"Minsan ang panaginip nag kakatotoo" sagot din nya pabalik saka umalis.

At sa muling pagkakataon, napakuyom nanaman ako sa inis ko sa kanya.

Hindi mo kailanman magagawa yang sinasabi mo Jin, dahil kung meron man dito ang nag mamay ari kay Misha, ako lang dapat yun at wala ng iba. Kahit pag bali-baliktarin mo man ang mundo ako parin ang asawa ni Misha at walang sinuman man ang makakabura nun kahit ikaw pa.

-------------

Abala ngayon sila Taehyung at Jungkook sa pag iihaw ng isda malapit dito sa dalampasigan. Oo may dagat pala dito. Kanina lang namin nalaman ng nagtanong kami sa may lobby.

Lahat kami nakapaikot sa init netong apoy. Habang nilalasap ang amoy ng nilulutong isda.

"Oh yan ah, dahil mahirap lang tayo, amoy amoy nalang ng isda" sabi ni Taehyung.

Mhizsx Misha [BOOK 2: COMPLETED]Where stories live. Discover now