Disconnected

247 5 0
                                    

Life is a tangled web of cellphone calls and hastags i don't know. But you are so caught up. With all the blinking lights and dial tones. 💻

A/N: Plagiarism is a crime.
3rd FacFiction Story. Disconnected of 5SOS. I edited the story Now that I found you. Please enjoy reading.


D I S C O N N E C T E D 💻

Ako si Beanca Anastacia Crest. And this is a love story that disconnect me from the real world.

Month of December, sobrang libang na libang ako sa facebook sa mga time na to. Halos half of my day binigay ko sa FB. Updating my status, Checking my friend's wall, liking post and chatting with my facebook-wattpad friends. Sobrang attached ako sa mga social media sites to be exact.

I stretch my arms as i yawn. Inabot ko yung ipad ko from my side table. Magfafacebook ako eh so I scrolled down my newsfeed. Nagtingin-tingin ng mga bagong post ng mga facebook friends ko and pictures ng mga relatives namin. Ni-like ko yung mga captured moments nila Tita Honey sa out of town nila at yung mga latest post ni Kuya Inigo sa labas ng barkong sinasakyan niya ngayon. Nakakatuwa naman na tingnan yung mga stolen pictures ng mga pinsan ko sa out of town nila at nakakatuwa din na makita na finally seaman na si Kuya Inigo na schoolmate at nakilala ko noong Intrams sa school.

"Anastacia" narinig ko ang pagtawag na iyon ni mommy at sunod-sunod na katok sa pinto ng kwarto ko.

"Anak, i know you are awake already. Online kana daw sabi ng daddy mo. Come here, join us for breakfast" aniya

Si mommy talaga.
Binitawan ko muna yung ipad ko saka nag-ayos para bumaba. Nandoon na sa dining si mommy, daddy at Bea na hawak din yung phone niya habang nasa hapag kainan.

"Bea, anak tama na nga muna yan. Kumain ka muna" saway ni mommy kay Bea na panay pindot sa phone niya.

"Good morning mom, dad" i kissed their cheeks tapos umupo nadin sa mesa.

"Mommy, wait lang po last stage na oh. Baka mag-game over ako neto" she answered without looking at mommy.

"Hay nako, manang mana ka talaga sa ate mo" saka naman ako tiningnan ni mommy ng masama. I raised my two hands and smiled at her. "Mom, inosente ako." Pahayag ko. Ngumiti naman si daddy at tumawa si mommy.

"Okay let's eat" binitawan ni Bea yung phone niya noong magsalita na si Daddy. Kumain kami at nagkwentuhan tungkol sa kung ano-ano and afterwards took different ways. Si Bea papunta sa labas, si daddy sa work at ako pabalik sa kwarto ko. I was out for few minutes sa social media so i needed to go back.

Binuksan ko yung facebook ko at nagsimulang magscroll ng mga bagong feeds. I was having fun reading those Filipino Vines nang biglang may isang post ang umagaw sa attention ko. It was a post from a facebook user na naghahanap ng group of friends by means of building a family. Lahat ng sasali may role sa family starting from the mother, father upto childrens and grandparents. Nalibang ako sa pagbabasa ng comments sa post na iyon dahil nakakatuwa ang conversation ng mga ibang taong nasa comment box while portraying their role in the family.

Nung mga time nga nato e usong-uso yung " FAMILY" sa mga facebook groups. At dahil uso naisipan kong itry din ito sa isang facebook group ko. I posted a notice that goes like this-

Beanca Anastacia:
Anyone interested to build a family here? Comment nalang kayo.

Maya-maya pa lumabas muna ako ng kwarto para kunin yung charger ko na naiwan ko sa kwarto ni Bea.Pagbalik ko hindi ko inaasahang bebenta ako. XD. I mean maraming naging interested na sumali sa family nato dahil sobrang daming comments sa post ko pagtingin ko. Hindi ko inasahan, pero part of me is celebrating dahil woooh! magiging masaya to diba! Iexcitedly read and replied into each comment pero me isang comment ang umagawa sa atensyon ko.

DisconnectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon