EP 214

5.9K 252 90
                                    

We Got Married
Running Time: 20~30 minutes
Air Time: 22:00 PHT
Number of Episodes: 6

Episode 214
- Husband & Wife -

Nagbukas ang ilaw at makikita ang isang bakanteng studio. Pinakita ang stage at sa isang malaking screen nakasulat ang pangalang It's Showtime.

Makikita sina Vice, Billy at Vhong na naguusap-usap sa backstage kung saan naghahanda ang ibang host at staff member dahil ilang oras mula ngayon ay magsisimula na ang kanilang show.


Camera on cue in 3...2...1 Recording.

Papasok ang staff member at cameraman ng We Got Married sa backstage ng It's Showtime. Hinahanap ng team ang kanilang unang guest, ang husband to be para sa episode na ito. Habang papasok, nasagi ni Anne ang cameraman, kinunan agad siya ng camera at kinausap ng staff member. Nag-hi muna si Anne sa camera bilang pagbati.

Anne: Anong meron?

"We got married team po."

Anne: Ah, eh sinong hinahanap?

"Hinahanap po namin ang Porkchop with Ketchup."

Ipapakita ang ginagawa ng tatlo na nagkekwentuhan at nakaupo pa rin sa backstage.

Inabot ng staff member ang isang box na naglalaman ng ilang gamit. Inalog ni Anne ang box, sinilip na parang ini-inspect ang box na hawak niya at pagkatapos tiningnan ang maliit na papel na nakadikit sa box.

Anne: Anong gagawin? Kanino ko ibibigay?

Binigyan naman si Anne ng instruction na iabot sa tatlong boys ang box na hawak niya. Hindi alam ng tatlo na may naka-install na camera sa backstage para makita ang mga magaganap at kung ano ang magiging reaksyon ng tatlo once na ibigay na ni Anne ang box.

Gaya ng inutos kay Anne, bitbit niya ang mga epektos ay box lang pala at dumiretso naman ito kina Vhong, Billy and Vice. Lumapit si Anne at iniabot sa tatlo yung box, kinuha naman yun ni Vhong.

Vice: Anong meron?

Billy: Baka galing kay Direk.

Matapos ibigay ni Anne, nagpunta siya sa sulok at doon pinipigilan tumawa. Di pa niya sinasabi kung para saan ang box na yun dahil inutusan siya na wag sabihin na galing sa We Got Married team. Hinayaan lang ni Anne na macurious ang tatlo.

Vice: Ito tawang-tawa na naman! Para saan yan? Saan galing?

Anne: Eeee ayoko sabihin, bawal ata.

Vice: Anong bawal?

Dumistansya si Vice sa mga kasamahan habang pinagmamasdang mabuti ang box na hawak ni Vhong.

Vice: Naku ha may pasabog yan, may ahas sa loob.

Anne: Mukha bang kaya kong magbitbit ng ahas? Buksan niyo na lang gurl!

Vice: Ang daming pa-surprisa naman dito kaloka!

Binuksan naman ni Vhong yung box and nakita niya may letter. Pero mas umagaw sa atensyon niya yung maliit na box. Kinuha ni Vhong yung box and pag-open niya, wedding ring ang laman.

Vice: OH MY GOD!

Makikita ang oa na reaksyon ni Vice after makita yung wedding ring. Napangiti naman si Billy at biglang inakbayan si Vhong. Nahihilawan na ng ngiti si Vhong na parang hindi niya magugustuhan ang susunod na mangyayari. Mukhang may idea na kasi siya kung kanino galing ang imbitasyon na ito.

We Got Married | Vicerylle FanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon