Short Trailer Script

3.8K 21 10
                                    

Itong script namin ay may onting twist tulad ng may character dito na lola at apo na parang nagkukuwentuhan about sa Noli.

-

           

Noli Me Tangere

Apo: Lola, kuwentuhan niyo naman po ako!

Lola: Aba, Apo anong kwento naman 'yun.

Apo: Yung sa pagmamahalan po nina Ibarra at Maria Clara.

Lola: Ah, yun ba? Sisimulan natin sa mga karakter ng kuwento sa pag-iibigan nila. (Magkekwento.)

(Ipapakita si Jolaica na nakaupo sa ilalim ng puno)

Lola: Siya si Maria Clara. (Biglang dadating at hahalikan ang kamay ni Jolaica ni Roswel.) Siya naman si Crisostomo Ibarra. (Ipapakita naman na nagtatago sa mga dahon si Nathan.) Siya naman si Elias. (Bigla naman ipapakita si Apolinar maglalakad lakad.) Siya naman si Kapitan Tyago. (Biglang ipapakita sa mga halamanan si Pam.) Siya si Tiya Isabel. (Sabay dadaan sina Corre at Trixie.) Sila si Sinang at si Victoria. (Dadaan si Sisa na nababaliw tas magtatanong sa mga tao.) Siya naman si Sisa. (Bigla naman magpapakita si Aidan pati si Bhards.) Sila naman ang anak ni Sisa, si Crispin at Basilio. (Lilinga linga si Apig.) Siya naman si Pilosopong Tasyo. (Papasok si William at si ... ) Sila ay si Tinyente Guevarra at Pinuno ng Guwardiya Sibil. (Papasok si Dave.) Siya si Don Tiburcio. (Papasok naman si Ivan.) Siya naman si Alfonso Linares. (Unang papasok si Daga-ang mamaya susunod naman si Evang.) Sila naman si Dona Consolacion at Dona Victorina.(Papasok si Marky pati Josh.) Sila si Padre Salvi at Padre Sibyla. (Biglang eentra si Jason.) Siya naman si Padre Damaso.

(Biglang magpapakita ng mga bahay na luma. Lumang gamit. Paoay Church. Lampara. Ilaw. Basta ung pwedeng pang scene sa trailer. Pati ung pagbukas ng pintuan. Pati mga puno. Pati orasan na gumagalaw. Tas ipapakita ung paa ni Ibarra na naglalakad papunta kay Maria Clara. Tas ipapakitang nagyayakapan sila.)

Lola: May panahon ng kabutihan, May panahon ng pag-iibigan, May panahon ng kasamaan at kasakiman sa kapangyarihan. (Boses lang 'to.)

(Ipapakita na natakbo si Sisa na nabaliw.)

Lola: May panahon na, matatabunan ng kasamaan ang araw ng kabutihan. (Ipapakita na dahan dahan papasok si Ibarra sa simbahan. Biglang, mapupunta kay Padre Damaso na nagkakaroon ng misa.)

Padre Damaso: Dapat, ipapatay ang mga indyo na hindi gumagalang sa Diyos! Ang mga erehe! Ang mga filibustero! Ang mga makasalanan! At ang mga hindi kayang kilalanin ang Diyos! (Itatapat ang camera sa mga tao.)

(Itatapat na ung camera sa mga puno, matagal tagal din doon. Parang gubat ung dating ganun. Tas mapupunta sa parang gate na makaluma. Tapos rehas, tapos bubukas ung gate tapos makikita si Ibarra doon na nagsusulat.)

Ibarra: Kailan kaya magkakaroon ng kalayaan, na ipahayag ang nangyayari sa kinauukulan?

(Habang nagsusulat si Ibarra. Bigla siyang magsasalita. Ifofocus doon sa ink na sinusulat at liham na isinusulat ni Ibarra.)

Ibarra: Aking Maria Clara, mag-ingat ka sa mga prayleng nasa paligid mo. Baka yang akala mong mabait sila, sila ang masama.

(Biglang pupunta ung camera kina Padre Damaso at Kapitan Tyago. Nag-uusap sila sa gilid ng bahay na maraming halaman.)

Padre Damaso: Talagang hindi makakabuti, si Ibarra kay Maria Clara. Mabuti pa si Linares talagang makakabuti kay Maria Clara. (Galit ung boses nito)

Kapitan Tyago: Pero Padre Damaso, tunay silang nagmamahalan at hinding hindi ito mahahadlangan.

(Ipapakita na sa camera si Maria Clara na may hawak na diary na notebook tapos binuksan niya. Biglang magsasalita ung nanay ni Maria Clara- kahit boses lang'to.)

Nanay ni Maria Clara: Mahal kong anak, isang prayle ang totoo mong ama. Hindi mo tunay na ama si Kapitan Tyago. Ang ngalan ng iyong ama ay Padre Damaso.(Agad sinarado ni Maria ang diary na hawak niya at gaulat na umalis.)

(Agad pupunta kay Maria Clara ung camera tapos, nagawa siya ng mga bulaklak. Bigla siyang magugulat dahil biglang dadating sa likod niya si Ibarra.)

(Sumasayaw ang dalawang magkasintahan ng magsalita si Padre Damaso. Ifofocus ung camera sa damit ni Maria Clara na nagsasayaw habang pataas ng pataas.)

Padre Damaso: Tignan mo sila! Hindi sila bagay! Mas makakabuti sa kaniya si Linares.

(Sigaw ni Padre Damaso pero hindi ito pinansin nina Ibarra at Maria Clara.)

Lola: Isang dakilang pagmamahalan ang magliligtas sa lahat. Siya ay gagawin ang lahat para sa ikabubuti ng lahat. Siya naman ay may dakilang puso.

(Habang nagsasalita, nasayaw parin sina Ibarra at Maria Clara,paikot ikot lang ung camera.)

Lola: Makikita pa ba nila ang isa't isa kung ang pagmamahalan nila ay sadyang pinaghihiwalay ng mga prayle.

(Ipinapakita ang kamay ni Ibarra sa rehas at pababa ng pababa ang camera.)


PS: Comment and vote po. Comment po sa may gusto humingi ng document nito at feel free to vote.

Noli Me Tangere Script for Movie and TrailerWhere stories live. Discover now