Chapter 42: Pride

4.1K 62 8
                                    

42: Pride

Charle's POV

"Oo, I need a car now." utos ko kay Chaos. Nandito siya ngayon sa France. Inayos niya muna ang mga schedules sa company ko sa Philippines. Kailangan ko na talaga ng sasakyan pati siya. Kung alam niyo lang, tumunganga lang ako sa bahay ko for a month.

Yes, one month had passed. Naghiwalay na kami ni Stun. Hindi siya nagpaparamdam. Sina Vhina lang ang madalas dito at laging siya ang nagsasalaysay ng mga pinaggagagawa nila sa mansyon ng Durrence.

Simula raw nung nawala ako, laging wala si Stun. Mga umaga na siya nagpupunta sa sariling mansyon. What are you expecting? Syempre bampira na dapat gising na gising sa gabi. Pagkasabi pa lang nun ni Vhina ay ang pambababae na ang nag-pop up na word sa utak ko.

"Okay, tara," aya naman ni Chaos. Kailangan ko ng sariling sasakyan hindi lang yung lagi na lang niya akong ipagda-drive lalo't nandito siya.

Bumili na kami ng kotse. Madali lang naman makakuha eh. Siya ay nagpunta na sa sariling niyang company dito. First day pa lang niya dito sa France. Nasabi ko na rin lahat lahat ng nangyari through calls dati.

Gusto nga niyang ibitin ang magkapatid daw na yon.

Hayst.

Imagine a month without him. Parang puzzle na di nabubuo ang structure kase wala namang bubuo nito. Napabuntung-hininga na lang ako.

Ilang beses akong nagtangka na bisitahin sila kaso laging wala si Stun. Hindi nawala ang communication namin ni Vhina eh. Ayoko namang abalain si Caerick.

Alam ko na, magbabar na lang kami ni Chaos mamaya. May bar dito na exclusively for vamps especially teens. Makapunta nga doon mamaya.

Nag-ayos ako ng sarili. Nakashort shorts lang ako tapos black spaghetti with crocheted jacket.

Gagamitin ko ang sasakyan ko. Pupunta dito si Chaos at iyong kotse ko ang gagamitin. Ako ang magda-drive.

"Charle... ang cold mo na naman," sabi niya sa akin habang diretso ang tingin ko sa madilim na kalsada.

Oo cold na kung cold. Ganito naman ang feeling ko nung nawala si Kyros ah.

Gusto kong makipag-usap kay Stun pero hindi talaga ako mapalad sa oras. Maybe I need wider space.

Pagkarating namin sa bar, nakita ko agad ang paninitig ng mga pulang mga mata sa amin. Ang iba'y di napigilang ngumisi dahil nakita itong kasama ko. Hindi ko dinedeny na gwapo si Chaos, hot at maganda ang tindig.

"Oh hi! Long time no see," sinalubong siya ng grupo ng mga babae at lalaki. Ako nama'y nagtungo agad sa bartender na abot tenga ang ngiti.

"Ngayon lang kita nakita rito, miss." wow Filipino ah.

Tumango ako.

Mga kaedad ko nga ang mga nandito dahil nakita ang former classmates ko sa bitch class ko sa Vampire Academie. Mas matured lang talaga ang katawan nila. Mahubog ang katawan ko pero mas nahubog ang kanila. Malaki iyong dibdib at masyadong revealing ang pananamit.

Hindi ko mapigiling umiling kapag nahuhuli kong nakatingin si Chaos sa dibdib nung isang babae. Haynako... lalaki nga naman.

Nilagok ko ang in-order kong beer.

"Mmmm... you are a good kisser..." moan nung isang bampira. Hinanap ko ito hanggang sa nahagip ko ang seryosong si Stun habang tatawa tawa ang mga kasama. May babae rin siyang kinakandong. Nung nagtama ang paningin namin, nag-iwas agad siya at ngumiti sa bitch sa harap niya. He held her chin at hinalikan ito.

Teen Vampires ✔ (Editing)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang