Chapter SIXTEEN

423 18 4
                                    

Mandy: Nandito lang kami...

...

Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung anong nangyari kay Jaycelle. Ewan ko ba! Ang dami ko nang iniisip. Pati ba naman si Jaycelle iisipin ko pa? Pero nagguilty ako. Bakit ganun? Feeling ko ang sama kong pinsan.

Kahapon nagstart yung Foundation week. Di pa rin ako pinapansin ni Jayce. Selos ba talaga siya? Ano naman ikakaselos nun? Eh bestfriends lang naman kami ni Zeke. Pero kay Zeke nga ba talaga siya nagseselos? Bakit? Ugh! Bakit naman sarili ko kinakausap ko? Tae!

"Uy Mandy. Anong problema mo?" Si Toni.

"Girl, bakit ganun? Naguguluhan ako."

"Naguguluhan din ako."

"Ha? Bakit? Alam mo na problema ko?" Natawa siya at umiling.

"O, eh bakit naguguluhan ka din?" Tanong ko sa kanya.

"Naguguluhan ako kasi ako sa... sinasabi mo! Ano bang problema mo? Ang gulo mo eh!" Tae! Kala ko pa naman may karamay ako. Tss. Eto talagang baklang 'to!

"Tss. Ewan ko sa'yo! Di ka ba nawiwirduhan sa pinsan ko?" Ang sama ko talaga! Feeling ko binabackstab ko ang pinsan ko. Pero hindi naman siguro pambabackstab 'to di ba? Wala naman akong sinasabing masama eh.

"Pansin ko rin. Ang weird niya nga. Ano bang pinakain mo dun?"

"Loka! Wala naman akong ginagawa noh! Ewan ko ba! Sa tingin mo nagselos talaga siya nung Monday?" Kasi hindi na siya bumalik nun eh. Pag-uwi ko naman sa bahay, tulog na daw siya sabi ni mama. Paggising ko naman, nakaalis na raw siya. Tapos paguwi ko ulit kahapon, tulog na naman. Iniiwasan niya yata ako.

"Ano sa tingin mo girl? Di ba sabi mo iniiwasan ka niya?" Tumango ako. Bakit hindi mo siya kausapin?"

"Hindi ko nga siya mahagilap. Pa'no ko kakausapin?" Nagisip kami.

"Kung ipa-jail booth namin kayo?!" Ay kabayo ka! Nakakagulat naman 'tong si Pat! Bigla na lang sumusulpot. May lahi ba siyang mushroom?

"Pwedeng wag manggulat?" Sarcastic na tanong ni Toni.

"Sorry naman. Narinig ko kasi yung pinaguusapan niyo eh. May naisip lang naman akong paraan para makapagusap kayo."

"Ano?!" Sabay naming tanong ni Toni.

"Ayun nga, kayong dalawa lang sa jail booth. Ako na bahala sa officer na nagbabantay dun. Basta makapagusap lang kayo."

Tama si Pat! Mas makakausap ko siya ng harapan kung ganun nga ang gagawin! "Pat, talino mo talaga!" Sabi ko sa kanya.

Pumasok na ako sa loob ng jail. Hinihintay ko pa si Jaycelle. Sina Toni at Pat na raw ang bahala sa officer ng booth. Sigh. Sana magwork yung plan ni Pat.

Wala pang 5 minutes ay pumasok na rin si Jaycelle. Nagulat yata siya kasi nandito din ako.

"Akala ko ba yung kulot lang?" Tanong niya dun sa mga humuli sa kanya. Kibit-balikat lang ang sagot nila kay Jaycelle.

Umupo si Jaycelle sa sulok ng jail. Nilapitan ko siya at umupo rin ako sa harap niya.

"Jayce, may problema ba?" Tumingin siya sa'kin at umiling. Sigh. Kaya ko 'to!

"Jaycelle, alam kong may problema ka. Sabihin mo na sa'kin." Humarap siya. Seryoso yung mukha niya.

"Anong problema ko?" Nagfake smile siya. "Ikaw!"

A ChanceWhere stories live. Discover now