Chapter 10: INTERVIEW

2.2K 50 4
                                    

"WELL then, pupunta na ako sa work. I wanted this place clean. Every nook and crook. I'll be back at dinner. Make sure to make me dinner before you left the place. I've got a key so you can take the spare one. I need to go." Sabi nito sa kanya na napatungo lang siya. Wala siya sa mood para makipagtalo pa sa lalake. She kept on crying last night at buti na lang ay hindi namamaga ang mata niya kahit pa nagpupuyat or umiyak siya. Hindi naman kasi nahalata ni Ran-ran na matamlay siya.

Lumabas na ang lalake at doo niya inilapag ang bag at nagsimula ng maglinis. Kung puyatan ang pag-uusapan ay kayang-kaya niya ito. Ilang beses na rin siyang naglamay ng mga susulatin everytime gahol siya sa oras at busy siya pero iba pala talaga kapag emotionally unstable ka, nakakawindang ng mundo. Napakatagal niyang inisip ang mga dapat gawin bago man niya gawin ang napagdesisyunan niya.

Kailangan niyang interviewhin muna ang JESTER sa lalong madaling panahon. Malapit na rin kasi ang pasahan ng article. She took her phone out and start to dial JESTER's number to ask kung kelan sila pwedeng interviewhin. Kailangan na niyang planuhin ang lahat-lahat. Nang malaman na niya ang day kung kelan sila pwedeng interviewhin ay inilagay na agad niya ito sa planner niya. Kailangan din kasi niyang tawagan si Edna for photoshoot. Matapos maayos ang mga schedule ng lalake ay nagsimula na siyang maglinis dahil wala naman siyang ganang kumain ay hindi na siya nag-almusal, mas maagang matatapos ang trabaho, mas okay.

Inuna niyang linisin ang kusina nito. Kiniskis niya ang mga tiles sa dingding, lutuan para kumintab, hinugasan na rin niya ang kanina niyang pinaglutuan para sa lalake at nag-mop din siya ng sahig ng kusina. Nang maging makintab at kaaya-ayang tignan ang kusina ay lumakad na siya sa sala. Kinuha niya ang duster at nagsimulang tanggalin ang mga alikabok sa lahat ng sulok. Kumuha rin siya ng bahasahan para punasan at pakintabin ang mga gamit sa loob. Napahinto siya ng mapunta siya sa drawer kung saan nakalagay ang lahat ng picture na naka-frame. She saw a picture of the three men of Archuetta. Ang childhood picture ni Ran which is kamukhang-kamukha talaga ng picture na ipinakita ng Lolo nito sa kanya. She smiled heartbrokenly. Hindi pala talaga nagsisinungaling ang matanda. The album that she saw last night was too different to the picture she's staring at. Kitang-kita kasi ang mga emosyon sa mata ng bata. It's a very cold stare and there's hurt in his eyes too. Hindi rin niya makita ang matamis na ngiting nakita niya sa mga picture kagabi kumpara sa picture na nasa frame. Kinuha niya iyon at hinaplos ang frame.

Ilalapag na sana niya nang maramdaman niyang parang bukas ang frame. Itinalikod niya iyon at napansin ngang semi-bukas ito. Dahil sa curiosity ay binuksan niya iyon. Merong isang picture sa likuran nun. Kinuha niya at lalo siyang na-guilty. It's a picture of Mom, Son and Dad tandem. Walang anu-ano ay napaluha siya. Inihara niya ulit ang frame to see the sad picture of Ran and the Happy family on the back.

"Don't worry... Malapit ka na ulit maging ganito kasaya... I will promise you that." Sabi niya at nayakap ang dalawang picture. Lumuluha pa ring ibinalik niya ang picture sa likuran at ang frame sa tamang pwesto at itinuloy ang paglilinis. Gaya ng ginawa sa Kusina, ay nag-mop rin siya ng floor. Nang masiyahan sa paglilinis ay pumunta na siya sa kwarto nito. Doon pa lang sa pintuan ay napangiti na siya. She remembered the second and third time they kissed. Walang anu-ano ay nahawakan niya ang kanyang labi dahil namiss niya bigla ang ganoong tagpo. Kung mahal nga lang siya ng lalake ay mahaba na ang hair niya. She kick the thoughts away at nagsimula na ring mag-ayos. Nagpasya siyang palitan lahat ang kobre-kama, ang punda at ang kurtina. Maglalaba siya kasama ang used clothes na nakita niya kanina sa laundry area ng lalake.

Natapos na lahat ang paglilinis at mag-uumpisa na siyang maglaba ng makita niya ang oras. It's already past 3. Hindi pa pala siya kumakain pero di naman kasi siya nagugutom e. Inilagay niya ang kobre-kama, punda at kurtina. Nagpasya siyang labahan na lang gamit ng kamay ang mga damit at salawal ni Ran. Hindi naman siya nandidiri dahil alam naman niyang hindi nakakadiri ang lalake. She was used to do laundry anyways. Habang umiikot ang washing machine ay naglalaba siya. Natapos niya ang paglalaba at pagsasampay ng half 4 na. Papunta na siya sa kusina ng makaramdam siya ng sobrang hilo. Napahawak siya sa ulo at ang isang kamay ay napakapit sa lamesa.

JESTER Series 6: Randolph's Take Me With YouTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang