Chapter 8

50 10 2
                                    

Fiona's POV

"Oh? Bakit kayo nakatigin sa akin?" sabi ko sa kanila.

"Aminin mo, ikaw may gawa nun noh?" tanong ni Alexa sa akin.

"Sabi ngang hindi eh." sagot ko sa kaniya.

"Bakit hindi nalang natin gawin uli yung ginawa natin dati?" sabi ni Icy.

Bumuntong hininga ako at tumayo.


Alexa's POV

Nakatayo ngayon si Fiona at sinubukang magpalabas ng hangin, pero wala.

Ilang beses niyang sinubukan pero wala.

"Ayoko na, I give up!" sabi niya.

Tumayo ako at sinubukan...

Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa rin.

"Guys, wala rin sakin." sabi ko sa kanila.

"Eh kung wala sa atin ang gumawa nun, eh sino ang may gawa nun?" tanong ni Icy.

"Baka naman talagang may ipo ipo lang na dumaan at di tayo tinamaan. Baka namagnet nung nga jeje girls yung ipo ipo, ang sama kasi ng itsura nila eh." sabi ni Fiona.

"Baka nga." sabi naman ni Icy.

"Tara na nga, punta na tayo sa canteen gutom na ako!" sabi ko sa kanila.

Habang naglalakad kami papunta sa Canteen ay pinapagusapan pa rin namin yung nangyari kanina.

"Ang astig siguro no, kung may kapangyarihan kang hangin, pwede kang lumipa--. " naputol ang sasabihin ko nang biglang...

Nagulat ako nang unti-unti akong umangat sa lupa, at may malakas na hanging bumubuhat sakin paitaas.

"WHAT THE??" sabi nilang dalawa.

"Guys tulungan niyo ako!" sigaw ko sa kanilang dalawa.

Nagpanic naman sila at di alam kung ano ang gagawin.

Pati tuloy ako nagpanic na rin.

"Icy gamitin mo kapangyarihan mo!" sabi ni Fiona.

"Ha? Eh ano namang magagawa ng ice para mapigilan siya sa pagangat sa lupa?!" sigaw ni Icy.

Di ko sila pinansin at sinubukang magfocus...

Naramdaman ko na ang lupa saking mga paa.

"YES NAKABABA NA AKO FINALLY!" natutuwang sabi ko.

Nakanganga lang silang dalawa.

"P-paano mo nagawa yun?" nauutal na tanong ni Fiona.

Napangiti nalang ako sa kanila.

"Tingin ko... ang kapangyarihan ko ay hangin." sabi ko sa kanila.



Fiona's POV

Kasalakuyan akong nasa dalampasigan.

Bwisit.

Badtrip.

Bakit sila may kapangyarihan ako wala? Ang unfair naman nun.

Malas ba ako sa buhay?

Pati ba naman kapangyarihan ayaw sa akin?
Ayaw na nga sakin ng mga magulang ko pati ba naman iyon?

Ayaw na ayaw talaga ng lahat sa akin.

Bakit? May balat ba ako sa puwet?

Sinipa sipa ko ang mga maliliit na bato na nadadaanan ko.

Pati yung mga halaman pinangbubunot ko.

"Nagaway ba kayo ng boyfriend mo? Kawawa naman yung mga halaman oh pinatay mo na." nagulat ako nang may nagsalita sa gilid ko.

Andito na naman yung ang sakit sa matang tingnan na surfer.

"Bakit bigla bigla ka nalang sumusulpot? Stalker ka ano? Lagi mo nalang ako sinusundan!" malakas na sabi ko sa kaniya.

"Woah woah woah, chill. Second time pa lang tayo nagkikita. At ako? Stalker? Sa gwapo ko ba namang to?! And no, di kita laging sinusundan, talagang kung nasaan ako napupunta ka lang dun, so it means ikaw ang sumusunod sa akin." mayabang niyang sabi.

"Sa sinabi mong yan pinatunayan mo lang na mayabang at bilib na bilib talaga sa sarili ang mga surfers. At nakamighty bond na ba yang surf board mo sa kamay mo at dala dala mo na kahit saan?" sabi ko sa kaniya.

"Eto naman, highblood masyado. Halika nga!" bigla niya akong hinawakan sa kamay at hinila.

"Oy oy oy! Bakit mo ako hinahawakan? Close ba tayo ha? Baka kukunin mo lang ang loob ko at ibebenta!" sigaw ko sa kaniya habang naglalakad kami, hila hila niya pa rin ako.

"Oo kukunin ko..." sabi niya.

"Ano?! Sinasabi ko na ba e--"

"Kukunin ko ang puso mo." sabi niya. At ang loko kinindatan pa ako.

-----------------------

End of Chapter 8

Meron kayang kapangyarihan si Fiona? Kung meron? Ano yun? Comment mo :)

Paulit ulit nalang ba tanong ko? Hahaha vote niyo haa.

MERMAID FORCEWhere stories live. Discover now