EP 217

1.9K 128 41
                                    

We Got Married
Running Time: 20~30 minutes
Air Time: 22:00 PHT
Number of Episodes: 6


Episode 217
Send My Love Tonight


Sa nagdaang araw naging abala si Vice sa concert niya at si Karylle naman ngayon sa screening ng kanyang pelikula. Pinapakita ngayon ang footage sa naganap na premiere night. Magkakatabi sina Anne, Enchong, Zanjoe at Karylle. Makikita na nagpapasalamat si Anne sa lahat ng mga dumalo sa premiere night nila at umaasa sa suporta ng kanilang fans. Sunod naman nagsalita si Karylle.

Karylle: Thank you for your support, sana nag-enjoy kayo at kung nagustuhan niyo sana imbitahan niyo rin yung mga friends, classmates and family niyo na manood. And, thank you sa lahat ng pumunta tonight.

Habang nagsasalita ang direktor, naghiyawan naman ang mga tao sa loob na parang may bisitang dumating. Natawa naman si Anne at bumulong kay K. Nainterrupt naman si K sa sinabi ni Anne at natawa rin after.

Karylle: And hi to my onscreen hubby...thank you sa time mo tonight kahit alam kong busy ka sa concert mo.

Tawang-tawa naman si Vice ng humarap siya sa camera ng WGM. Naghello naman siya as sign of courtesy.


Solo Interview

Karylle: Sa totoo lang hindi ko na inaasahan na makakapunta siya. Ininvite na siya ni Anne, and sabi ni Anne hindi raw makakapunta kasi may commitment sa iba. Tapos nagtext na rin siya sa'kin nung umaga na hindi nga raw siya makakapunta so akala ko wala na pero humabol naman pala. Thank you.





Nang matapos ang event, makikitang nag-uusap sina Anne and Vice. Nasa loob pa rin kasi si Karylle dahil kinakausap siya ng press. Natigil na lang sa chikahan ang dalawa ng lumabas na si Karylle.

Vice: Okay ka na?

Karylle: Yes, we can go home na.

Habang casual na naguusap si Vice at Karylle, sa gilid naman ay nakangiti si Anne na parang inaasar yung dalawa.

Vice: Parang tanga 'to si Anne, kanina pa tawang-tawa.

Anne: Ganyan pala kayo mag-usap 'no? Ngayon ko lang napansin.

Vice: Ano?

Anne: Wala, wala naman.

Kahit inaasar na sila ni Anne base sa mga tingin nito, naging natural pa rin ang kilos ng dalawa sa isa't- isa. Binigay ni Karylle yung flowers na hawak niya kay Vice at iba pang gamit nito na dadalhin niya sa condo nila. Agad naman kinuha ni Vice para tulungan ang asawa niyang bitbitin. Nagoffer na rin naman si Vice noon kay Karylle na kung sakali man na kailangan niya ng hubby/PA sa work, willing siyang i-extend yung job niya for Karylle kahit offcam.

Anne: Ang cute niyo tingnan. Bagay kayo talaga.

Vice: Fan na fan?

Anne: Hindi! Hahaha! Si Karylle talaga yung gusto ko for you. Di ba nga, sinabi ko na sa'yo dati tsaka bagay sa'yo.

Vice: Ang alin?!

Anne: Ayan, tiga-hawak ng bag. Ang pogi mo dyan. Mukha kang asawang under.

Natawa naman si Karylle kung paano idescribe ni Anne ang husband niya. Minsan napapagkwentuhan rin kasi ni Anne at Karylle kung paano nila pagtutulungan si Vice. At kung gaano ito nakakatawa everytime na ginagamit ni Anne si Karylle para patahimikin si Vice sa tuwing nag-aasaran sila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 28, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

We Got Married | Vicerylle FanficWhere stories live. Discover now