Đ2

5.7K 198 17
                                    

Masakit na ulo. Yan ang una kong naramdaman. Ang bigat pa nga nito na ang sarap pa matulog.

Pero habang dinadalaw na naman ako ng antok. Biglang pumasok sa isip ko ang huling nangyari.

Kaya naman hindi ko mapigilang wag bumangon. Kahit nahihilo pa ako ay sinikap kong magising ng tuluyan ang diwa ko.

Hindi ko inakalang ganun si Enrique kasi naman wala sa mukha niya na kaya niyang gawin yun. Hindi ko na din alam ang nangyari sa tiyahin ko, kung hinahanap pa ba nila ako. Lalo na ng mga magulang ko.

Sa pagkaalala sa kanila, hindi ko mapigilang wag maiyak. Wala na ang pangarap ko para sa kanila. Sigurado akong hindi ako makakatakas dito.

Lalo na't nasa isang silid ako na gawa sa bato at walang ni isang bintana maliban sa pintuan na gawa sa bakal.

Nakahiga ako sa kama sa isang sulok ng silid na iyon. May maliit din ata na banyo at lamesa.

Pero ang nakaagaw pansin sa akin ay ang mga bagay na nakasabit sa isang gilid.

Meron doon iba't ibang klase ng kutsilyo. Meron ding yung nakikita ko sa tv, yung ginamit ng nagpoprosisyon pagmahal na araw, yung hinahampas nila sa likod at dumudugo, yun ang nakikita ko na iba't ibang laki at klase.

Hindi ko alam kung ano yun pero nakakatakot. Meron pang lubid at posas. Hindi ko alam kung ano ang silid na ito, pero iba ang pakiramdam ko dito. Na parang ang daming sakit at sigaw ng paghihinagpis na ang naganap sa silid na yun.

Pero, kailangan ko makatakas. Hindi pwedeng dito na lang ako. Paano ang mga magulang ko? Siguradong nag-aalala na ang mga ito. Baka magkasakit pa ang mga ito.

Napabalik ako sa diwa ko dahil sa gitgit ng pintuan. Sa lalim ng pag-iisip ko ay hindi ko narinig ang yabag ng papalapit o hindi lang talaga dinig sa loob. Hindi ko lang alam.

Naghintay ako kung sino ang papasok mula sa pintong yun. Kahit alam ko na kung sino ay nagdadasal parin akong iba.

Pero nadismaya ako ng makita ko ang lalaking kinaiinisan ko na at kinakatakotan ngayon. At mas lalo pa kita ko ang nakakatakot niyang ngisi na nakapagbigay kilabot sa kaibuturan ko.

At habang nakatingin sa kanya ay hindi ko na napigilang mapaiyak.

"Pakiusap, ibalik mo na ako sa amin." Sabi ko habang umiiyak. Hindi ko alam kung papayagan niya ako pero sinubukan ko parin kahit malabo. "Pakiusap, kailangan ako ng magulang ko." Pagmamakaawa ko pa.

"Hindi na pwede." At ngumisi pa lalo ito. "Dahil patay kana." At humalakhak pa ng napakademonyo.

Napatigil naman ako at napatulala sa sinabi niya. Kinapa ko pa ang sarili ko ng sinabi niyang patay na ako, pero buhay ako. Anong ibig niyang sabihin. 

"Stupid!" Malakas na sabi nito at lumapit at umupo sa tabi ko. Habang ako ay umusad palayo at sumiksik sa uluhan ng kama. "Pinalabas kung patay kana." Sabi pa nito.

"Pa-paano?" Sabi ko habang di makapaniwalang magagawa niya yun.

"Nilaglag ko lang naman ang sinakyan natin ng kinidnap kita. Nilaglag ko sa bangit at boom." At nagmwestra pa ito ng pagsabog. "Magkasama tayong nasunog. Diba ang galing ng plano? Wala ng maghahanap sayo, kaya akin ka na." May pagmamalaki niyang sabi habang nakangisi habang ang mata niya at nakatingin sa akin at alam kong pagnanasa yun kahit hindi ko pa nakikita sa totoong buhay maliban sa tv.

At bago pa nga ako makasalita ay nakadagan na siya sa akin ng sobrang bilis. Hindi ko na magawang maglaban pa dahil mabilis nitong hinablot ang damit ko kaya napunit ito.

Nag-umpisa na agad siyang galawin ang masilang bahagi ng katawan ko pero nanglaban ako ng mahimasmasan ako sa pagkabigla ko. Pero may pagsabakal talaga siya kasi hindi ko man lang siya natinag. Hindi ko siya mapigilan.

Destined (gxg)-completeWhere stories live. Discover now