WPHY:Meet Myrene

26 1 0
                                    


   Hello Universe!Ako nga pala si Myrene Kristel Baloloy,hindi po accesories yung apelyido ko yung burloloy,hahaha tawa tayo,16 years old,Incoming grade 10 this year in Castle Academy,makulit,madaldal,maingay,maganda,hindi mayaman,pero may kaya naman sa buhay,matalino,sporty at higit sa lahat mahinhin,pero hindi kasing hinhin ni mariaclara.

   Sa pagkakaalam ko,pinangalanang Castle Academy ang school na pinapasukan ko dahil para daw mga reyna at hari ang mga pumapasok dito.Tumatanggap din naman sila ng mga scholar,pero mapili po sila sa pagtanggap dahil oo nga at matalino ka pero wala kang ganda,hindi ka na agad pasok kung maganda ka naman pero walang talino bagsak ka din dahil ang dapat daw na scholar ay maganda na,matalino pa kung baga dapat balanse.Ang demanding diba?

   Bat ko nga ba dinedescribe ang school ko eh ako naman dapat.Maiba tayo,sabi ng iba sakin mapili daw ako ng mga kinakaibigan.Bakit?dahil ayaw ko sa mga taong baliktaran kung baga plastic,mahilig daw ako sa mga malalaking damit,pero maganda pa naman din daw,minsanan lang daw ako kung ngumiti at hilig ko daw ang mga larong panlalaki.

   Ang tanong ikaw kayang magkaroon ng apat na kapatid na lalaki hindi ka kaya mahilig sa mga larong panlalaki.

   "Anak lumabas ka na dyan sa kwarto mo at kakain na tayo" sabi sakin ni Mama

   "Opo ma,susunod na ako" tugon ko

Matapos kong mag ayos sa sarili ko lumabas na din ako sa kwarto.

   "Bunso hanggang ngayon ang kupad mo pa din" sabi ng panganay kong kapatid na si Kuya Jerard

   "Ano pa nga bang aasahan mo kuya sa mga babae,mababagal talaga" sabi naman ni Kuya Joshua

   "Hahaha,ang kupad kasi eh" sabi naman ni Kuya James

   "Sa susunod kasi bunso,wag ka ng babagal bagal" sabi naman ni Kuya Jaime

   "Pa tingnan nyo sila kuya pinagkakaisahan na naman ako oh" paawang sabi ko kay Papa

   "Tigilan nyo na nga si bunso at kumain nlng tayo" sabi ni Papa

    "Lalamig na ang pagkain kaya tara na ngang kumain" sabi naman ni Mama

Pagkakain namin sumakay na kami sa aming mga sasakyan,pero hindi ako ang nagda drive ng sasakyan si Tay Carding dahil wala pa ako sa tamang edad para mabigyan ng lisensya.

Kring!Kring!Kring!

Hello Beh!

              Beh,nasan ka na ba,kanina pa kami dito oh nila Kaye

Beh,pasensya na at alam mo namang mabagal akong kumilos,pero malapit na naman na kami ni Tay Carding sa school

             Sige,Beh intayin ka nlng namin dito pero bilisan mo ha

Ok,beh babye

            [End of Conversation]

   Yung tumatawag nga pala kanina ay si Sophia isa sa mga bestfriend ko,Well may lima lang naman akong kaibigan.Una si Sophia Alvarez,pinakamalapit sakin,bf ko since elementary days,makulit,madaldal at maganda tulod ko,choss.Pangalawa si Chrystel Ceribo,pinakatahimik sa aming lahat,kung baga minsanan lang siya kung magsalita,ewan ko nga eh kung bat ko naging kaibigan yun.Pangatlo si Angelica Silva,pinakachismosa sa amin,dahil alam nyo bang halos lahat ng chismis sa school alam nun.Pangapat si Kaye Cuevas,pinakamaliit sa amin,pero pinakamaangas naman kung pumorma.Panglima at huli sa lahat si Claire Montalban,ang pinakamatalino saming lahat,mabuti na nga lang naging kaibigan ko yang si Claire eh ng may tanungan ako ng sagot sa mga assignment ko na hindi ko alam kung paano sasagutan,hahah sorry beh.

Sige,see you later...



***********************
A/N:Kung may mali man po sa mga naisulat ko,pasensya na po,Sana po nagustuhan nyo.




  
 
   

When Pagsisisi Hits YouNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ