After Three Years

4.9K 101 15
                                    

After Three Years

[Chill's POV]

Time check: 8:00am

Ugh. Late na naman ako sa first class ko. Nakakainis! Ilang beses na ba itong nangyayari sakin? Patay na naman ako nito sa teacher ko. Kanina pa din ako walang masakyan. Sa ganitong oras kasi, talagang pahirapan nang sumakay sa bus. Gitgitan kung gitgitan.

"Maya-maya lang po ay darating na yung susunod na bus. Maghanda na po ang mga sasakay."

Narinig kong sigaw nung operator ng bus. Kaya naman naghanda na ako para sa magaganap na matinding gitgitan. Kapag nagpauna na naman ako siguradong hanggang sa 2nd class ko late ako. Maya-maya lang may tumigil na bus sa harapan namin, kaya ito ako nakipaggitgitan na talaga.

"Excuse me po! Excuse me po!" Sabi ko sa mga taong kasabay ko.

"Ay! Excuse me po mga ate at kuya! Malelate na po kasi ako sa klase ko! Excuse me po!"

Sandaling napatigil ako sa pakikipaggitgitan at napatingin sa nagmamay-ari ng boses na yun sa pag-iisip na makikita ko sya, pero hindi ko na sya naabutan. Nakasakay na kaagad sya sa bus.

One-Shot StoriesWhere stories live. Discover now