It's A Tumblr Love Story

1.4K 65 69
                                    

 [A/N: Dedicated sa isa sa mga magagaling at magagandang Tumblrista, si Ella(modernongmariaclara).]

Kinakabahan ako. Ngayon kasi uuwi ang best friend kong si Liam. Nandito nga ako sa airport ngayon eh. Nagtext kasi sya, mga isang oras na siguro ang nakalipas, nagpapasundo sya sa akin sa airport. Nasa trabaho kasi ang mama nya.

Kanina pa ako nandito. Sabi ni Liam, baka raw 10 eh nandito na sya pero 10:30 na at ni anino ng airplane, wala.

Naiinip na ako. Kaya eto ako, winiwili ang sarili ko sa pagbabasa ng mga e-book sa cellphone. Hindi ko nga alam kung paano ako nagkaroon ng mga ganito sa cellphone eh. Nakita ko na lang sila sa Applications folder ko. Pero ayos lang, enjoy naman ako sa pagbabasa. Nakatapos na rin nga ako ng ilang mahahabang mga kwento eh.

Pero wala pa rin sya. Inexit ko na lang yung e-book reader ko at ipinikit ang mga mata ko para makapagpahinga kahit saglit. Nagulat ako nang pagmulat ko, may isang pares ng mga paa ang nakatayo sa tapat ko. Tumingala ako at...

"Hi Ring." Nakatayo sa harapan ko ang pinakagwapong lalaking nakilala ko. Napatayo ako at niyakap sya.

"Liam!" Niyakap rin nya ako pabalik. Nang bumitaw ako, hinampas ko sya sa braso. Paghintayin raw ba ako? "Nakakainis ka!"

"Bakit? Anong ginawa ko?" Tatawa-tawa nyang tanong.

"Sabi mo 10 nandito ka na! Anong oras na 'to, ha?!" Inis na sabi ko sa kanya. Pero hindi naman ako galit. Paano ako magagalit sa taong nagiging dahilan upang gumising ako araw-araw?

"Sorry naman!" Kinuha nya ang bag nya sa likod gamit ang kaliwang kamay at hinawakan ang kamay ko gamit ang isa. Pinanlakihan ko sya ng mata.

"Bakit bigla ka na lang nanghahawak ng kamay dyan, ha? Yan ba ang natututunan mo sa school?" Pagalit kong tanong.

Tatlong taon na rin nang huling umuwi si Liam sa probinsya namin. Nag-aaral kasi sya sa Maynila, hindi ko sigurado yung course nya pero related yun sa multimedia arts eh.

Miss na miss ko na nga sya.

"Ito naman. Para hinawakan lang ang kamay eh." Sabi nya at hinila ako para pumara ng jeep.

Inuwi nyang saglit yung bag nya at umalis na naman kami kaagad. Ewan ko ba dito kay Liam, hindi ba sya napagod sa byahe nya? Tinanong ko kung saan kami pupunta, sa mall daw.

Paglabas nya sa kwarto nya, nakapagpalit na sya ng damit, at nakasabit sa leeg nya ay yung DSLR nya. Fine. Naiinggit ako. Pangarap ko rin na magkaroon nun.

"Katrinne!" Tawag nya sa akin at tumingin ako sa kanya. Itinaas nya ang camera nya at pinicture-an ako. Buti na lang, nakangiti ako lagi. "Tara na."

Dumating kami sa mall, as usual, maraming tao. Pero may lumapit sa kanya na mga babae, tapos humiling na magpa-picture. Ako yung nakita kaya ako ang ginawang photographer.

Nung umalis na yung mga babae, tinanong ko si Liam kung bakit nagpa-picture yung mga babae sa kanya.

It's A Tumblr Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon