Kinalimutan

11 0 0
                                    

Humampas ang mga alon at aking hinanap ang tinatagong kuwestiyon.

Mga tanong na durog na, at Hindi parin mahanap ang tamang kasagutan.

Minsan ng nasumpungan lahat ng iyong pinagdaanan. Mga problemang iyong inilantad, luhang iyong pinalis gamit ang aking panyo.

"Makinig ka". Tinig na nagsasabing nasasaktan ka. "Tama na". Tinig na nagsasabing ika'y hirap na hirap na. Ang dalawang tinig na ito ang siyang nag udyok upang tulungan kang muling mabuo.
Dahil alam ko sa sarili ko mismo, na durog na durog na ang iyong puso.

Pinakinggan lahat ng pagsusumamo, inalagaan ang wasak mong puso.
Tinulungan sa lahat ng taong nang aapi sa iyong pagkatao. At binigyang makahulugan ang bawat pintig ng iyong puso.

Tinulungang ngumiti, sa kabila ng pighati. Dahil alam ko, ika'y babangon muli.

Aking nakita ang naging  resulta.
Ika'y ngumingiti at tila masayang masaya.
Mga ngiting nawala ng ilang buwan, ay naibalik na ng tuluyan.
Marahil nakatulong ako sa mga suliraning kinaharap mo.

Ngunit ngayon, tayo ay nagkapalit ng sitwasyon.
Ako'y nahihirapa't ako'y nasasaktan.
Pinipilit na bumangon mag isa, ngunit ako'y hirap na hirap na.

Hinanap kita sa kung nasaan ka.
At aking nakita ang nagniningning mong mata.
Ngumiti ka na tila walang problema.

Ako'y magsasalita sana, ngunit bigla kang lumiko.
Lumiko sa lahat ng mga sasabihin ko.

Ako sana ay magpapatulong sayo
Kung paano bubuuin ang sarili ko.

Ngunit,

Kaibigan bakit ako'y iyong...




Kinalimutan?

Kinalimutan.Where stories live. Discover now