Chapter 2

4K 114 2
                                    

‘DEAR Diary,
Today I finally talked with Ivo. Gosh! Sobrang gwapo pala niya sa malapitan! Ayos lang na muntik ng mabasag ang bungo ko sa pagkakatama ng bola ng kapatid niyang impakto. Inalalayan niya naman ako sa pagtayo at binigyan pa akong ticket sa unang game nila sa intercollegiate basketball league! Front row pa! Napaka-gentleman niya talaga!’

Tumigil sa pagtipa si Amber para magkikisay sa kilig sa upuan niya. “Eeehhhh!!”

Unang beses niyang makita si Ivo nang tumuntong siya sa Heartfield University three years ago. Graduating na ito at varsity player din ng school. Nagkataong napaaga ang pasok niya sa first day of school at naabutan niyang nagja-jogging ito sa race field kasama ang ilang ka-team nito. Pawisan man, hindi iyon nakabawas sa angking karisma at gandang lalaki nito. Gustung-gusto niya ang kislap ng focused na mga mata nito at marahang pagkurba ng mga labi na tila nang-aakit. Mula noon, ang kaguwapuhan na nito ang nangibabaw sa puso niya.

Akala niya ay huling taon na niyang masisilayan ito sa university. Kaya nga laking tuwa niya nang mag-apply ito bilang manager ng team. Pero dahil nag-retire ng mga panahong iyon ang dating coach, ito ang ipinalit sa pwesto. Hindi man niya araw-araw nakikita doon ang binata dahil abala din daw ito sa negosyo, ayos lang sa kanya. At least, nakikita niya pa rin ito.

‘Alam mo, diary, kahit na playboy siya at major turn off ko ang playboy, gusto ko pa rin siya. Napakagwapo naman kasi niya. Isa pa, siya ang tipo ng playboy na hindi pinagsasabay-sabay ang girlfriends niya. One at a time, kumabaga. Hindi nga lang pangmatagalan pero ayos na rin. Hindi ko naman hinahangad na maging girlfriend niya sa ngayon. Ayoko ng short time. Ako ang tipo ng babae na pang-lifetime—kung wala mang forever.

Hihintayin ko na lang s’yang magsawa hanggang ma-realize na isang babae lang ang kailangan niya sa buhay niya. Handa akong maghintay gaano man iyon katagal.’

Napangiti siya nang matapos magsulat. Dito, naiilabas niya ang mga damdamin na kinikimkim niya. Paraan din niya iyon para huwag masabi sa iba ang nararamdaman niya. Mahirap nang magtiwala.

Ang bestfriend niya noong high school na isa palang linta ay ibinulgar ang mga sekreto niya sa isang lalaking gustong manligaw sa kanya. Nagkataong itsinitsismis naman ng lalaking iyon sa buong klase nito ang mga nalalaman. Nang malaman niya iyon, friendship over na rin sila ng bestfriend niya. Kung tunay na kaibigan niya ito, hindi nito ibebenta ang pagkatao niya sa iba. Yes, itinuturing niyang pagkatao niya ang kanyang mga sekreto. Kaya nga sobrang nasaktan siya nang malaman ang ginawa nito.

S-in-ave niya ang bagong entry sa diary. Naka-private sa Psychopath ang diary niya. Nasa ibang folder iyon at at walang makaka-access doon kundi siya. Kung sa papel niya kasi isusulat, may posibilidad pa na mawala iyon at mabasa ng iba. Mas maganda nang sa website dahil siya lang ang nakakaalam ng password niyon.

Paglabas niya sa diary folder niya ay saktong isang notification ang nag-pop up.

Your webpage has been opened on Mac IOS. Do you confirm this activity?

Nalukot ang noo niya. Doble ang seguridad ng website na iyon dahil sa isang magaling na IT niya iyon binili. Hindi iyon basta magloloko na lang at magpapadala ng ganitong mensahe.

Bago niya pa ma-click ang ‘no’ button ay nawala na ang notification. Lalo siyang nagtaka. Minumulto na ba ng mga kaluluwang na-feature niya doon sa website niya?

Another notification popped in. It’s from the comments from her newly updated story. And the comment came from her.

What the fuck?

‘Hey. You got a nice site here,’ sabi nito.

Ilang segundo niyang tinitigan ang comment na iyon bago luminaw sa kanya ang nangyayari.

THE HEARTBREAKER TEAM Book 2: MR. HACKER BREAKERWhere stories live. Discover now