(05)

22 1 1
                                    


Oo nagsimula yang lahat sa bes. Hindi mo kasi alam yung itatawag mo sa kanya diba? Hindi mo alam kung saan ka lulugar kaya tinawag mo siyang bes.

"Bes" o "best friend" nagsimula sa araw araw kayong magkasama, araw araw nagtatawanan hanggang sa nagtagal at umabot ng apat na taon. Siguro naman ngayon magkakilalang magkilala na kayo noh?

Kaso sa pagkakataong liligawan mo na yung "best friend" mo bigla akong dumating. Yung tipo ng babaeng "head turner" kumbaga. Pag dumaan siguradong lahat titingin.

Pero bakit ang isang tulad ko nahulog sa'yo?
Napunta sa araw araw mo kong kinausap pinatawa, pinakilig. Pero nagkamali rin pala ko, hindi lang pala ako yung pinapasaya mo.

Anong katangahan yung inisip kong ako lang yung babae sa mundo mo?

Marami ka pa nga palang "best friend"
At ano pa nga bang laban ko sa isang bes na katulad niya? Sa tinagal tagal ka na niyang kilala anong laban ko?

Wala na rin akong magagawa kasi Ako lang naman yung "past time" mo. Ako lang naman yung kausap mo pag wala kang magawa.
Ano namang lugar ko sa puso mong napakarami na palang tao?

TalahugutanWhere stories live. Discover now